Josh's POV
Napaka boring sa condo ko kaya napagpasyahan kong pumunta nalang kina Aly.
Pero, wala akong nadatnan na Janna Allyn dun. Si tita Vannesa lang naman nandun.
Tinanong ko siya kung nasan si Aly, akala niya daw na ako ang kasama ni Aly lumabas. :|
Parang alam ko na kung SINO ang kasama niyang lumabas.
Yung pilingero na inglesero na naman yun! Bakit ba ha!
Bakit di nila ako sinama?
Ayun, tinawagan ko siya. At akala niya siguro nasa mall din ako. Pero ang totoo, umuwi na 'ko sa condo ko.
Biniro ko lang siya nung sinabi kong may nadinig akong bagay sila. Actually, di sila bagay. Mas bagay pa din kami ni Allyn ko!
Ayokong pumunta sa dinner na inanyaya niya sa'kin. Masakit din para sa'kin.
Dapat nirespeto niya nalang ang feelings ko para sa kanya.
Ayokong magtapat ee. Ayokong mauwi lang sa wala ang pagiging magkaibigan namin.
Pag nagtapat naman ako sa kanya, di naman maniniwala yun sa'kin :|
Kaibigan lang din naman ang turing niya sa'kin. Kuya tsaka best friend na din. Yun lang. Wala na.
Ni aylabyu or ni aymisyu wala akong nadinig sa kanya.
Kahit nga simpleng "INGAT" eh, WALA!
Ang O.A ko na. Kalalaking tao, nag e-emote. BAKIT!? Babae lang ba marunong maging sad?
End of Josh's POV
Napagpasyahan na namin ni Ivan na umuwi. Namamaga na talaga ang mga paa ko.
Andami pa namang pinamili ni Ivan para sa'kin. Damit, sapatos, accessories at kung anu-ano pa.
Iba na talaga pag mayaman eh.
"Wait here. I'll call mom." Pinaupo ko muna siya sa sofa. Feel at home din naman siya.
Ayun, nasa kitchen si mama. Nagluluto na.
"Ma, may bisita ka."
Lumabas naman si mama and na surprise siya sa nakita niya.
"JAMES? IHO? Ikaw ba yan?" Si mama ang over maka react haa -____-
"Auntie! SURPRISE! I'm back."
Hindi niya pa yan alam na hindi nakakaintindi ng tagalog yang si Ivan. Hahahaha.
"Ang laki laki mo na! Nasaan ba mama mo? Miss ko na yung babaeng yun!" by the way, best friends din pala ang mommy ni Ivan at si mama kaya nagkasundo kami niyang si Ivan.
"Ma, di siya nakakaintindi ng tagalog. Mag english ka." Nagulat naman ang mama ko at nanlaki ang mata niya sa narinig niya.
"Hahahaha! Ma, nosebleed ka dyan!" Hahahaha! Nakakatawa mama ko.
"Pakitranslate anak. Di ko feel mag english ngayon." Di daw feel mag english. Sus! Kung alam ko lang, limited lang ang words na alam niya. Haha ssh.
"Mama naman! Ikaw na lang po! Bahala ka dyan." Umalis na ako at pumunta sa kusina. Iniwan ko siya kasama si Ivan. Quality time kumbaga. Haha. Bahala siya dyan.
Kumusta na kaya si Josh? Pupunta kaya siya?
Tss! Ba't ko ba siya iniisip?!
Syempre Aly! Kaibigan mo siya noh!
Pero ba't iba tong nararamdaman ko?!
Tsk.
"Aly?"
"Ayy langhiya!"
Si Ivan pala.
"What are you thinking? I know you have a problem. C'mon. Tell it to me. I'm your best friend, right?" Isa din tong makulit ang lahi!
"It's Josh. We argued because of you. It's his fault naman din kasi eh! He didn't listened to me first. I hate him!!!" Urgh! Pag yun nakita ko! Mapepektusan ko na naman yun!
"Josh? What did he say to you about me? Hahaha!" Mabuti pa 'tong si Ivan. Di ako inaaway.
"Why did I go out with you daw! Then, why daw we didn't ask him if he would go with us. I don't understand that guy! I really hate him! Tss." Dahil sa galit ko, napapa English tuloy ako ng hindi putol putol.
"I feel something fishy about you two. There's really something about your friend Josh. I think he likes you Aly. And maybe, he's just jealous of me. Hahahaha! That guy!" Ano daw?!
Pwede, slomo? Di ko naintindihan masyado kasi diretso eh! Hahaha.
Pero, narinig ko yung jealous part. So, nagseselos siya? Anu yun?! Boyfriend ko ba siya? Tss.
"Let's eat!"
Ok. Ikakain ko na lang 'to. Tatawagan ko na lang yun mamaya.
"Anak, nasan si Josh?" Tanong ni mama sa'kin. Oo nga pala. Sabi ko pala sa kanya kanina na dito din kakain si Josh.
Mama naman eh!
"A-ah, hindi daw siya makakapunta ma kasi niyaya din siya ng mommy niya na dun na daw sa bahay nila mag dinner." Sagot ko naman sa kanya.
"Ok. Ivan, eat this. This is so delicious." Sabi ni mama. Mabuti nalang talaga hindi makulit ang lahi namin.
"Yes auntie."
Naniwala naman sa palusot ko si mama. Kaya okay na yun.
Pero, di'ba yan yung sinabi ni Josh? Na may dinner daw sa kanila? Bahala siya.
End of Aly's POV
- Anong nangyayari? What's happening? Haha inenglish ko lang naman yun. Maraming maraming salamat nga pala sa mga nagbabasa nitong story ko na 'to. :) Mahal ko kayong lahat. Don't forget to click the 'vote' button sa left side ng screen niyo. Hehe mwa! Chapter 13 next!
BINABASA MO ANG
I do believe in FOREVER
FanfictionNaniniwala ka ba sa FOREVER? Ako kasi, may part na "OO", meron ding "HINDI". Kaibigan ko lang naman siya. He's just my friend and hindi na lalagpas pa dun ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit? Bakit gan'to? Sa t'wing kasama ko siya, sumasay...