Chapter 18

7 3 0
                                    

Pagkauwi namin, agad akong sumalampak sa sofa at ipinikit ang aking mata. Naradaman kong may umalsa saaking patungong kwarto. I also heard someone talking.

"She's tired. Maraming nangyari nung umuwi kayong Quezon." Sabi ni Kill.

Pinasok niya ako sa kwarto at dahan-dahang ibinaba saaking kama. Agad naman akong nakatulog dahil sa matinding pagod.

The next morning. Pagkagising ko, may narinig akong nagluluto sa kusina. Kinusot ko ang aking mata at humikab bago tumayo at naglakad papuntang kusina. Half asleep.

Kumuha ako ng baso at naglakad palapit sa ref para kumuha ng gatas. Naglakad ako habang nakapikit at di ko namalayang naka-bangga ako.

"Oh shit!" Narinig kong mura ni Kill dahil malapit nang tumilapon ang kanyang niluluto.

"Sorry." Nakita kong may paso sa tyan niya and...nevermind.

Narinig ko syang ngumisi. Hindi ko napansing nakatitig na pala ako sa abs niya.

"You like it? Pwede mong hawakan." Asar nya habang ngumingisi.

Inirapan ko sya at saka sinabihang.

"Ayoko. Tumabi ka nga!" Umirap ako at naglakad papunta sa ref para kunin yung gatas.

"It's okay, you know. Don't be shy." Naglakad ako sa sink para hugasan ang basong ginamit ko.

Ngunit bago pa man akong makapunta sa sink. Agad nya akong pinigilan at hinawakan ang aking kamay papunta sa kanyang matitigas na abs.

Ngumisi sya at agad kong kinurot ang kanyang tyan kahit matigas.

"Aray! Sakit nun ah?" Nilayo ko ang aking kamay at tinulak sya para maka-lakad na ako papunta sa sink at nang mahugasan na ito.

Pagkatapos kong hugasan ang aking basong ginamit. Ay umakyat na ako para maka-ligo dahil pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na simula kahapon.

Kaming apat lang ang nasa bahay'ng ito dahil wala naman si mama tsaka si papa. Wala rin ang lola. Wala lahat.

Kinuha ko ang aking tuwalya at naglakad sa banyo para maka-ligo. Pagkabukas ko ng shower ay napa-talon ako dahil may bumukas ng pinto. It was Kevin!

Nakapikit sya habang umiihi. Hindi ko maiwasang mapa-tingin sa ano nya. Napa-takip ako ng aking bibig sa nakita. Inabot nya ang flush pero di nya maabot kaya binuksan nya ang kanyang mata na nagdulot ng labis na pagkakagulat naming dalawa.

"Holy-" sabi nya nang makita nya ako. And fuck! I didn't realize na wala akong suot!

Too late.

"I'm really, really sorry." Sabi nya habang naka-pikit. Agad nyang binukas ang pinto at lumabas ng walang pag-aalinlangan. Without even using the flush.

Habang naliligo. Hindi ko paring lubos maisip na nakita nya akong hubo't-hubad at nakita ko naman ang kanyang ano! Yung ano! Basta! Alam nyo na yun!

Pagkalabas ko, naiisip ko parin hanggang ngayon ang nangyari.

"Shit get out of my mind!" Bulong ko saaking sarili.

"Kesha?" Nagulat ako nang makita ko si Candy na naka-tingin sa aking naka-kunot na noo.

"Are you okay?" Tanong nito.

"Uh. Of course." Sabi ko at agad nagbihis sa aking kwarto.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para makapag-kain ng umagahan.

Hinintay muna namin si Candy bago kami kumain. Nang dumating na sya ay agad kaming nagsandok ng ulam tsaka kanin na niluto ni Kill kanina.

Habang kumakain, tahimik lang ang hapag. Parang busy ang lahat.

Tumikhim si Candy. Pero wala. Naririnig ko lang ay ang bawat pag pag kuskos ng kutsara sa plato.

"Sinong nagluto?" Tanong ni Candy.

"Killian."

"Me."

Sabay naming sabi ni Kill. Na-aakward tuloy ako dahil kanina. I mean- nung pinahawak nya saakin yung abs nya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta si Kevin na maghuhugas ng plato kaya kaming tatlo nasa sala habang nanonood ng tv.

Naisipan naming mag-movie marathon kapag natapos na sa paghuhugas si Kevin sa kusina.


TornWhere stories live. Discover now