Siya...
Siya yung babaeng palagi kong napapanaginipan...
Siya yung babaeng nakikita ko imbis na yung babaeng kasama ko ngayon...
Pero bakit siya? Sino siya? Ano ko siya?
Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Kapag kaharap ko siya, pakiramdam ko gustung gusto ko siyang protektahan.
Parang gustung gusto ko siyang yakapin, hawakan ang kamay at halikan sa pisngi kapag magkikita kami.
Parang gustung gusto ko siyang MAKITA palagi.
Pero hindi ko siya makilala. Hindi ko siya matandaan.
Ang tanging alam ko lang, masaya ako sa piling ng kasintahan ko ngayon.
Masaya nga ba ako? O pinipilit ko lang ang sarili kong maging masaya?
Ayaw ko na.
Masyado na akong nasasaktan.
Wala akong maalala kaya ayaw kong maalala pa yung mga panahon na iyon kung meron man.
Kung sino man siya, sana ay maging masaya siya sa buhay niya ngayon.
"Babe, may naaalala ka pa ba sa babaeng yun?" tanong sa'kin ni Kat. Ang babaeng mahal ko ngayon.
"Wala babe. Bakit?" Sagot ko sa kanya.
Sinungaling.
"Ah eh. Wala." Sabi niya at ngumiti. "Wag mo na lang alalahanin yung babae na yun babe ha?"
Nag smile na lang ako sa kanya bilang sagot.
Kaya ko ba?
Napanaginipan ko siya kagabi.
Hinihintay ko daw siya.
At siya naman ay masayang naglalakad kasama ang kanyang ina't ama patungo sa'kin. Sa harapan.
Maraming tao.
Nandun lahat ng pamilya ko at pamilya niya.
Nakaputi siya.
Sinuot niya yung pinakamagandang gown na dinesign daw ng ate ko para sa kanya.
At sa palagay ko daw nung mga panahong iyon, siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Habang papalapit siya, unti unting tumutulo ang luha ko.
B-bakit niya ako nilagpasan?
B-bakit?
Hindi ko alam sa sarili ko nun kung bakit ako nadismaya.
Nagising ako dahil dun.
At walang anu-ano'y tumulo ng kusa ang luha sa'king mga mata.
Bakit?
Bakit parang nasaktan ako?
Sino siya?
Sino?

BINABASA MO ANG
I do believe in FOREVER
FanficNaniniwala ka ba sa FOREVER? Ako kasi, may part na "OO", meron ding "HINDI". Kaibigan ko lang naman siya. He's just my friend and hindi na lalagpas pa dun ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit? Bakit gan'to? Sa t'wing kasama ko siya, sumasay...