"San ka mamaya?" Tanong sakin ni Candy.
"School lang." Sabi ko naman habang nagiimpake ng mga gamit. Mamaya ay aalis ako ng bahay at pupunta ng school mag-isa.
"Oh okay." Lumabas na sya ng kwarto at saka naman ang pagpasok ni Kevin. Agad nito akong nilapitan at tinanong,
"Mageenroll ka? Sama ako."
"Pano mo naman nalaman 'yon."
"Narinig ko lang. Sama ako ha?" Sabi nya.
Tumawa ako.
"Aalis ka nang walang ligo? Sige ka, matuturn-off sayo yung mga babae dun." Sumimangot lamang sya.
"Maliligo lang ako saglit. Antayin mo ako." Agad siyang pumasok sa banyo at saka tumawa ako ulit. Umalis si Kill papuntang Maynila dahil may aasikasuhin daw muna siya roon. He'll be back next week.
Inaayos ko ang aking mga ifi-fill up na form nang narinig 'kong may lumapit kay Kevin.
"Rectos?! Kevin Rectos?!" Napa-tawa ako nang narinig ko ang apelyido ni Kevin. He doesn't want someone to call him that. Nilingon ko ang naka-simangot na Kevin. Nagulat ako nang nakita kong nakatingin sya saakin.
uh, okay?
--
Kanina pa salita nang salita ang babaeng ito habang kumakain kami ni Kevin. She invited herself to our dinner at wala na kaming nagawa but to let her join us.
"Ang tagal mong nawala! Where have you been?" Tanong nito.
"France." Tipid na sagot ni Kevin. Tila ay naiinis na rin sa babaeng to but as a guy, they should respect girls. That's what I like about Kevin. I mean, yeah. Kevin's the ideal guy for you guys.
"Talaga? Yung may Eiffel tower? Omyghad!"
Napa-tss nalang ako. Obvious ba? Eh sa Hongkong tingnan mo dun kung meron. The nerve of this girl. Common sense!
"Uh, of course? Wait, yung food mo nilalangaw na." Sabi ko.
She just rolled her eyes and ate her food.
Umiling na lamang ako at patuloy na kumain.
Palabas na kami ng restaurant nang may naalala ako.
"Si Candy! Dalhan natin ng dinner!" Sabi ko kay Kevin.
"Oh, right. Wait, I'll be back." Pumasok sya sa restaurant nang nakapamulsa ang isang kamay.
I stared on his back and can't stop to admire his height. Ang tangkad nya kaya!
Maya-maya ay bumalik sya habang hingal na hingal. Kanina pa umalis yung Francine na yun! Ang daldal! Buti na nga at umalis na sya. Babaha talaga yung daan kung sakali dahil sa laway nya! Jusko!
Sabay na kaming pumara sa taxi at tahimik naman akong tumitig sa bintana habang nagdadrive. Nagulat ako nang may naramdaman akong kamay saaking balikat. Hinayaan ko na lamang iyon ay dahil baka may nasagi lang akong stufftoy sa likod.
Pagpasok namin ng bahay ay nadatnan naming natutulog si Candy. Agad ko siyang ginising para maka-kain na sya ng dinner dahil baka malipasan pa siya at magkasakit. Ayokong mag-alaga kaya mas mabuti na yung nakakasigurado tayo.
Nang naka-gising na sya ay agad ko siyang tinanong kung nakapag-dinner na ba siya at nung sinabi niyang hindi pa ay agad ko siyang pinababa at sinabihang may pagkain sa baba, agad naman syang bumaba at saka kumain.
Nag-half bath ako bago natulog. Nang makapag-bihis ako ay agad akong bumaba para makapag-inom ng gatas. Nang naka-baba ako ay nadatnan ko silang nag-uusap.
"When?" Sabi ni Candy.
Natigil na lamang ang kanilang pag-uusap nang nakababa na ako.
I quickly get a glass at kinuha iyong gatas sa ref. Pinuno ko ang aking baso at saka ininom ito ng dire diretso at umakyat na.
"Goodnight." sabi ko bago tuluyang maka-akyat. Nginitian lamang ako ni Kevin.
---
nothing special in this chapter, =)