Ch. 3

2.8K 97 41
                                    

Dianne

"Saan ka na naman ba pupunta? Akala ko ba'y magbabakasyon ka rito, huh?" Naririndi na ang tainga ko kay Derek. Ayaw kasi niya akong payagang umalis para hanapin ang mangkukulam na nakita ko sa aking pangitain.

"Chill, dude. I can handle this." Ngumiti pa ako nang matamis para makumbinse siya. Alam kong weakness ni Derek ang ngiti ko.

"Goodness, Dianne! Mapapatay ako ni Aunty Winona sa mga pinaggagawa mo!"

"Okay lang iyan, ikaw lang naman ang mamamatay at hindi ako." Napailing-iling na lang si Derek sa akin bago napabuga ng hangin.

"Ano bang wala sa Nealandra na meron ang ibang bansa?" Nakukunsuming tanong ni Derek sa akin.

"Kasi...may kailangan talaga akong hanapin, pinsan. Alam mo naman na, bakit pa ba ako nagpapaliwanag sa iyo?" Nagpatuloy na lang ako sa akimg ginagawang pag-aayos ng gamit sa aking maleta.

"Dianne, kapag nalaman talaga 'to ni Aunty Winona-"

"Kaya nga dapat hindi niya ito malaman, Derek. Kaya nga tutulungan mo ako. Sekretong magpinsan 'to!"

"Patay tayo diyan, Dianne! Aalis ka talaga? Matagal?" Ay parang tanga rin itong si Derek. Malamang aalis ako, nag-aayos nga ng mga damit e. Malamang magtatagal din ako, punuan na nga ang maleta ko sa damit, hindi ba?

Utak, Derek. Utak.

Hindi ko na lang siya sinagot. Baka hindi na makaya ng utak ko kapag nag-usap pa kami. Mag-internal bleeding pa ako.

Marami pa akong kailangang gawin. Una, kailangan kong mahanap ang napakamarikit na babaeng mangkukulam. Susko talaga! Kapag nahanap ko siya, kahit saan pa siya nagtatago ngayon, hahalikan ko talaga siya mula ulo hanggang paa.

Pero joke lang iyon.

May usapan pa kami ni Madame Jin ngayon, ang salamangkera na nakita ni Florrence doon sa shop sa bayan ng Uganda. Nagpatulong kasi ako sa kanya para mahanap ang babaeng mangkukulam na makakatulong sa amin ni Florrence.

Ang sabi ni Madame Jin, kung mangkukulam ang hinahanap ko, mas mainam na magsimula akong maghanap sa Catharna.

Noong una, aatras na sana ako nang banggitin ni Madame Jin ang lugar na iyon. Masidhi kasi ang naging hidwaan dati ng mga salamangkera ng Catharna at mga lobo ng Avinia. Baka pagdating ko pa lang sa Catharna ay bumulagta agad ako. Paano na ang ganda ko? Susko, birhen pa naman ako!

"Hoy, Dianne! Ano ang sasabihin ko sa mommy mo?" Ungot na tanong ni Derek sa akin. Inikutan ko siya ng mga mata bago pasalampak na naupo sa tabi ng silya. Nakakapagod sa mata 'tong ginagawa ko. Gosh!

"Sabihin mo na nagtanan na ako." Pabiro kong tugon sa kanya.

"O, edi, susugod na pala kami kay An-ASDFGHJKL." Mabilis kong naitakip ang aking mga kamay sa bibig ng matabil kong pinsan.

"Hindi pa ako ready!" Pagalit kong sigaw kay Derek.

"Malalaman din niya ang lahat, Dianne. So why prolong his agony?" taas kilay na tanong niya sa akin at tumabi na rin sa akin ng upo.

"Gusto ko iyong ready na ako. Huwag kang atat, okay? Magkikita rin kami. Tapos magtatalik after." Nakangisi kong sambit at nilingon ang naieskandalong pinsan ko.

"Maghunusdili ka nga! Hindi ganyan si-"

"Oy, Derek!" Putol ko sa sasabihin sana niya.

"Oo na! Halatang inlove. Ayaw ipabanggit ang pangalan. Pangalan pa lang, naiihi ka na." Tukso ni Derek sa akin na naging dahil ng pagsapak ko sa kanyang balikan.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon