"Tumawag si Kill kanina." Sabi ni Kevin kalagitnaan ng pagkakain namin ng umagahan.
"Oh, bakit raw?"
"Tanungin mo nalang sya." nagulat ako sa kanyang sinabi. Anong meron?
"Bakit nga?" tanong ko ulit ngunit ay nag-patuloy lamang ito sa pagkakain. Nilingon ko si Candy pero pareho rin ang ginagawa.
Pagkatapos naming kumain ay agad akong umakyat para tawagan si Kill ngunit nadismaya na lamang ako nang wala akong natanggap na reply.
Patayo na sana ako nang nakaramdam ako ng hilo at pagbabaliktad ng sikmura. I need to vomit! Pero di ko na nakayanan ay agad akong natumba sa sahig at di ko na alam anong nangyari. When I woke up, I already saw myself sa sarili kong kama. May balde ng tubig sa sahig at isang basang tuwalya.
Okay, what just happened??
Biglang bumukas ang pinto at nakita kong si Candy iyon. Agad syang nagulat at maya-maya'y naging kalmado.
"Okay ka lang ba? Nakita ka nalang namin kanina sa sahig na walang malay. Does your head hurt? Wala bang masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ni Candy.
"Thank you. Okay lang ako." Itinayo ko ang aking sarili ngunit mas lalo na lamang akong nahilo. "A-Aray." napahawak ako saaking sentido.
"Kesha? Kevin si Kesha!" Agad na pumasok si Kevin sa kwarto gamit ang nag-aalalang mukha.
"You okay? What do you feel?" Agarang tanong ni Kevin.
"I just wanna vo-" hindi ko na naipagpatuloy ang aking pagsasalita ng bigla na lamang bumaliktad ang aking sikmura agad akong napa-bangon at sumuka sa sahig. Some even reached Kevin's shoes. Teka bakit naka-sapatos sya?
Binalewala ko na lamang iyon at patuloy sa pagsusuka. Napuno ng suka ang sahig ng aking kwarto. Agad na inabot ni Kevin saakin ang basang tuwalya.
"Thank you." Tumayo ako at naglakad papuntang banyo para ayusin ang aking sarili. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Anong nangyayari saakin?
Ilang araw ang nagdaan at hindi parin nagrereply sa mga texts ko si Kill. 2-4 times akong nagduduwal sa isang araw. Iniisip ko na this is just a virus kasi imposibleng buntis ako, i'm still a virgin .Ni isang lalaki di pa ako nagagalaw. Kiss lang naman iyong saamin ni Killian.
Speaking of Killian, bakit pakiramdam ko may tinatago siya saakin? Naiinis na tuloy ako. Including Kevin and Candy. Tinatanong ko sila pero pinapatuloy lang nila yung ginagawa nila. Okay, baka kailangan lang talaga nila iyon itago. Privacy?
Pero bakit pakiramdam ko iba talaga eh. Hay, nevermind.
Bumili ako ng kakailanganin para sa pasukan. Next week na kasi. Nasa gitna ako ng paghahanap ng plastic folder nang bigla akong naka-bangga. Napaka-familiar nung amoy nya! Nilingon ko ito at nagulat ako nang natuklasan ko kung sino.
"Dash!" Pati sya ay nagulat rin.
"Ang tagal na nating di nagkikita! Kamusta ka na?" Tanong nya.
"Eto, pasukan na nextweek e. San ka nag-aaral ngayon?"
"Dun parin." Naka-ngiting saad nito.
"Great. Tara libre kita ng dinner." Masayang sabi ko.
"Na-miss mo ako?"
"Malamang! Tara." Pumila na kami at sabay nag-bayad. Napag-sabihan pa kami ng 'sweet' nung cashier. Napag-isipan naming kumain nalang sa Mcdo dahil pareho naming paborito dun. Oo aaminin ko, namiss ko siya pati yung kakulitan nya. Minsan nga nahihiling ko na sana ganon parin sya.
Di bale na, people change nga naman.
4:59 na nang nakarating kami sa bahay.
Hinatid ako ni Dash sa bahay at agad akong pumasok. Habang naglalakad papasok ng bahay, I suddenly think about Killian. Na-imagine ko ang pagkaroon nito ng ibang babae. Ugh, I hate him. Di na sya nagrereply saakin!
Nagulat na lamang ako nang nakita kong naka-upo si Kevin sa sofa tila ay problemado. Naka-hawak pa ito sa sentido habang nakatitig sa kawalan.
Narinig nito ang pagka-sara ko ng pinto at agad nag-iba ang mood nito.
"Oh, nandyan ka na pala. Kumain ka na ba ng dinner?" Agad na tanong nito.
"Kevin I'm not blind. Anong nangyayari? Where's Candy?" tanong ko..
Tumingin ito sa taas. Sa gilid, kaliwa, kanan. At agad napa-kamot sa batok. I eyed him at agad akong umakyat. I found Candy crying, she sobbed hard.
"Candy?"
Tiningnan niya ako at nakita ko ang halos mamaga-maga nyang mata.
"Candy! Anong nangyari?!" Sabi ko nang hindi ko na napigilan.
Umiling sya.
"Tell me!" sigaw ko.
"S-Si... K-Kill," umiiling ito.
Agad na kumunot ang aking noo, "Ano namang meron kay Kill?"
"H-He went to s-s-states and... I-I don't know..." I immediately get my phone galing saaking cellphone at nakita kong may mga unread messages roon.
5:00pm
"Babe?"
5:47pm
"Babe, i'm sorry. Pinapunta ako ni Dad sa states. Pasakay na ako ng eroplano. I love you."
Naramdaman kong may maiinit na likido ang dumaloy mula saaking mata pababa sa aking pisngi.
"T-The plane... c-crashed." I don't know what to do. I still hate him dahil di nya ako nirereplyan ilang weeks na ang nagdaan. Pero mahal ko rin naman sya.
No... no way. No fucking way!
----
END hahahaha.