Ch. 12

2.4K 88 53
                                    

Dianne

Masakit na sa panga ang ginagawa kong pagpipigil na mangiti. Seskelerd! Isang kilometro na lang ang layo ko mula sa paliparan ng Auota. Hindi ko alam kung bakit sinasalakay ako ng pangingisay sa isiping magkikita kami ulit ni Angelu.

Hindi ko alam kung yayakapin ko siya o halikan, pwede rin siguro na pareho na lang para hindi ako lugi.

Hay, Angelu. YUDODISTOMEH?!

Pasipol-sipol pa ako habang nagdadrive, sana maging memorable ang date namin ni Angelu. Kasi pagkatapos nito, aalis na talaga ako pa-Catharna. Kailangan ko na talagang pumunta ng Catharna.

Napapalatak ako ng lihim nang maalala ko ang banta ni Madame Jin sa akin kagabi.

"Aba! Umayos ka, Dianne. Mag-iisang buwan mo ng pinapaliban ang lakad natin patungo ng Catharna. Kailan mo ba talaga balak na pumunta? Kapag ba isang malamig na bangkay na ang kaibigan mo!?" Pangaral niya sa akin sa telepono.

"Hindi naman po sa ganoon, Mada-"

"Ngayon ay nabalitaan ko pang kasa-kasama mo ang kabiyak mo, walang patutunguhan 'yan, Dianne." Dagdag na pangaral ng matandang bitter.

"Umalis na po si Angelu, Madame Jin. Sure na talaga ako. Pagkagising po ni Florrence ay aalis na po ako."

"Ewan ko sa iyo, Dianne. Gawin mo muna bago kita paniwalaan." Masungit niyang saad bago ako binabaan ng telepono.

Hay! May ihahagis na talaga si Madame Jin sa kawa. Lagot na naman ako nito kapag nalaman niyang aariba na naman ang Dianne kay Angelu. May mawawalan na talaga ng hininga sa pagkikita namin.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang napalingon ako bigla sa passenger seat ng sasakyan na ipinahiram sa akin nina Alpha Tyrone, nag-iingay ang aking cellphone tanda na may tumatawag. Dali-dali kong dinampot ang nag-iingay na aparato at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Dianne." Utas ng nasa kabilang linya.

"O, napatawag ka?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Is it true? Iyong tungkol sa inyo ni Alpha Angelu?" Naikot ko ang aking mga mata sa katanungang iyon ni Gaizer.

"Hindi ako nainform na tsismoso ka na pala ngayon." Sa halip ay sagot ko.

"The reapers are talking about it." Tugon naman ni Gaizer. "So, is it true?"

"Okay lang ako, Gai." I sincerely say.

"So it's true then." he presumes. Wala na rin akong nagawa maliban sa pagpapakawala ng marahas na paghinga.

Gaizer and I broke up a week before I decided to pursue my studies in Vlamia. Yes, we love each other, platonic love nga lang.

We thought we were so into each other during our early years, only to realize that what we shared was purely platonic.

In our two years of relationship, hindi ko naalalang hinalikan ako ni Gaizer o tiningnan man lang ng may pagnanasa sa mga mata niya. Kahit noong nagsuot ako ng maikling damit sa birthday niya, wala lang sa kanya iyon. Hindi siya nagalit o kaya ay pinagbihis man lang ako. Walang ganoon. Okay lang daw kasi wala namang ibang tao.

He never took advantage of me, lalo na noong ikalabing-walong taon kong kaarawan. Because that was when he realized I'm not his mate.

Every shewolf matures at the age of eighteen, on that day, she will experience her first transformation. Kasabay ng pagbabago sa katawan ay ang pagkapukaw ng lahat ng abilidad o katangian ng isang lobo. Male wolves experience their first transformation at an early age of thirteen. Mas maaaga ng limang taon kumpara sa mga babae.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon