Josh's POV
Tss. Kung may dala lang akong kutsilyo, kanina ko pa to pinagtatanggal ang mga mata ng mga bastos na lalaking ito!
Nakakabanas lang kasi! Dapat ako lang makakita nun. Madamot na kung madamot. Ayaw ko lang kasi nung binabastos siya. Ayaw ko kasi mahal ko nga siya!
"Ano bang bagay sa'kin? Itong white or black?" Tanong niya sa'kin.
Nginitian ko lang siya at sinabing. "Lahat ng damit at lahat ng kulay, bagay sa'yo."
Hahaha kelan pa ako natutong maging corny?
Eh sa totoo naman yung sinasabi ko. Ganyan talaga pag inlove ka!
"Di ko kailangan ng compliment mo ah. Eto nalang black."
Aba't talagang! Di naman compliment yun. That's the truth my dear!
Pumunta naman siya sa cashier area.
"Hello po kuya! Pwede kami magpa picture kasama ka?" Sabi nung mga teens na nasa 14 or 15 yata ang edad. Napagkamalan pa akong artista dito. Hahaha iba na talaga pag gwapo eh.
"Ah, wag ako tanungin niyo. Siya yung tanungin niyo oh." sabay turo ko kay Allyn.
Sabay sabay naman silang pumunta kay Allyn. Wahaha. Magkakainitan na naman tayo ng ulo neto. Nakita kong nag smile si Aly at tuwang tuwa naman yung mga babae. Psh. (__ ___") Hindi ba siya magseselos?
"Ang bait naman ng kapatid mo kuya. Pinayagan niya kami. Tsaka, siya pa nga daw yung kukuha ng picture eh. Hehehe." sabi niya.
Sabay pagpapa cute. Fck! Mukhang ako yata ang mapapainit ng ulo nito.
KAPATID!?
Yun lang? Eh sana si ate Gayle yung sinama ko dito para mas katotohanang ate ko yun.
End of Josh's POV
Aly's POV
Matapos kong bayaran yung dress na kinuha ko, dumeretso na ako dun sa mga babaeng nanghihingi ng picture ni Josh.
Hahahaha nakasimangot na naman yung mokong.
Eh sa pinakilala ko lang naman na kapatid niya ako. XD Gusto ko eh. Hahaha!
"So? Where's the camera?" Tanong ko sa kanila at agad namang binigay yung DSLR nilang cam.
*click*
"KUYA, mag smile ka naman dyan. Kawawa naman yung mga babae kung nakasimangot ka pa sa picture. Again! SMILE!" sabi ko. Diniinan ko talaga yung kuya para damang dama niya ang moment.
Tampo na naman yan sa'kin mamaya.
*click*
"Here girls."
"Thank you very much ate. And thank you din po kuya! We'll go now. Bye!" sabi nila.
(-_______-")
Josh was looking the other way. Sabi na sa inyo di'ba? Nagtatampo lang yan. Haha.
"Psst. Dun naman tayo oh?" Pero imbes na sagutin niya ako, lumakad na siya PABALIK SA HOTEL na tinutuluyan namin.
Hinabol ko naman. Arte arte pa nito! Mabuti na nga lang at ginanahan akong gumala eh.
"Josh! At ikaw na naman 'tong nag sa-silent treatment ah?" sabi ko nga. Silent treatment niya yan.
Pero I can't believe it! Hinarap niya ako! Pero, sa nakakatakot na paraan. Oh! Looks like he's going to eat me.
"Ayaw ko nang sumama sa'yo. Baka sabihan mo pa yung ibang tao na magkapatid lang tayo. Eh sana sinabi mo agad yun para si ate Gayle yung sinama ko. Edi sana nandun pa yung fact, kasi kapatid ko naman talaga yun. Alam mo ba yung nanliligaw sa'yo yung tao tapos sasabihin mo lang na magkapatid lang tayo? THE HECK JANNA!" sabi niya na ikinagulat ko.
That was the first time he called me by my first name.
At nakakapanibago yun. Alam kong galit siya.
And I can't resist watching him like that.
Kasalanan ko naman talaga eh.
"I-i'm very sorry. I-i didn't m-mean to hurt you." sabi ko na nakayuko.
End of Aly's POV
Katvin's POV
Ghaaad! Pati ba naman sa pagpunta ng bora? Kasama ko si Ivan? Psh. Di ko naman siya masisisi. Siya yung bestfriend nung babaeng yun eh.
*calling: Ivan*
And now he's calling?!
MEGHAD! Lubayan mo na ako! -_-
[Hello Kat? Where are you? Are we not gonna go there? Just tell me.]
Anong are we not gonna go there?! Ako? Di pupunta kung nasan yung taong mahal ko? NO WAY! Psh.
"Uh. I'm sorry Ivan. But my dad said I will go to him as soon as possible. So maybe you could go there by yourself. ENJOY!"
*end call*
End of Kat's POV

BINABASA MO ANG
I do believe in FOREVER
FanfictionNaniniwala ka ba sa FOREVER? Ako kasi, may part na "OO", meron ding "HINDI". Kaibigan ko lang naman siya. He's just my friend and hindi na lalagpas pa dun ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit? Bakit gan'to? Sa t'wing kasama ko siya, sumasay...