ICEY'S POINT OF VIEW
" Antagal niyo alam niyo yun? " Mataray na sabi ni Kait sa mga boys.
" Sorry natanggalan kami sa pamimili eh, ang hirap kasing pumili. Namiss mo na ba ako agad agad? Sorry na, bibilisan ko sa susunod. " Nang iinis na sai ni Max kay Kait, inirapan naman ni Kait si Max.
" Alam mo kahit pumunta ka pa sa ibang bansa hindi kita mamimiss. "
" Sige ah, pag ako namiss mo. "
" Bakit? Pupunta ka? San ka pupunta? " Nagaalalang tanong ni Kait.
Natawa nalang kami sa naging reaction ni Kait, nagsimula siyang mamula nung nag tawanan na kami.
" Sabi ko sayo eh! Mamimiss mo ako. "
Pinalo ni Kait si Max tsaka natawa na din sa reaction niya.
Ang cute nilang tignan, dati lagi sila nag aaway, lagi silang nagsisigawan, para nga silang parents ko eh, pag nagkikita laging nag aaway. Pero ngayon onti onti na silang nagbabago, lagi na silang nakangiti sa isa't isa.
Pagkatapos ng onting kwentuhan napag pasyahan nilang umuwi na.
*After 30 minutes*
Malapit na kami sa subdivision ako at si Ace ang nauuna. Nang makarating na kami nag babye na din yung mga boys saamin at nagdirediretso na din sila pauwi, mga pagod siguro kaya hindi na pumasok pa sa bahay namin.
Papasok palang sana ako ng marinig ko na nagsisigawan nanaman parents ko. Andito nanaman siguro si Dad, kaya nag aaway sila. Bigla akong tinamad pumasok, kaya naglakad lakad muna ako sa subdivision. Nakarating ako sa playground, umupo ako sa swing.
Anong oras kaya sila matatapos? Matatapos pa kaya sila? Kapag ba umuwi ako tahimik na ang lahat? Bakit kaya sila nagsasayang pa nang oras, eh pede namang maghiwalay nalang sila, since yun lang din naman patutunguan nun. Kunwari pa silang para sakin daw, sus edi kung para sakin sana hindi ko na sila naririnig na nagbabangayan, aalis ako nagaaway sila uuwi ako nagaaway din sila. So asan yung para sakin dun? May tumulong luha sa mata ko, nakaramdam din ako ng pagkamiss sa mga magulang ko. Kahit naman, may galit ako sa kanila, namimiss ko pa rin yung dating kami, yung laging masaya, yung peaceful, at yung laging nag bobonding.
" Icey. "
Bago ko tignan yung tumawag sakin pinunasan ko muna yung mga luha ko.
" Oh, Ace bakit ka andito? Di ba umuwi ka na? "
" Ah oo kaso, nakalimutan ko itong ibigay sayo eh, nahulog mo kanina. Hindi ko pa naibabalik, oh. "
Tsaka niya inabot sakin yung panyo na nahulog ko ata kanina. Ang bait nga naman ni God, kapag kailangan ko ng pamunas sa mga luha ko, agad agad niya ako bibigyan.
" Sakto lang ata dating ko. Bakit ka umiiyak? Kanina lang masaya tayong lahat tapos ngayon umiiyak ka na agad? Anong meron, at bakit mag isa ka lang? Umiiyak ka ba kasi inwan kita agad? Dapat pala nag stay muna ako eh, namiss mo na ba agad ako? Ang pogi ko kasi eh. " Tsaka tumingin sakin at nagtaas baba ng kilay.
Natawa naman ako bigla sa kanya, kahit lagi siyang ganyan mag salita at laging nagmamayabang hindi ko nafefeel na mayabang siya nakakatawa kasi siya, tuwing sinasabi niya yung mga ganyang linya niya.
" Oh, bakit ka natawa totoo naman sinasabi ko ah, pogi naman talaga ako. Andami kayang nagkakacrush sakin. Pero maiba nga tayo, bakit nga ba umiiyak ang best friend ko? " Ay, bakit ganun parang may mali nung sinabi niya yung word na " bestfriend", eh totoo naman bestfriend niya ako.
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...