Ch. 32

1.4K 61 9
                                    

SUPER UNEDITED


"I...I can explain, Liam." napatayo ako mula sa aking kinauupuan at tiningnan si Liam sa mga mata.

Shit! Shit! Shit!

"Yes, I think I will like to hear it out, Luna." may panunuya sa kanyang tinig ngunit pinilit pa rin niya akong pakitunguhan nang maayos.

"It was-"

"I will escort you to the South House." putol ni Liam sa sasabihin ko bago ako talikuran at maglakad palayo.

Shit!

His appearance turns cold as ice. Hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakatungo lamang siya habang naglalakad palabas ng eroplanong sinakyan ko papunta rito.

Tahimik akong nakasunod kay Liam, pigil-pigil ang aking hininga sa bawat hakbang na aking ginagawa.

"W-where's Angelu?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"South house." maikli niyang tugon.

Mayroong apat na pack houses ang bansang Mystica. Sa pagkakaalam ko'y ang South house ang tirahan na pinamumunuan ng Gamma ng Mystica. Dito naninirahan ang karamihan ng mga fighter wolves ng bansa. Ang East house naman ay tirahan na pinamumunuan ng Beta. Nakapalibot sa East house ang bahay ng mga elders ng bansa. At ang panghuli ay ang North House, ang bahay ni Angelu.

"L-liam-"

"Beta!" isang matulis na tinig ang aking narinig mula sa bukana ng gusali ng paliparan. Naitikom ko ang aking bibig at tiningnan kung sino ang pangahas na pumutol sa sana'y sasabihin ko.

Lumipad ang aking paningin sa kabilang direksyon ng kinaroroonan namin. Nakita ko ang isang matangkad na babae ang tumatakbo sa gawi namin ni Liam. Tumakbo ito ng mabilis hanggang sa makarating ito sa aming harapan.

"Beta." sambit na naman ng babae bago may iniabot na kapirasong papel kay Liam. Binasa iyong sandali ni Liam bago tapunan ng makahulugang tingin ang babae.

"Ako na ang bahala sa kanya." seryosong sambit ni Liam at iniabot muli ang papel sa babae.

"Masusunod, Beta Liam." yumukod ang babae sa aming harapan saka umatras nang paunti-unti papalayo sa amin.

"Luna Dianne." napatingin ako kay Liam nang tawagin niya ang pangalan ko. Napatitig ako sa mukha niya habang siya ay nakatanaw sa malayo. "Sa main house na po kayo maghintay. May inaasikaso pa si Alpha Angelu."

May inaasikaso pa si Alpha Angelu? May mas may importante pa pala kay Angelu kaysa sa akin?

"I need to see him now, Liam. Kailangan ko-"

"He wants you to wait for him in the North house. I've got orders, Luna." ekstrikto niyang pahayag na ikinasama ng loob ko.

"I feel like my presence is unwanted here." may panunuya kong sambit.

"Yes. And I will make you feel unwanted unless you can explain to me, in full details, of what happened to Damon. Hindi ako tanga, at lalong hindi ako bobo. I can't feel my brother's presence, Dianne. Gusto kong malaman kung ano ang  totoong nangyari sa kanya. But I can't prioritize that one. I can't let my personal life intervene with pack matters. Pack should go first!" pasikmat niyang sabi sa akin.

I was left astounded. I'm too lost for words. Hindi ko kayang salubungin ang galit ni Liam. 

"Is that the reason why you evade my Alpha Team? Is that the reason why my team is in Nealandra right now?!" sikmat na naman niya. Shit! Iniwala ko nga pala sa pliparan ng Vlamia ang sumusunod sa amin kanina na mga taga-Mystica.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon