Ch. 8

2.6K 120 52
                                    

"Angelu."

"Tyrone."

Magkapanabay na bati ng dalawa sa isa't-isa nang dumating kami sa bahay ni Tyrone.

Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Angelu kanina. Actually, anina pa nga ako nahihilo sa pagkatulala ko. Pwede ba iyon?

Hindi kasi talaga maproseso ng utak ko e! Alam niya?! Alam niya na ako ang kabiyak niya?!

Mate...

Shit!

Shit! Shit! Shit!

"Dianne, tahimik ka yata ngayon?" Magkasalubong ang kilay ni Tyrone nang balingan ako. "Akala ko susugurin mo na ako ng sampal dahil sa nangyari kay Florrence."

"Huwag kang excited, Alpha Tyrone. Darating din tayo sa puntong iyan. Iniisip ko pa lang kung papaano ko gagawin iyon nang hindi nababalian ng buto." At inirapan ko siya ng bonggang-bongga na naging dahilan ng pagbunghalit ng tawa ni Angelu sa tabi ko.

Isa pa siya! Ingudngod ko kaya siya sa makintab na sahig ng bahay ni Alpha Tyrone? Ang laki pa naman ng bahay niya, malawak-lawak din ang dadaanan ng kanyang pagmumukha.

"Let's get inside. Nasa kwarto si Aba, kasalukuyan niyang tinitingnan si Florrence kaya bawal pa tayo roon. Mahigpit ang bilin niya, dito na lang tayo maghintay sa baba." Imporma ni Tyrone sa amin at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa loob ng bahay.

Ang swerte nga naman talaga ni Florrence. Ang gwapo kaya ni Alpha Tyrone, bukod sa gwapo siya ay nababaitan din ako sa kanya.

Si Derek kasi, sa sobrang pagka-approachable, hindi mo na alam kung katiwa-tiwala o hindi. Si Alpha Zeann at Macon, no comment na ako riyan. Si Angelu, hindi ganoon ka-approachable pero parang si Derek lang din. In short, hindi rin katiwa-tiwala.

Suma total, si Tyrone lang ang gusto ko sa limang Alphas.

Apat pala. Hindi kasali si Angelu. Automatic na siyang nauna sa listahan ko.

Ay, kelegs! Landi pa more.

Umupo na agad ako sa mahabang sofa nang makarating kami sa sala. Masakit ang likod ko dahil sa mahabang byahe. Hindi ako naging komportable dahil na rin sa naging posisyon ko roon sa kotse ni Angelu.

Hindi na ako nabigla nang tumabi si akin si Angelu, pero mabuti na lang at mas malapit siya kay Alpha Tyrone na nakaupo sa single seater na sofa.

"What happened?"

"She's on Heat." Sagot ni Alpha Tyrone kay Angelu bago dinampot ang mainit na kape, umuusok pa kasi iyon.

"So?" Nagtatakang tanong ni Angelu kay Alpha Tyrone. Wala pa yatang alam ang isang ito.

"She's human, Angelu. She is not used to our ways, ayaw ko siyang biglain."

"Kaya minarkahan mo?" Angelu smirks as he replies.

Infairness, ang galing ng sagot niya! On point!

Ano ka ngayon, Alpha Tyrone?

Nakita ko kung paanong sinamaan ng tingin ni Alpha Tyrone si Angelu. Tiningnan ko naman si Angelu, wala ni anumang epekto ang titig ni Alpha Tyrone sa kanya.

Siyempre, Alpha rin siya e!

Nakakaloka ang dalawang ito!

"Tell that to yourself when you find your mate." Bwelta ni Alpha Tyrone sa binatang katabi ko.

Bigla akong natahimik. Alam kong hindi ako delusyunal nung narinig ko si Angelu kanina sa loob ng sasakyan. Hindi naman ako bingi.

"I found her, Tyrone."

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon