Chapter 34

3 0 0
                                    


Aly's POV

"Oy? Ba't ka busy dyan? Sino ba yang tinatawagan mo?" tanong niya.


Nakakatawa ang mukha ng engot na 'to. Naniwala ba naman na ex ko si kuya? :D Pinsan ko po si kuya Jake. Wala lang. Gusto ko lang siyang isama. Kasi naman po, andyan si ate Gayle eh. Baka ma develop si insan. Oh? See? :D

Kasalukuyan kong tinatawagan si Ivan, at si Kuya Jake. Si Ivan na daw yung bahala kay Kat. Tsaka, si kuya Jake, pumayag naman. Di makakatanggi sa'kin yun eh.


Pagselosin ko nga 'to.

"Tinatawagan ko?" Sabi ko saka ko siya hinarap. "Ah si kuya Jake." Nakita ko namang tumaas ang isa niyang kilay. Cute lang!


"Bakit mo tinatawagan yung unggoy na yan? Ha? Wala na yang paki sayo!" Kung maka tawag ng unggoy ah! So unggoy din pala ako ganern? Kalahi ko eh :D

Allyn! Di nga niya alam di'ba?! :D


"Alam mo bang gusto niyang makipagbalikan sa'kin? Iba na talaga ang nagagawa ng beauty ko." Tsaka ako tumalikod sa kanya. Tumawa naman ako na para bang nanunukso.


"Akin na nga yan!" WTF. (WHAT THE FROG!) Bigla ba namang agawin cellphone ko sa'kin?!

Dinial niya ata yung number ni kuya Jake.

Hahaha. Mamatay siya sa kahihiyan ngayon!


"Hello? Is this Jake?................... Wala ka nang pakialam kung sino ako! Pwede ba?! Layu-layuan mo na si Allyn ko. May asawa na siya at ako yun kaya kung pwede ba? Wag kanang makipagbalikan sa kanya ha? Kung ayaw mong wala ka nang aabuting umaga......................... H-ha?....................... H-hala! Shit! Sorry po. Sorry. Eh eto kasing pinsan mo eh! Sorry po. Sorry ulit."


Pinipigilan ko lang po ang tumawa ngayon. Ayokong tumawa. Baka makawiwi ako. Eewness.


"A-akala ko pa naman? P-pinsan?" Sabi niya habang nauutal pa.

Hinug ko nalang siya. Oh? Ang sweet ko no? Ngayon lang yan.


Tumawa muna ako. "Ikaw naman kasi eh. Sabi ko naman sa'yo diba? Wag agad maniwala dahil maraming namamatay sa maling akala. Sorry na. Lika na nga."

Tumayo siya pero hanggang ngayon, nakayuko pa din ang ulo niya.

Oo na! Ako na bad :D

End of Aly's POV


Gayle's POV

"Ma, pupunta daw kaming Bora. Isasama daw po ako nina Janna."


Haaaaaaaaay sa wakas! I'm free! Gala na naman ako dun! :P


"Talaga? Sige anak. Sama daw ba si Josh?" Aba mama. (___ _____")

Anong akala niya?


"Mama, hindi po magpapaiwan yung gunggong na yun." Tumawa naman ako ng malakas. "Sige po. Ciao!"

Nagpahatid na ako sa bahay nina Janna. Medyo malayo yun sa'min eh.


Wooooohoooooo! Matagal na din akong umaasa na makapunta sa Boracay.

Nag-iipon pa kasi ako ng pera. You know, I'm an adventurous girl. Gusto kong malibot ang world. :D oh? Taas ng pangarap no? Kaya nga blessing nang maituturing itong pag-aaya sa'kin ni Janna na sumama sa kanila :D


"Sige! Bye po manong." Nagpaalam na ako kay manong driver. Naandito na kasi ako sa bahay nina Janna.


*ding-dong*

Binuksan naman nung yaya nila Janna kaya pumasok na ako.

"Tita Vaaaaaaaaan! Waaah I really missed you so much!" Tsaka ko hinug ng mabuti si tita. Hindi pa kami nagkikita mula nung dumating ako dito eh.

I don't know why. Baka busy si tita.


"Andito ka na pala Gelay! Miss na miss na din kita. Nasabi nga ni Josh sa'kin na nakauwi ka na. Eh alam mo naman si tita, masyadong busy."

Waaaa! Why with the GELAY na naman?!


"Tita Vaning naman! Dalaga na po ako para tawagin niyo pang Gelay." Tumawa naman ako. "Alam ko pong busy ka tita." Saka ako nag smile kay tita.


"Basta na miss kitang bata ka." Saka niya naman kinurot ang magkabilang pisngi ko. Hehe sadyang malapit lang kami ni tita. 

"Uhm, by the way po. Asan po sila? Ba't masyadong tahimik sa bahay niyo?" Masyado kasing maingay yung bahay nina tita pag andito yung dalawa eh. Barahan to the max yun eh. Basta! Di sila matatahimik.


*ding-dong*

Oh? Baka ayan na nga sila. Baka umalis lang yun. Sila na nga siguro yan.


"Tita Van! Hello po." Saka siya nakipag beso beso kay tita.


At sino naman 'tong (aaminin ko na nga lang) gwapong lalaking ito?! :D


"Mabuti naman at dumating ka Jake. Matutuwa talaga si Allyn." Si Janna? Matutuwa? Ano nga ba niya 'tong nilalang na 'to?

"Alam niyo naman pong malakas sa'kin si Allyn."

Okay. Nararamdaman ko nang OUT OF PLACE ako dito.


"Ah Jake iho, ito nga pala si Gelay ay si Gayle, kaibigan ni Aly. Gayle, si Jake. Pamangkin ko. Pinsan ni Allyn." Pagpapakilala ni tita sa'min. Nagshake hands naman kami.

AND WHAT THE HECK WAS THAT?! WAAAAAH! No way! Parang nakaramdam ako ng sparks.

Kasalanan 'to ng MERALCO!

End of Gayle's POV


I do believe in FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon