Chapter 19

7 1 0
                                    

Magparamdam po kayo pag binabasa niyo 'to ah? Comment something. Hehe rereplyan ko naman po kayo. Promise yan :)

-


Aly's POV

Tinanggal nung isang lalaking nakatakip ang mukha yung blindfold ko. Medyo blur pa din ang paligid pero ang ganda ganda ng view. Alam ko yun.


Di'ba dapat madilim, puro alikabok tsaka madumi 'tong makikita ko ngayon? Kinidnap nga ako eh!

Tsaka, di ko na makita si Josh!


Kaya pala wala na akong kausap. -____- umalis na pala. Okay, ano nang gagawin ko dito?

Mabuti pang tumunganga.


After ilang segundo, may tumunog na ewan ko sa bandang itaas ng bahay.


Kaya nabuhay ang bored cells ko.


"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MASAMA ANG PAKIRAMDAM MO! Sabihin mo nga Josh, may gusto ka ba kay Aly?!"

Teka? Boses ni tita Keet yun ah?


"OO NA MA!!! Yan naman ang gusto mong marinig di'ba?! So, nadinig mo na! Oo! GUSTO KO SI ALLYN! NAGSESELOS AKO PAG KASAMA NIYA YUNG PEKENG INGLESERO NA YUN! Na walang ginawa kundi ipalayo si Aly sa'kin! Ano pa ma? Yun lang ba?! HAA?"


O___________O



G-gusto ako ni J-josh???


SIYA BA MAY GAWA NG LAHAT NG ITO?


-__- well, di nakakatawa. Malapit na nga akong mamatay sa takot kanina.

Parang gusto ko nang maiyak.


Akala ko kasi totoo na kinidnap na 'ko eh!


*sob*

Bumaba siya sa hagdan ng bahay na para bang debut party niya.


"Ooy! Ba't ka umiiyak?"



Josh's POV


May plano kami ni mama.

Ewan ko anong pumasok sa kokote ko at pumayag ako -____-


Pagkatapos niyang marinig lahat nung nirecord ni mama, bumaba na ako sa hagdan.


Akala ko nakangiti ang sasalubong sa'kin. Yun pala...


*sob*


Ba't 'to umiiyak?


"Ooy! Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Habang nakatungo pa rin ang ulo niya.


Tears of JOY ba 'to?


"GAGO KA TALAGA NOH? MATAPOS MO AKONG PAKABAHIN, ganun na lang itatanong mo? 'OY! BA'T KA UMIIYAK?' LANGYA KA! LANGYA TALAGA! ANO BANG GINAWA KO SA'YO HA?!" Unti unti namang bumuhos ang mga luha sa mata niya.


Tsk. Hindi naman dapat ganito ang mangyari eh.


Di pala tears of joy -___-


"Sorry na oh. Di ko naman yun sinasadya. Si mama kasi eh. Tahan ka na please?"


Para 'tong bata oh! Di tatahan pag di ipinagbili ng kendi.


"*sniff* Di ko naman sinasadyang ganun maging reaksyon mo eh! Basta basta ka kasing nagagalit ng walang dahilan. Wala naman akong ginawa ah? Tsaka ano ba yung *sniff* sinabi mong date namin ni Ivan? Oo. Nagde-date kami. FRIENDLY DATE! Anong masama dun? FRIENDLY NGA LANG DI'BA?*sniff*"

Hinayaan ko muna siyang magsalita.


"Ano bang mali dun? *sniff* Kaibigan lang din naman kita ah? Umaalis din naman tayo ng tayong dalawa lang di'ba? Matagal ko nang di nakikita ang best friend ko. Kaya, walang masama kung lumabas man kami. Tsaka, kung magagalit ka... Yung TAMA naman ang reason mo. Yung tama ang rason mong magalit! *sniff* H-hindi naman kita boyfriend para magalit sa'kin kung may kasama akong ibang lalake. Pero, hindi eh! Magkaibigan lang tayo, right? *sniff*" walang tigil niyang sabi.


Tama na nga!


Kaibigan kung kaibigan pero magtatapat na ako! Ang ingay niya na.


"Kaya nga! Kaya nga nagagalit ako! Nagseselos ako! Nagseselos ako kasi siya yung kasama mo imbes na ako. Okay lang naman sana yun sa'kin eh! Okay lang yun kung nagpaalam ka sa'kin. Pero, alam ko na kung ano ang isasagot mo sa'kin. 'Ba't naman ako magpapaalam sa'yo? Ano ba kita?!'. Di'ba yan naman ang isasagot mo sa'kin?" Sabi ko sa kanya. Habang siya umiiyak pa rin. Tsk


 "WALA KANG KARAPATANG MAGALIT JOSH KASI HINDI NAMAN KITA KA ANU-ANO. KAIBIGAN LANG KITA. Kaibigan lang ako Aly. Pero, gusto kong malaman mo na matagal na kitang gusto. Matagal na akong may nililihim sa'yo Aly." 

Ayun. Nasabi ko na.

End of Josh's POV


- Don't forget to vote po! Thank you :) Chapter 20 next! Eto po yung bahay. Gandaaa. *-*

 *-*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I do believe in FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon