XAN'S POINT OF VIEW
"San po si Mama? " tanong ko sa maid namin.
"Sir, nasa kwarto po. "
Direderetso na ako sa kwarto ni Mama, habang dala dala ko tong batang to.
"Ma. Nakita ko tong batang to doon sa kabilang street malapit sa playground, tapos umiiyak, kinuha ko na baka may iba pang makakuha eh. Pano ko hahanapin, parents neto? "
Halata namang nagulat si Mama, syempre pumasok ako agad sa kwarto niya na may dalang bata.
"Akala ko anak mo na yan. Masaya na sana ako pinutol mo pa. "
Nako, si Mama talaga, parang baliw. Pano kasi lagi niyang tinatanong sakin kung may gf na ba daw ako, at kung pagkagraduate ko daw ba ng college magpapakasal na ba daw ako, kasi gusto na daw niyang mag ka apo. Bakit kasi only child ako, ako pa tuloy napag sasabihan ng ganyan.
"Ma, matagal pa bago ako mag ka anak, ikakasal muna ako. Pero, maiba tayo, pano to? Anong gagawin ko dito? "
Tiningnan niya yung bata tsaka ulit tumingin sakin.
"Atin nalang kaya? Para may bata dito tsaka para may maalagaan ult ako, kasi ikaw ayaw mo pang magpakasal at mag karoon ng an-- " pinutol ko na yung mga sasabihin niya kasi eto nanaman kami.
"Ma! Ano ba, para kang bata. Tutulungan niyo po ba akong hanapin parents nito o hindi? "
"Eto na eto na, mag bibihis lang ako, teka lang. "
Bumaba na ako and inintay siya sa labas.
Teka, hindi ko pala naitanong kung anong pangalan nito.
"Anong name mo? "
"Kean."
Ang cute naman niyang magsalita. Palibhasa bata.
Lumabas na kami at nag punta muna sa club house, nagtatanong kami kung may nakakakilala ba sa kanya. Pero walang may kilala sa kanya.
Next dun sa may basketball court, nag tanong din kami, pero wala parin. Tapos pag may open na bahay, tatanungin din namin sila pero walang nakakakilala sa kanya.
Pati sa mga tindahan tinanungan na namin pero wala talaga. Dito kaya nakatira to?
"Anak, satin nalang kasi. Ampunin na natin. "
"Ma, para kang ewan. Yung bata na po paguusapan natin, syempre may magaalala dito, mamaya hanap lang din pala ng hanap yung mga magulang neto. "
Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko at sinabing..
"Ang laki na ng baby ko ah. Matured ka na. "
"Ma, 17 na ako. Hindi na ako baby hindi ka kagaya nitong karga ko, tigilan mo na po ako. "
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...