Kinaumagahan ay napahawak ako saaking noo dahil naramdaman kong may kirot akong nararamdaman duon. Biglang bumaliktad ang aking sikmura at agad akong tumakbo papuntang banyo para ilabas iyon.
Pagkabukas ko ng pinto sa banyo ay agad na bumungad saakin sina Kill at Candy na parang nag-aaway. Kumunot ang noo ko. Imbes na tanungin ko sila bagkus ay lumapit ako sa inidoro at agad na sumuka roon. Walang tigil ang pagsuka ko.
Pagkatapos kong sumuka ay agad kong nilingon sina Candy at Kill kaso si Kill nalang ang naroon.
"What are you two doing?" sabi ko.
"Nothing."
Tumayo ako at agad naghilamos. Saka nagtoothbrush. Bago ako lumabas ng banyo. Still curious about Kill and Candy's fight earlier. Nah, better call Kevin that we'll be watching at the cinema later. Baka magtampo pa yun sakin kasi di ko sinama.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa side table at saka hinanap ang pangalan ni Kevin sa contacts. mY cRu$#. Ay lumang number na pala to ni Kevs. Tanungin ko nalang si Candy mamaya kapag nahingi nya kay Kevin yung number.
Tinitigan ko ang aking cellphone. Naalala ko dati na gustong-gusto ko si Kevin. Who wouldn't? Matalino, tapos nakakatawa, tapos nakikisabay sya sa trip mo, tapos sya yung tipong nerd na hindi boring kasama, tapos pogi pa. Diba?
Sinubukan ko itong tawagan. And nanlaki iyong mata ko nang narinig kong nagriring iyon!
He haven't change his number yet? Or baka nasobrahan lang ako sa pag-iisip? Jusko sana naman di ako baliw no? Pero nagriring talaga oh!
Tinapon ko kaagad ang aking cellphone dahil sa pagkakagulat nang biglang bumukas ang pinto. Sakto namang tumigil iyong pagriring.
"Hello?" Sabi sa kabilang linya
'Bat ibang boses? Nilingon ko kung sino iyong nasa pinto at napagtanto kong si Candy pala. Kinuha ko ang aking cellphone at pinatay kaagad ang tawag. Lumabas ako ng kwarto habang dala-dala ang aking cellphone.
Nakita ko si Grandma sa terrace. Nagrerelax yata. Nilapitan ko ito at binati.
"Goodmorning, 'la." sabi ko at saka niyakap ito habang nakaupo ito sa sariling wheelchair. Dinikit naman nito ang aking pisngi sakanyang pisngi at sinabihang.
"Goodmorning hija. Kumusta kayo?"
"Okay lang naman po. Kayo po?"
"Ayos lang rin. May lakad kayo mamaya?" tanong nito
"Opo."
I felt Grandma smile. Then I remembered someone.
"I miss mom." nasabi ko nalang out of the blue. Tiny droplets of tears rolled down my cheeks. I hugged Grandma. I just hope na di muna siya kukunin ngayon.
---
Inakbayan ako ni Kill nang papasok na kaming apat sa mall. Paano kasi e may nakatitig saaking lalake. Tapos medyo type ko.
"Told you not to wear crop tops." Bulong niya, agad ko siyang kinurot sa gilid.
"Ouch!" bulong nya rin.
Dumaan muna kami sa Mcdo para bumili ng makakain habang nanonood sa sinehan. And after that, pumila na kami para makabili ng ticket. Pagkapasok namin sa sinehan. Kaunti lang naman ang mga tao. Umupo kami sa pinaka-tuktok ng sinehan kung saan makikita mo ang buong screen.
Nasa right side ko si Kill at nasa left si Candy, kasunod naman no'n si Kevin.
Pagkaupo ko ay yun naman ang pag tili ni Candy. Nilingon ko ito at nakita kong nahulog ito sa kinauupuan nito. Ngumisi ako.
Inalalayan siya ni Kevin na umupo nang hindi nahuhulog. We took pictures at maya maya'y nagsimula na ang palabas. Hinalungkat ko yung paperbag ng Mcdo para makita kung may pagkain pa ako dun. Ngumiwi ako nang malaman kong kinain ko na pala bago pa magsimula iyong movie.
Tiningnan ko si Kill at pasimpleng ipinasok ang aking kamay sa paperbag niya na may lamang french fries ngunit bago ko pa ipasok ang aking kamay ay may naramdaman akong mabigat sa binti ko. Tiningnan ko ito at ngumiti ako nang may nakita akong isang malaking lalagyan ng french fries at puno pa ito.
Nilingon ko si Kill na seryosong nanonood. Hinalikan ko siya sa pisngi at saka sinabihan ng..
"Thank you." Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Nilingon nya ako at biglang kumunot ang kanyang noo.
"For what?" Bulong nya.
Tinuro ko ang malaking lagyanan ng french fries. Kumunot naman ang kanyang noo.
Umiling na lamang ako at nanood na lang kahit nagtataka parin ako kung sino iyong naglagay ng french fries sa lap ko.
(a/n): Tadaaaaa! Sorry for super super late update.
VOTE
COMMENT
SHARE