Please recommend this story to your friends. :) thank you. Lovelots from me.
-
Aly's POV
Tinawagan ko si Ivan. Para mainform siya na naandito na si Josh.
Tinext ko kasi siya kanina na wala pa si Josh sa condo niya. Nag-alala din naman yung best friend ko kasi nga, magkaibigan na sila ni Josh.
Nandito na kami sa ospital. Sa room 127. Ako lang yung nagbabantay dito sa kanya. Papunta din naman sina tita Keet dito.
"Josh. Sorry. Di ko alam anong nagawa ko sa'yo. Di ko din alam ba't ako nagso-sorry. Basta! Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa'yo. Ikaw kasi eh! Kung pumasok ka na lang sa bahay namin nun at nakipagsabay mag dinner sa'min, di ka na sana nauwi dito sa ospital. Tigas kasi ng ulo eh! Pero, kahit ganyan ka! Ewan ko nga ba't kinaibigan kita eh! Kung di lang dahil kay papa. Di siguro kita nakilala. Wala sigurong Josh na kumukulit sa'kin. Na tinatawag akong Alytaptap. Na kahit corny ang mga jokes, tinatawanan ko nalang kasi nakakatawa ang itsura. Haaay! Josh, kung naririnig mo lang ako ngayon."
Ang taas taas ng speech ko tapos, natutulog lang yung kasama ko. Haha -___- k. Fine. Di nalang ako magsasalita.
"Good Evening iha. Kumusta na anak ko?"
Nandito na pala si tita.
"Tita Keet, di pa rin po nagigising hanggang ngayon eh." Sabi ko kay tita habang nakatingin pa rin kay Josh.
"Ano ba kasi ang nangyari iha?"
Yung buong detalye talaga ang sinabi ko kay tita. Nung nandoon kami sa mall ni Ivan hanggang sa nakita ko siya sa labas ng bahay namin.
"Ang anak ko talaga. Haha. Ganyan na ganyan din ako sa papa niya noon. Nagseselos ako dahil may kasama siyang babae. Akala ko kasi, girlfriend niya din yun. Bestfriend lang pala. Hahahaha! Nakakatawang balikan ang past."
Mabuti pa si tita Keet. Parang di nag-aalala dito kay Josh.
"Ang iingay niyo. May natutulog dito eh!" Sabi ni...
"JOSH! Gising ka na!!!"
"Hindi! Natutulog pa ako. *snore* Ayan!"
Hahahaha! Dahil sa tuwa ko, niyakap ko siya kahit nasa higaan pa siya!
Hahaha! Si Josh pa din!
"Hindi ka na talaga siguro magbabago. HOY! TSONG! Tapatin mo nga ako! Anong nangyari sa'yo haa?!"
End of Aly's POV
Josh's POV
"Hahahaha! Nakakatawang balikan ang past."
Naalimpungatan ako sa boses na yan!
Teka, boses ni mama yun aah?!!
Ba't siya nandito? Tsaka nasan ako?!
"Ang iingay niyo. May natutulog dito eh!"
Nandito din pala si Aly. Nadinig niya ako?! Nakita niya ako? Okey. Di ako invisible.
Ano bang nasa isip mo Josh!
"Hindi ka na talaga siguro magbabago. HOY! TSONG! Tapatin mo nga ako! Anong nangyari sa'yo haa?!"
Ano palang nangyari? Tsaka, ba't ang init ko? -___-
"Anong nangyari?! Ewan ko sa'yo. Masama pakiramdam ko. Wag mo na akong interview-hin."
"Kung di nga lang sa'kin, wala ka na sana dito! Di man lang nagpasalamat! Ewan ko sayo." at umalis.
Ba't ba ang hilig hilig niyang mang-iwan?!!
"ANAK! ANO BANG NANGYAYARI SA'YO?!" At sesermonan pa ako ngayon. Okay. Kasalanan ko na naman.
"Ma, masama po pakiramdam ko. Please po, wag na muna ngayon." Sabi ko sa kanya at pinikit ko na lang ang mga mata ko.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MASAMA ANG PAKIRAMDAM MO! Sabihin mo nga Josh, may gusto ka ba kay Aly?!"
Pano niya nasabi yan?!
"Ma naman! Sinabing masama pakiramdam ko eh!"
"MAS PINIPILI MO BANG PEKTUSAN KITA KESA SAGUTIN MO YUNG TANONG KO HA?"
Ang ingay! Tsk.
Mama ko ba talaga 'to?
"OO NA MA! Yan naman ang gusto mong marinig di'ba? So, nadinig mo na! Oo! GUSTO KO SI ALLYN! NAGSESELOS AKO PAG KASAMA NIYA YUNG PEKENG INGLESERO NA YUN! Na walang ginawa kundi ipalayo si Aly sa'kin! Ano pa ma? Yun lang ba?"
-____- aray! Ang sakit pa din talaga ng ulo ko!
"Haay! Kayong mga bata kayo! Ikaw naman anak, magtapat ka na bago pa yan makuha ng iba. Ang hina mo!"
"Ayoko ma. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Aly."
End of Josh's POV
- Kayo ba? Itataya niyo ba ang pagkakaibigan niyo ng taong mahal mo para sa hinahangad mong pag-iibigan? ;)

BINABASA MO ANG
I do believe in FOREVER
FanficNaniniwala ka ba sa FOREVER? Ako kasi, may part na "OO", meron ding "HINDI". Kaibigan ko lang naman siya. He's just my friend and hindi na lalagpas pa dun ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit? Bakit gan'to? Sa t'wing kasama ko siya, sumasay...