Ch. 29

1.6K 87 5
                                    

Baltoza, Catharna

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Dianne? Nandito na tayo sa Catharna, nakita mo na ang taong sadya mo, ayaw mo na ba talagang ipagpatuloy ito?" ilang ulit na akong tinanong ni Madame Jin simula pa noong nakita niya akong nag-e-empake ng gamit sa bahay ni Cornelia. Hindi ko siya sinagot kahit na ilang ulit na siyang nagtanong. Namamanhid pa rin ang damdamin ko dahil sa mga pangyayari nitong nagdaang mga araw. Para pa rin akong nabubuhay sa isang masamang panaginip, bangungot pala kung tutuusin.

"Dianne?" hindi na nakatiis si Madame Jin sa pambabalewala ko at hinawakan ang aking kaliwang braso. "Isusuko mo na lang ba nang ganoon na lang ang misyon mo?"

Iniharap ako ni Madame Jin sa kanya. Nang tumingin ako nang diretso sa mga mata niya ay may bahid ng pag-aalala akong naaninag mula roon.

"Isusuko mo na lang ba nang ganoon ang lahat, Dianne? Matapos ang lahat ng naging sakripisyo mo?" ulit ko sa kanyang sinasabi. Hawak ko sa isang kamay ang urn kung saan nakalagay ang mga abo ni Damon. "May namatay na, Madame Jin, tapos ganoon lang pala para sa iyo ang lahat? Ganoon lang ba iyon?! Ganoon lang ba kadali iyon para sa iyo?!" sunod-sunod kong sumbat kay Madame Jin. Ayaw kong pagtaasan siya ng boses, wala akong karapatang manumbat. Wala siyang kasalanan, ngunit hindi ko maatim ang pangmamaliit niya sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa pagpanaw ni Damon.

"Pinagsisisihan na ni Liliana ang nagawa niya, Dianne. Hindi sa kinakampihan ko siya, ngunit alam ko ang naging buhay ni Liliana. Alam ko ang mga pangyayari sa buhay niya. Hindi tama ang ginawa niya, mali ang ginawa niya kay Damon, pero nagsisisi na siya ngayon." paliwanag ni Madame Jin sa akin. Nahihirapan akong intindihin ang mga sinasabi niya. Masakit pa rin. Ayaw gumana ng isip ko sa mga naging paliwanag ni Madame Jin, ayaw lumambot ng puso ko dahil sa nangyari kay Damon.

"Kahit anong gawin mong paliwanag, kahit anong gawin niyang pagsisisi, hindi na niya maibabalik ang buhay ni Damon. Wala akong pakialam sa naging buhay niya, wala akong pakialam sa mga pinagdaraanan niya. Hindi lang siya ang may pinapasan na problema sa mundo, Madame Jin, kaya hindi iyon dahilan para  patayin niya si Damon." mariin kong sambit saka hinila ang aking braso mula sa pagkakahawak niya. Humakbang ako palayo kay Madame Jin at naglakad patungo kay Cornelia.

Malungkot na tumingin sa akin si Cornelia, isa rin siya sa mga nanghihikayat sa akin na kausapin si Liliana. Kilala nga marahil nila ang salamangkerang iyon, paano kasi'y na sa babae ang simpatya nila at wala kay Damon. Kaya mas nagagalit ako sa bawat araw na nananatili ako rito.

"Pasensya ka na, Dianne." mahinang sambit ni Cornelia bago ibinaling ang tingin niya sa ibang direksyon. "Pumasyal ka sa Catharna ha? Maghihintay lang kami sa'yo rito."

"Gusto kitang ngitian, Cornelia. Gusto kong magpaalam na masaya ngunit..." napabuga ako ng hangin bago ako tuluyang lumapit sa kanya. "Salamat sa lahat." yumakap ako kay Cornelia nang mahigpit. Narinig ko ang kanyang mahinang paghikbi ngunit hindi ko na siya tinanong kung bakit, alam kong napalapit na rin siya kay Damon. Silang dalawa lang naman ang mahilig makipagkulitan sa akin sa t'wina.

"Sana bumalik ka, sana sa susunod ay magagandang alaala naman ang baunin mo mula sa Catharna."  malungkot na wika ni Cornelia sa akin. Napatango ako sa sinabi niya bago tinapunan ng tingin si Corina. Tulad ni Cornelia, nakatingin din sa akin si Corina, may lungkot na nababanaag ko sa kanyang mga mata.

"H'wag nga kayong ganyan!" tinampal ko ang balikat ni Cornelia at hindi nakatiis na yakapin siyang muli. Hindi na rin napigil ni Cornelia ang kanyang mga luha, pumalahaw siya ng iyak at yumakap nang mahigpit sa akin.

"Sana magkita pa tayo muli." aniya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Inilayo ko siya bahagya sa akin bago kinurot ang kanyang pisngi.

"Magkikita pa tayo, pangako ko iyan, Cornelia." pangako ko sa kanya bago siya hinila patungo kay Madame Jin. "Paano ba 'yan? Aalis na kami ng Catharna. Maraming salamat sa lahat ng naitulong ninyo sa akin." sambit ko nang hawakan na ni Madame Jin ang balikat ko at iginaya patungo sa bakanteng espasyo.

"Halika na?" tanong sa akin ni Madame Jin saka inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan. Napatitig ako sa kanyang mga palad.

Napangiti ako nang pilit. Kahit kailan talaga ay wala na akong ginawang tama. Mahina na nga ako, depektibo pa. "May makikita rin tayong paraan para mabuhay si Florrence. Huwag ka ng malungkot, halika na." pang-aalo ni Madame Jin sa akin. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa akong pisngi bago ako nakulong sa mahigpit niyang yakap.

"Si." mahina niyang bulong.
--
(Ordanio Port) Herona, Vlamia

Matapos ang halos apat na oras na biyahe mula sa Catharna ay narating na rin namin ang pantalan ng Herona. Naging tahimik lamang ako sa buong durasyon ng biyahe namin ni Madame Jin mula sa Isla Norma hanggang dito. Panaka-naka niya akong tinitingnan kanina, kinakamusta kung okay lang ba ang pakiramdam ko.

Sa bawat tanong niya ay simpleng tango at ngiti lang ang isinasagot ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masakit pa rin sa dibdib ang pagkawala ni Damon, ngunit kinakabahan din ako at natatakot. Paano ko sasabihin kay Angelu ang nangyari? Paano ko ipapaliwanag ang pagkamatay ni Damon sa lahat? I am his Luna. I am his Luna for Christ's sake! Pero hinayaan ko siyang mamatay. Namatay siya na wala man lang akong nagawa para mailigtas siya.

"Akin na muna ang urn, Dianne." kinuha ni Madame Jin mula sa akin ang urn bago ako iginiya patungo sa parking lot ng pantalan. "Magpapasundo ba tayo kay Alpha Derek?" dagdag niyang tanong.

Umiling ako sa gawi ni Madame Jin. Hinagilap ko sa dalang duffel bag ang susi na iniwan ni Damon sa akin. Iyon ang susi ng Titan na minaneho niya no'ng nagpunta kami rito. Dinampot ko iyon saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa parking lot.

Biglang kinurot ang puso ko nang mahagilap ng aking mga mata ang nag-iisang Silver Gray na sasakyan sa parking lot. It's his car. "Halika na, Madame Jin." binilisan ko ang lakad patungo sa sasakyan. Nang makarating ako sa harap niyon ay nanginginig ko pang pinindot ang remote car key para mabuksan ang sasakyan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago buksan ang pinto ng sasakyan.

Sumakay na ako sa driver seat habang si Madame Jin naman ay binubuksan pa lamang ang pinto ng passenger side.

I reach for the seatbelt and wrap it around me. Inilock ko iyon bago inilagay sa ignition ang susi. Binuhay ko ang makina ng sasakyan bago pumikit at umayos ng upo.

His scent attacks my nose in a wild way. His car smells like him. Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang aking paghikbi. Sa unang pagkakataon mula nang mabuhay ako, ngayon ko lang kinamuhian ang kakayahan ko bilang isang taong-lobo. I can still smell him, how I fucking wish I can't...because it hurts. Because it always brings me back to the reality that he's gone. He is not coming back. He will never come back.

I gather all my strength and drive our way out of the port's parking lot. Marami pa akong kailangang isipin, may kaibigan pa akong naghihintay sa akin. I need to rearrange my thoughts, plan another strategy for Florrence's case.

"Tatawagan mo ba si Alpha Angelu?" tanong ni Madame Jin sa akin. Napalingon ako saglit sa kanya bago itinuon ang tingin pabalik sa daang tinatahak namin.

"No. I will ask Derek to send a plane over Vlamia. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Angelu ang lahat, Madame Jin."

"We'll get through this, Dianne. Lakasan mo na lang ang loob mo. Hindi ka bibigyan ng ganitong klase ng problema kung hindi mo naman kakayanin." pagpapalakas ng loob ni Madame Jin sa akin.

"I just hate how it was so easy for her to kill Damon. Napakawalang-puso niya."

"She has her demons within her, Dianne. She has this tendency of killing everyone who she finds as threat."

Napalingon ako kay Madame Jin nang marinig ang mahina niyang pag-ingos. Napakunot ang noo ko sa iginawi niya. "What happened to her?" naitanong ko na rin dala ng aking kuryosidad.

Ngumiti nang malungkot si Madame Jin bago sumagot. "She was betrayed by the people she called family. She was abused, battered...sold to the royals." Napabuntong-hininga si Madame Jin saka napailing-iling sa kanyang kinauupuan. "It's not my story to tell, Dianne. Ngunit sa lahat ng nilalang na nakilala ko, si Liliana ang may pinakamadilim na nakaraan, na naging dahilan kung bakit ganito siya ngayon."

"I still hate her." sabi ko at napatingin sa urn na hawak ni Madame Jin.

May mga luhang kumawala sa mga mata ni Madame Jin bago nagsalita. "Everyone does, Dianne. That's why it's killing her more."

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon