KAIT'S POINT OF VIEW
Natapos na yung new year at pasukan na din nakaalis na rin kahapon si Kent. Nangako din siya kay Icey at samin na kapag nakita niya sila Ace at Tiff dun babantayan niya ito at irereport samin kung ano yung mga pinaggagawa nila dun.
Ngayon naman andito kami sa court nagpapractice si Max at iniitay namin siya bukas kasi may game sila. I wish manalo school namin, of course kapag nanalo school namin panalo na din si Max, siya MVP eh. Nakakaproud tuloy.
" Hay hindi kaya siya napapagod? Pawis na pawis na siya pero tumatakbo pa rin siya. "
" Ikaw ba hindi ba napapagod mata mo kakasunod sa mga kilos niya? " Nagulat ako ng mag salita si Xan.
Ang saya kasi kinakausap na niya kami ng maayos at nangungulit na din siya samin since nung " naging friends na daw " sila ni Kella. Kaso minsan nakakairita na yung pangungulit niya todo kulit kasi siya araw araw tuwing nag kikita kami, kesyo bagay daw kami ni Max aminin ko na daw kasi pag umamin ako aamin din siya. Syempre babae ako kaya kahit papano umaasa ako. Sige na nga at aaminin ko na na may gusto na din ako kay Max pero crush lang naman ang hard working niya kasi sa mga bagay na gusto niya at sige na din pogi din. Pero crush lang talaga.
" Hindi ko siya tinitignan no yung kateammate nila yung tinitignan ko. " - Ako
Syempre para hindi halata dapat sa girls ko muna na to aaminin. Kaso nakakahiya baka pagtripan nanaman ako. Kaya sakin muna.
" Hindi daw-- " - Siya
" Oy! Max dahan dahan ka nga! Baka masprain ka! " Hindi ko na pinatapos si Max sa sinabi niya bigla kasing nadapa si Max, babain ko kaya?
Bababa na sana ako kaso may dalawang babaeng lumapit sakaniya tapos inalalayan siya tumayo.
" Hindi pala nakatingin ah. Ayan ayaw pa kasing aminin naunahan ka pa tuloy. " - Siya
" Excuse me kung hindi mo ako kinausap edi sana ako na yung tumulong sakanya no? Hindi yung mga babaeng yan. " Sabay turo ko sa dalawang babae na hanggang ngayon nadikit pa kay Max.
" Sige mag loko ka pa sa sarili mo. Max! Okay lang? " Sabi niya sakin tsaka bumaba para tignan si Max. Nakita ko nalang din na pababa na yung iba kay Max kaya bumaba na rin ako.
" I'm fine hahaha---oww! " Sabi ni Max pero nung tumayo siya bumagsak din siyia sa floor. Tinulungan nila Tri makaupo ulit si Max sa benches.
Hala don't tell me may sprain siya?
" Hala hospital tayo gusto mo? " - Ako
" Chill. This is nothing. Okay lang talaga ako pahinga lang to. " - Siya
" Max, tama si Kait pano kung hindi ka makapaglaro? Halika na baka lumala pa yan. " - Tri
" Okay lang talaga ako. Seryoso nga. " Tumayo si Max tapos nagpaalam na din sa mga teammates niya.
" See. I can walk. Let's go na? " Sabi ni Max tapos nauna ng mag lakad.
Napansin kong maayos naman maglakad si Max pero pakiramdam ko may problem talaga sa paa niya hindi rin siya nangungulit tulad dati siguro masakit talaga paa niya ayaw lang nyang aminin.
" Max hospital na tayo dumiretso para macheck na yan ng doctor. " Pagaalok ko sa kaniya baka kasi mas lumala yung sprain niya.
" Wow. Nag aalala ka ba? I'm fine, really. See, nakakalakad ako. " Totoo ngang nakakalakad siya pero halatang bawat steps niya nahihirapan siya.
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...