ZAIN'S POINT OF VIEW
" Maaaa! Bakit hindi mo naman po ako ginising! First day na first day ko baka malate pa ako! " Sigaw ko kay Mama pagkababa ko. It's already 6:35 am our class starts at 7:00 am at kakagising ko lang!
"Ginigising kita, ayaw mong magising kaya pinabayaan nalang kita, since malapit lang naman yung school niyo eh, walking distance lang. Kaya yan. " -Sabi ni Mama sakin. Yeah, walking distance lang siya, pero new student ako sa school na yun! Kaya hindi ako pedeng malate, isa pa siguradong sisigawan nanaman ako ni Kait pag labas ko.
Tumakbo na ako papuntang cr at nagsimula nang maligo, tapos umakyat na din ako pag katapos, habang nag aayos ako, ikukwento ko sainyo yung new school namin at kung bakit kami magtatransfer. First, oo namin, kasi 5 kaming magtatransfer ngayon, ako, si Kait, Tiff, Icey, at Kella.
Childhood friends ko sila sabay sabay kaming lumaki. As in. Friends na nga ata kaming lima kahit nung pinagbubuntis palang kami ng mga nanay namin eh, yung mga nanay din namin kasi magkakaibigan, dito sa subdivision kasi sila nakatira nung mga bata sila makakatabi bahay nila hanggang ngayon.
2nd, walking distance lang yung school kasi nasa mismong subdivision siya, since nakatira kami sa subdivision at yung school nandun lang din , malapit lang. Bakit hindi kami nag aral school na ito dati? Eh malapit lang naman?
Ang sagot diyan ay.. Hindi ko din alam, yung school kasi na pinagaralan naman last school year is yung school kung san din nag aral yung mga nanay namin, at new school lang kasi itong school na to dati kaya siguro hindi nila kami pinag aral dun.
3rd, lumipat kaming lima kasi wala sa dating school namin yung track na pinili namin. Grade 11 na kami. At yun nga iisa lang din ang track na kukunin naming lima, Accountancy and Business Management.
Pag katapos kong gumayak, direderetso na ako sa labas. Kasi 6:50 na! Alam na naman ni Mama na lumabas ako eh narinig naman niya yung gate.
Time to go na! Baka malate pa kami.
" Hoy! Alam mo ba kung anong oras na?! It's already 6:50 am! Late na tayo! Bakit ba kasi ang bagal mo? Mag lagay ka nga ng orasan sa banyo!" Sabi na eh sisigawan ako nitong si Kait.
" Sorry na nga, hindi ko naman sinasadya eh! Actually ang bilis ko nga eh, like 6:35 na akong nagising at ngayon andito na ako. 15 minutes lang. " Sagot ko naman.
" Oh, so proud ka pang late ka, ganun?" - Sagot ulit ni Kait.
Sasagot palang sana ulit ako ng may sumigaw.
"Kesa sa naglalakad na tayo ngayon, diba?!" - Kella
So ayun na nga nagsimula na kaming mag lakad.
Sakto lang ang dating namin sa school. Hinanap na namin kung san yung mga list ng sections, and luckily magkakaklase naman kami.
Pumunta na kami sa room namin at naghanap ng vacant seat. May limang bakanteng upuan sa pinaka unahan. Kaso pinakaunahan eh, new student tapos nasa pinakaunahan, ano ba yan. Nakakahiya tuloy.
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...