Kausap ko si Killian ngayon sa telepono at sinabihan siyang aalis ako patungong Quezon para bisitahin sina Lola Amelya.
"Sasama sana ako kung okay lang." Yan ang sinagot niya nang tinanong ko siya kung gusto ba niyang sumama saakin.
3 weeks na ang nagdaan at nililigawan uli ako ni Killian. Sang-ayon naman si Kuya Karl dahil alam niya kung gaano ka sincere si Kill sa kanyang sinasabi.
Hindi ko alam kung anong meron kina Candy at Killian pero one thing's for sure. May something sakanilang dalawa.
Hindi ko iyon binalewala dahil hanggang ngayon yun ang iniisip ko.
What if nagkaroon ng relasyon sina Candy at Kill? Nah, that won't happen.
Hindi talaga 'yon mangyayari dahil hinding-hindi iyon magagawa saakin ni Candy.
So what if may gusto si Candy kay Kill?
"Hindi nga!" Sigaw ko.
Humiga ako at agad napahawak sa noo.
"Nababaliw ka nanaman, Kesha." Sabi ko saaking sarili. Nababaliw naman talaga ako. Dammit!
Pinikit ko saglit ang aking mga mata at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
***
Kinaumagahan ay bumangon na ako. Tiningnan ko ang aking wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto at sinasabing 7:45 na ng umaga.
"So early." Bulalas ko nang napagtanto kong ang aga kong nagising.
Naligo na ako at maya maya'y bumaba na rin para kumain.
Pagkababa ko ay may nakita akong sulat na naka-dikit sa sa aming fridge.
Good morning, princess Kesha.
I cooked bacon and egg so that you won't be needing to cook for yourself. Killian texted me and he said that he'll be here around 6:00.
Handsome brother,
Karl.Umiling ako pagkatapos kong binasa 'yong sulat ni kuya.
Pagkatapos 'kong kumain ay tumalon ako sa sofa at umupo.
Kinuha ko ang remote mula sa kaliwang bahagi ng sofa at pinindot ko 'yung on button.
"UAAP." Wika ko nang nakita kong volleyball ang palabas.
Na-aliw ako sa panonood at hindi ko na napansin na alas-sais na pala! Hindi pa ako nakapag-impake!
Tinapos ko nalang ang UAAP bago umakyat.
Dismayado akong tumayo mula sa sofa nang malaman kong natalo ang ADDU.
Paakyat na ako non nang narinig kong bumukas ang aming gate.
Nilapitan ko ang pinto para makita kung sinong bumukas.
Bago pa siya makapag-doorbell ay binuksan ko na kaagad ang pinto.
"Hey. Pasok ka." Masayang sambit ko kay Killian na ngayo'y nakangiti at may dalang bouquet of flowers..
Umupo siya sa sofa.
Sinarado ko ang pinto at sumandal sa itaas ng sofa.
"Para san yan?" Tanong ko sabay turo sa dala niyang bouquet.
"Ah. Para sayo 'to." Tumayo siya at binigay saakin ang bouquet.
Tinanggap ko ito at agad na nilanghap ang amoy.
"Ang bango ng roses," Komento ko.
Nilagay ko muna ito sa center table at tinanong si Killian.
"Kumain ka na ba?"
"Tapos na." Sabi nito habang nakangiti.
"Salamat nga pala sa mga bulaklak." Sabi ko tsaka tinuro ang bouquet.
Tumawa siya at sinabing.
"Wala 'yon. Ready ka na ba?"
Tiningnan ko ang suot ko at nakita kong wala nga pala akong suot na bra. Agad kong tinakpan ang dede ko gamit ang aking braso.
"Mag-iimpake lang ako tapos magbibihis na. Hehe." Sabi ko at umakyat na. Pero bago ako umakyat sinabihan ko muna siya kung kaya ba niyang mag-antay.
"Uh, sure." Tipid nitong sabi.
Hindi ko na siya sinagot, bagkus ay umakyat na ako para makapag-impake na ng mga damit at para makapagbihis na rin.
Dinala ko na lahat. Panty, bra, damit, spaghetti straps, shorts, jeans. Kompleto.
Bumuntong-hininga ako bago bumaba.
Nang nakita ako ni Kill ay agad siyang tumayo mula sa sofa at kinuha mula saakin ang aking mga bagahe.
Binuksan niya ang pinto at ako naman ay sumunod lang sakanya.
Pagkalabas namin ng gate ay tiningnan ko muna ang aming bahay habang si Illian nama'y busy sa paglalagay ng aking gamit.
"I'll be back." Wika ko at agad pumasok sa sasakyan ni Kill. Fortuner..
Siya naman ay pumasok na rin.
Alam ni Kuya ang tungkol rito. Kaya pinayagan niya akong pumunta sa Quezon para tumira muna kina Lola Amelya.
Inaliw ko ang sarili ko sa paglalaro ng piano tiles sa aking iPod.
Nang ako'y nagsawa na ay nagpaalam ako kay Kill kung pwede bang magpatugtog.
"Sige." Tipid nitong sabi.
Looking in your eyes,
I see a paradise,
This world that I found is too
good to be true-
Hindi ko na narinig ang ibang lyrics ng kanta dahil nakatulog na ako.
Song used: Nothing's gonna stop us now. :)