KAIT'S POINT OF VIEW
Dalawang buwan na ang lumiipas after nung nangyari sa Cafe. Hindi na namin sila nahagilap. Hindi naman sa hinahanap namin sila o parang ganun na nga, nagtaka kasi kami nung hindi sila pumasok kinabukasan tapos nagtuloy tuloy na. Absent sila lagi. Isa pa hindi pa sila humihingi ng sorry sakin.
Isang beses palang, tapos paglabas ko wala na din sila. Mukha tuloy hindi sincere yung sorry ni Max.
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa iniisip siya ngayon eh. As if close kami, eh hindi naman.
" Ang sabi nila pumunta daw sa ibang bansa." - Girl1
"Business kaya? Mukha kasing mayayaman eh." Girl2
"Hindi baka naman tinatamad lang pumasok! And baka nagdrop out na rin sila, sayang ang popogi pa naman." - Girl3
Okay, aaminin ko nakikinig ako sa usapan nila, sorry na. Nacurious lang naman kasi ako eh, alam ko naman kasing yung limang boys yung pinaguusapan nila kaya ayun, curious strikes.
" Tingin niyo? Ano nang nangyari sa mga yun? Bigla nalang naglaho parang bubbles. " Sabi ni Zain.
" Walang nakakaalam." - Icey.
" Hindi naman sa curious ako ha, pero sige medyo curious na din ako. Ano kayang nangyari sa kanila? " Tanong ko.
"Baka natakot sayo, ang init kasi ng ulo lagi eh." Sabi naman ni Tiff.
"Hindi naman siguro. Siguro nag bakasyon lang? Pero saan naman sila pupunta? " Tanong ko ulit. Alam kong wala naman na talaga akong dapat pakielamanan sa mga plano nila pero, nacurious lang talaga ako.
" Nako Kait ah, baka naman na love at first sight ka na sa isa sa kanila. Kaya tanong ka ng tanong. Hindi mo lang sinasabi kasi nahihiya ka! Aminin mo na." Nang iinis na sabi ni Zain.
" Ako? Maiinlove sa isa sa kanila? Anong kalokohan yan?" Sabi ko.
" O baka naman kayo na tapos ayaw mo lang talagang aminin samin kasi nga nahihiya ka?" Isa pa tong si Tiff eh.
" Ang kulit ng mga lahi niyo ano? Hindi nga!"
"Eh bakit oa ka kung makareact? May tinatago ka ano?" Sabi naman ni Kella.
" Defensive." Sabat naman ni Icey.
"Aba aba! Pati ikaw Icey?! Akala ko ba kampi tayo!" Binelatan lang ako ni Icey.
As if may magugustuhan ako sa kanila. High standard kaya mga pinipili ko!
Yung mabait, gentleman, matalino, gwapo at mabait sa babae! Yung marunong mag sorry, yung sincere! Hindi kagaya nila! Ako na nga natapunan, ako pa iniwan!
Magrereklamo palang ulit sana ako ng may magsalita sa likod ko.
" O baka naman namimiss mo lang talaga ako?" Nagulat kaming lahat ng magsalita si Max, galing sa likod ko.
Lahat kami nakatitig lang sa limang lalaking umupo sa may tambayan namin dito sa school.
Oh. Their here. Nagloloading pa sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Kanina lang pinaguusapan namin sila then now andito na sila. San kaya sila nang galing?
" Oh? Bakit ka namumula? Hindi ka naman nagmemake up, hindi rin naman ganun kainit ngayon. Ibig sabihin ba niyan nag bablush ka? Tinamaan kita ano!" Proud na sabi ni Max sakin. Napatingin tuloy ako kila Zain, na mukhang nagpipigil ng tawa.
" By the way.. Namiss niyo ba kami?" Sabi nung Tri.
Kapal din nang---
" Kapal din naman nang pagmumukha mo no. Close tayo?" Bago ko pa man sabihin ang sentence na yun, si Zain na ang nag sabi para sakin.
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...