Chapter 31

5 0 0
                                    

Aly's POV

"U-uh ano ba yung pag-uusapan natin Aly? Wag ka na nga lang makinig sa ate ko. May jetlag pa ata yun."


Siguro ito na yung panahon.

Ito na yung tamang panahon para sabihin ko din ito sa kanya.


"J-josh. M-may sasabihin ako sa'yo." sabi ko at tiningnan ko siya.


Nakikita ko na nagtataka siya. Nakikita ko na natatakot siya sa sasabihin ko.

Eh hindi naman ako nangangain eh. Kainis toh!


"Aaminin ko, nagustuhan kita Josh. Nagustuhan kita higit pa sa kaibigan. Mahal kita pero hindi higit pa dun. As a friend. Pero WAG KA! Hindi ko alam kung kelan ko 'to na feel pero nagseselos ako. Nagsimula 'to nung umalis ka kanina at tinawag yung nurse. Sumisikip yung dibdib ko. Nagpacheck up nga ako ulit sa doctor ko pero sabi niya normal naman daw yung heartbeat ko. Tapos nagsmile siya at sinabing, may espesyal lang daw na tao yung nandun sa heart ko kaya bumilis ang takbo nito. Putcha nga eh. HAHA pasensya na nga pala at nasabihan kita noon ng hindi maganda ah? Mahal ko kasi si Ivan eh. Crush ko kasi yun nung mga bata pa kami. Hanggang ngayon pa nga."

Huminga muna ako.

At pinagpatuloy yung sinasabi ko.

"Pero Josh? Nung nagtapat ka nun sa'kin? Naguguluhan ako nung mga panahong yun. Naguguluhan ako but at the same time, naging masaya ako. Hindi dahil sa nagtapat ka sa'kin kundi mutual pala yung nararamdaman natin."

Kasi nga manhid ako, di ko naramdaman na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.

Ang OA lang nung mga mata ko di'ba?! Para ganun lang, tutulo agad?


Madami lang siguro akong nainom na tubig kanina kaya nagkaganun.

"So, mahal mo din ako ganun ba?" sabi niya at nakangiti pa ang loko.


"Mahal kita as a friend. Sorry ah? Mas mahal ko kasi si Ivan. Pero Josh, ano..." tiningnan niya lang ako at naghintay sa susunod na sasabihin ko. "Gusto na yata kita."


Natauhan kasi ako sa words of wisdom na sinabi sa'kin ni ate Gayle.

I'suggest ko nga yun sa LOVE RADIO. Haha ang galing magbigay ng payo eh.


"Gusto lang talaga Allyn?" Tanong niya sa'kin.

Di'ba parang ang landi ko naman yata nito?


"S-siguro. Pero di pa ako sure. Mahal ko pa din si Ivan hanggang ngayon."

Opo. Mahal ko din yung ENGLISH man na yun.


"Aray." Umacting pa siya na parang natamaan ng bala sa puso. "Hayaan mo. Ipapasalvage ko yang Ivan na yan sa puso mo. Papalitan ko yan tandaan mo."


"Nagtapat lang ako sa'yo, naging corny ka na ah? Di bagay!"

Hahaha bigla ba namang sumimangot?


"Seryoso ako Aly. At kung mararapatin, tulungan mo din yang sarili mo na malimutan ang feelings mo dun kay English boy." Sabi niya sa'kin.

I do believe in FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon