ICEY'S POINT OF VIEW
Good Morning~
What a wonderful day!
"Alam mo kung ayaw mo na edi go! Hindi naman kita pinipilit dito! It's your own choice if you want to let go! Wag mong idadahilan sakin na kailangan ni Icey ng ama kaya ka andito! Kelan mo pa ba huling naitanong kay Icey na kamusta na siya? Kailan mo pa ba naitanong kay Icey kung may problema siya? Nihindi ko narinig na sinabi mo yun sa kanya kahit isang beses lang! " Sabi ni Mommy kay Dad.
Nasakwarto palang ako at kakagising lang ng marinig ko nanaman yang sigawan nila. Natulog akong naririnig yan, at nagising din ako ng naririnig yan. 24/7 ba silang nagsisigawan?
Kaya pala napahugot si Mommy kagabi dahil uuwi na ulit si Dad dito.
Well, normal na yan since nung bata pa ako naririnig ko na yan. Hindi ko alam kung bakit pero, kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan yung mga pinagsasabi nila.
Naalala ko ulit yung narinig ko noon.
6 years old ako nun, nung una kong narinig silang nag sisigawan, nakita kasi ni Mommy na may picture si Dad na may kasamang babae. Tapos inamin naman yun ni Dad, nagsorry siya kay Mommy dahil sa mga nagawa niya. Sabi niya hindi pa rin daw siya aalis dito sa bahay, dahil kailangan ko daw ng tatay.
Well, kung ako lang tatanungin, okay lang na dun nalang siya sa bago niyang pamilya kasi narinig kong may anak na din siya eh 10 years old na ngayon. Mas magandang dun na siya kesa mag stay siya dito, mas okay na namatutukan niya yung anak niya dun kesa yung hahati pa kami ng attensyon ni Mommy.
Halata naman kay Dad na mas gusto niya dun eh, 2 days lang siyang nagstay dito every week. Then yung 5 days dun na sa other family niya.
Aaminin ko nung bata ako lagi akong nalulungkot dahil dun pero never akong umiyak except nung pinaka unang nalaman ko yun, kasama ko sila Zain at kinoffort nila ako ng bongga group hug kami nun, nakakatawa ngang alalanin yun eh para kaming baliw na nagiiyakan habang naka group hug.
Isa pang dahilan kung bakit okay lang sakin na umalis si Dad is because every time I need a Dad, he says he's always busy ang he doesn't have time to me or if not he's with his other family.
So anong point pa kung magstay siya dito samin di ba?
Like, andito nga siya pero parang wala naman. Since meron kaming CR dito sa taas dun nalang ako naligo, tapos nag ayos na at bumababa na, baka masumbatan pa ako ni Kait.
Napansin ata nila ako kaya tumahimik sila.
"No. It's alright, continue lang po kayo, it's not like may bago, di ba? And Dad you know hindi mo naman pong kailangan mag stay dito if you don't want na, it's alright for me, kasi Dad alam mo mas gusto kong ibigay mo yang attensyon mo sa anak mo dun sa kabila, kesa magsayang ka ng oras mo dito ng wala namang napapala. Kasi ang mga anak laging kailangan bigyan ng sapat na attensyon, since hindi mo naman yun nagawa sakin, gawin mo nalang sakanya. " Sabi ko sakanila.
Tapos ininom ko yung water na nakalagay dun sa table. At tinignan ko ulit parents ko.
"Bye alis na ako may mga taong nag iintay pa kasi sakin sa labas, atleast sila iniintay ako. At binibigyan ako ng oras. "
Alam kong rude, oa at wala akong respect pag dating sa parents ko, actually sa Dad ko lang. Mabait naman ako kay Mommy, pero kay Dad hindi.
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...