Dali-dali akong umalis ng rooftop at nag-drive pauwi ng bahay.
Habang nagda-drive ay panay ang pagpahid ko saaking mga luhang patuloy na umaagos.
I don't care kung masasagasaan ako rito, all I care is about Mom.
Hindi na ako sumunod sa speed limit. Bagkus ay nag-drive pa ako ng mabilis marating lang ang aming bahay..
Napahawak ako sa bibig ko nang nakita ko kung anong ayos ang nasa labas.
May mga posters na nagsasabing..
Happy 18th! Kesha Dean Hillstun!
We love you!Napahagulgol ako sa nabasa 'ko.
Dali-dali akong pumasok sa loob at nadatnan kong umiiyak ang aking tita't tito. Kasama na rin niya si Kuya Karl na ngayo'y namumugto na ang mga mata na parang kakaiyak lang.
"Where's mom?" Tanong ko habang umiiyak parin.
Lahat sila'y napatingin sa direksyon ko.
Agad sumugod si tita Ker akmang sasampalin niya ako.
"T-Tita.." Sabi ko.
Pumikit ako at hinintay ang sakit.
*SLAP!
Binuksan ko ang aking mga mata at nagulat ako nang nakita ko si Kuya Karl na nasa harapan ko. Sa kanan siya naka-tingin.
Sinalo niya ang pagkakasampal saakin ni Tita Ker.
"Kuya.." Sabi ko.
"Tita stop it!" Sigaw ng aking Kuya.
"No! Nang dahil dyan sa estupidang dress mo ay namatay si Kie! Ikaw ang nakapatay sakanya!"
"Hindi! Hindi po!" Sabi ko habang umiiyak.
"Aba-" aniya ngunit biglang dumating si manang na parang naiinis na sa pangyayari.
"Tumigil na nga kayo! Ikaw, tumigil ka na. Para kang bata dyan. Hindi kasalanan ni Kesha ang nangyari." Sabi ni manang kay Tita Ker.
Tita Ker throwed a glare at me. Deadly glare. And then she walked out with Uncle Kor.
Huminga ako ng malamin at tinanong sila.
"What happened?"
Kinwento nila saakin ang nangyari simula una at sa punto kung paano namatay si Mama.
Humahagulgol ako habang nakikinig.
Niyakap ako ni Kuya.
Para akong tinutusok sa puso ng napaka-raming kutsilyo.
"Kasalanan ko nga ito." Sabi ko habang umiiyak.
"No. What happened to mom wasn't your fault, Kesha. Stop blaming yourself." Ani kuya sa seryosong tono.
Nandito kami ngayon sa morgue habang tinitingnan ang aking ina na inire ako. Inalagaan ako simula nung maliit pa ako hanggang sa paglaki.
Ang ina kong binalewala ko lang.
Galit na galit ako. Pero hindi ko muna ilalabas ang galit ko ngayon.
•••
"Bakit hindi niyo agad sinabi?!" Sigaw ko sakanilang dalawa.
"Kesha i've been trying to say it to you! But.. But you were stopping me!" Ani Candy.
"Kahit na! Shit!" Mura ko.
"You stopped me. Kesha." Ani Candy.
"Kesha don't be mad at Candy. Pinigilan mo siya. Hindi niya kasalanan." Ani Dash sa kalamadong tono.
"Akala ko kasi pipigilan niya nanaman akong bayaran 'yong bill ni Illian. That's why." Sabi ko.
"Okay. It's no one's fault. Stop arguing." Ani Dash.
•••
His' POV
"Pa. Ikaw nanaman ba ang nagbayad ng tuiton fee ko?" Tanong ko kay papa na kausap ko sa phone.
"What? Of course not, son. Wala pa ang sweldo ni papa." Sabi ni Papa.
"Pa. Kung ikaw man ang nagbayad nun. You better stop that. I can pay for my own." Sabi ko.
"Yeah yeah. Whatever son."
Binaba ko na ang tawag.
Naiinis na talaga ako kay Papa. Sabi kong ako na ang magbabayad hindi pa siya nakikinig.
Kumusta na kaya siya? Sabi ko out of the blue.
What the fuck. Mura ko na lamang nang nalaman kong iniisip ko nanaman siya.
Oh Kill, she's not yours anymore.
"She's still mine." Sabi ko habang nakatingin sa picture frame niya na nasa side table ko.
"She's still mine and I'm sure of that." Paninigurado ko bago humiga ng kama para magpahinga.
Kahit na naririnig ko yung cellphone ko na kanina pa nagriring sa halip ay tiningnan ko na lamang ang kalendaryo.
April 23.
Bukas na pala ang kaarawan niya.