Ch. 13

2.3K 104 78
                                    

Dianne

Buong akala ko ay didiretso na kami patungo sa loob ng private jet na nakaabang kuno sa amin.

Ngunit imbes na eroplano ang sumalubong, eh, isang lamesang pang-apat ang naabutan ko sa tarmac. Napakunot ang noo ko. Ano na namang trip 'to?

Magrereklamo na sana ako nang biglang lumitaw si Angelu na may hawak na champagne bottle sa kanang kamay. He is smiling sweetly at me, na mas lalo kong ikinabwesit.

Ang sarap niyang bigwasan talaga. Mamaya talaga siya, makakatikim talaga siya sa akin!

I took my time and sashayed my way to him. May mapapatay talaga ako ngayon.

"Alpha." Bati ni Liam na naunang nakalapit kay Angelu. Nginitian ni Angelu ang lalaki pagkatapos ay tiningnan ako, na nasa likuran lang ni Liam.

"An-"

"Angelu." Si Madame Jin.

"Madame Jin." Maaliwas ang mukh ni Angelu nang batiin niya si Madame na mas nauna pang nakalapit sa kabiyak ko.

Anong drama nila!?

"Kamusta ang naging byahe ninyo mula sa Nealandra, Madame Jin?" Narinig kong tanong ni Angelu kay Madame, ipinaghila pa niya ng upuan ang babae at hinintay na makaupo.

Nanatili akong nakatayo malapit sa kanila. Wow! Ano ako rito, extra lang? Wallpaper? Sa ganda kong 'to?!

"Dianne-"

"Tse!" Malakas kong tinabig ang kamay ni Angelu na nakalahad sa akin. Ngayon lang niya ako maiisip? Second option? Second option?

Hindi ko na hinintay pa si Angelu na ipaghila ako ng upuan.

No. Need.

Napatingin ako sa gawi ni Angelu na naghila ng upuan at inilapit iyon sa kinauupuan ko.

"How's your day?" Tanong ni Angelu.

"Fine."

"Kamusta na si Florrence?" Manhid ang buang. Hindi nakakaramdam na nabubwesit na ako.

"Okay lang." Tipid ko na namang sagot. Tumikham si Liam sa gilid ko, habang si Madame Jin naman ay nakaangat ang kilay na nakatitig sa akin.

Wow ha.

"Umayos ka ng sagot, Dianne." utas ni Madame Jin bago kinuha ang table napkin sa ibabaw ng plato niya.

"Ay, ang ayos ko pong sumagot, Madame Jin."

"Sagutin mo nang maayos si Angelu." Wow! Walang Alpha ha? Feeling close? Ginutom ba masyado ni Derek si Madame Jin at pati pride niya ay buong-buo niyang nilulon? Akala ko ba ayaw niya kay Angelu kasi nadi-distract ako?

"Pinakamaayos ko na po iyong sagot." Pabalang ko pa ring sagot sa kanya.

"Dianne!" Pasigaw na saway ni Madame Jin sa akin.

"Sorry, hindi ako na-inform na maliban sa pagiging nurse ni Florrence, eh, kailangan ko rin palang maging reporter ni Alpha Angelu."

"Gelu." Napalingon ako kay Angelu na masama na ang timpla ng mukha sa tabi ko.

"Alpha Angelu." I said those words with emphasis. Leche niya!

"Hindi yata ako matutunawan a." Biglang singit ni Liam na nasa tabi ni Madame Jin.

"Ay mabuti ka pa, makakain. Ako kasi naumay na sa busog. I can't feel my tummy na nga e." Maarte kong sabi saka kinuha cellphone sa bag ko.

Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit ganito. Naiinis ako na may ibang babaeng nginingitian si Angelu.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon