Ch. 20

1.9K 97 38
                                    

Baltoza, Catharna

"Are you fucking with me, Corina?" hindi ako nakapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko alam kung nganganga ako o iiyak sa mga nakikita ko ngayon. We are in someone's rooftop. A rooftop that is made of fine diamonds and gold!

"Welcome to Catharna, dear!" humagikhik pa ang babae sa aking likuran. "Ito ang sentro ng Catharna, ang Baltoza." Iminuwestra niya ang buong paligid na ngayon ay abala sa kung anuman ang ginagawa nila. Tulad ng isang maunlad na syudad ang Baltoza, maliban sa isang bagay, lahat ng nakikita ko sa lugar na ito ay yari sa diyamante at ginto. "Ang portal naman na pinasukan nila Madame Jin ay magdadala sa kanila sa bayan ng Formosa."

"Formosa? Gaano kalayo iyon?" tanong ko kay Corina, napalingon ako sa kanya at napansing ang dating itim na bestida niya ay napalitan ng isang magarang bestida na may maliliit na mga diyamanteng nakapalamuti sa kabuuan niyon.

"Isang araw na paglalakbay ang kailangan bago tayo makarating sa Formosa, Dianne." paliwanag ni Corina sa akin. "Ngunit wala roon ang sadya ninyo, o maging dito sa Baltoza."

"H-huh? Ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Naikuwento ni Madame Jin sa akin na isang itim na salamangkera ang iyong hinahanap, hindi ba?" Napatango ako sa sinabi niyang iyon.

Yes, I remember it clearly.

Base sa pangitaing nakita ko, hindi pangkaraniwan ang mahikang ginagamit ng salamangkera na hahanapin ko. Maliban doon, may marka sa kaliwang palad niya, marka na ayon kay Madame Jin ay sagisag ng isang itim na salamangkera.

"Kung ganoon ay kailangan nating magtungo sa Paloxia, ang lupain ng mga itim na salamangkera."

"H-hindi ba delikado roon?" of all the wizards and witches, the blacks are considered the most powerful one.

"You've got the wrong ideas of black witches, Dianne. Black doesn't mean bad, at least in our term. Black symbolizes great power and knowledge. Sa lupain ng Catharna, respetado ang mga itim na mga salamangkera. It only means how far they have come since they were born."

"H-hindi sila iyong masasamang mangkukulam na nababasa ko sa mga libro?" napatawa si Corina sa tanong ko na iyon.

"Of course not, silly!"

"Ay pasensya naman, hindi ako nainform." walanghiyang Madame Jin na iyon. Ang tagal ko na siyang kasama pero hindi pa naikuwento sa akin ang tungkol dito.

"Tayo na?" inilahad muli ni Corina ang kanyang dalawang palad sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko sa nais niyang ipahiwatig.

Napailing-iling ako sa kanyang harapan. "Wala bang sasakyan dito?"

"Meron, ngunit mas mabilis tayong makakarating ng Paloxia kapag gagamit tayo ng mahika."

"H-ha? Ah, ganoon ba? Okay lang, hindi naman tayo nagmamadali e." angal ko na parang maiiyak na.

"Naiinip ako sa mahabang paglalakbay. We're not used to it."

"Huh? Bakit naman? Subukan niyo rin ang ganoon. At least makapagmuni-muni kayo habang naglalakbay. You know, stuffs like that." huhu! ayaw ko na talaga ulit maglakbay nang ganoon. Nakakahilo.

"Daang taon kaming nabubuhay, Dianne. Nakakabored na ang pagmumuni-muni. Ang we don't travel like the other kinds, we are witches for a reason. Duh!" hindi na nakapaghintay si Corina at basta na lamang kinuha ang mga kamay ko.

"Corina!" Impit kong tili. "Hindi pa ako handa! Oh my goodness! Birhen pa ako, utang na loob!" ang malutong na tawa ni Corina ang huli kong naalala nang muli na namang umikot ang aking paligid.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon