Ine-edit ko 'to habang nakikinig ng 'Return' na kinanta ni Wendy ng RV. Isa kasi yun sa OST ng School 2015. It's so nice po. Promise! Pakinggan niyo din po habang binabasa niyo 'to para mas may effect. Haha. :*
-
Aly's POV
Tatawagan ko ba siya?
"Hugh? Ano kaya sa tingin mo? Tatawagan ko ba yung kumag na yun?" Para akong tangang naghihintay ng sagot galing sa isang stuffed toy. Tss. (Hugh is pronounced as 'Yu')
"Hugh, pati ba naman ikaw? Hindi mo na ako sasagutin? Tsk." Di'ba? Parang tanga lang.
Akala ko ba inaantok na ako?
Ewan ko pero biglang nawala ang antok ko.
Tatawagan ko ba talaga siya? Eh ano namang sasabihin ko?
Ah! Bahala na.
*calling: Josh PANGEEEEET*
Nakailang ring na pero hindi niya pa din sinasagot.
Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi niya talaga sinasagot.
Panglimang try ko na 'to.
JOSH! ANUBA! SAGUTIN MO PLEASE!
To: Josh PANGEEEEET
Josh, sagutin mo naman ang tawag ko please...
Sent...
Vanessa's POV
I'm Vanessa Flores. Remember me? Mommy ako ni Allyn. Hehe.
Hmmmm. Di pumunta si Josh kanina aa. May away kaya sila ni Aly?
Nagtataka lang ako kung bakit hindi ulit pumunta yun dito.
Bumisita yun kanina sa bahay eh. Nagtanong kung andito ba si Allyn.
Matawagan nga ang mommy nun.
"Hello? Nandiyan amo niyo?"
[Opo. Teka lang po at tatawagin ko.] Sagot nung yaya nila ata.
[Hello, Vanessa! Napatawag ka ata?] Takang takang tanong ng kumare ko.
"Keet, nandiyan ba anak mo sa bahay niyo?"
[Ha? Eh ang akala ko mag di-dinner siya sa inyo? Inanyaya daw siya ni Aly.]
"Eh wala siya dito eh! Tsaka, ang sabi ni Allyn sa'kin. Di daw makakapunta si Josh kasi ininvite mo din daw magdinner sa bahay niyo."
[Naku! Yung batang yun. Nandito ako sa office ngayon. Busy na busy kami, paano ko siya maiinvite? Hay! Nasan na naman yung batang yun!]
"Ma, di sumasagot si Josh sa mga tawag ko eh! MA! Nasaan siya?Tinawagan ko yung katabing kwarto niya dun sa condo, di pa daw niya nakikitang umuwi! Maaaaa! Si Josh!" Sigaw ng anak ko sa'kin. Tinawagan niya pala si Josh.
[Nes, pakausap kay Aly.]
"Anak, tita Keet mo." Saka ko binigay ang phone kay Allyn.
"Tita Keet! Anak niyo po oh! Ang tigas ng ulo. Nasan na kaya yun!"
[Ikaw talaga Aly. Nandiyan lang yan. Kilala ko na yang anak ko. Magtatampo yun, oo. Pero, di niya matiis ang isang bagay o tao na mahal niyang talaga.]
"Sana nga tita. Nasaan na kaya yun!"
End of Vanessa's POV
- Nasan kaya si Josh? Baka pumuntang New York? O.O haha. Joke lang. Chapter 15 next! :* Thanks for reading. :)
BINABASA MO ANG
I do believe in FOREVER
FanfictionNaniniwala ka ba sa FOREVER? Ako kasi, may part na "OO", meron ding "HINDI". Kaibigan ko lang naman siya. He's just my friend and hindi na lalagpas pa dun ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit? Bakit gan'to? Sa t'wing kasama ko siya, sumasay...
