Chapter 6: Sorry

4 0 0
                                    

XAN'S POINT OF VIEW


" Mag sorry ka nalang kasi, arte! " Sigaw sakin ni Kent.


2 days na since nung nasigawan ko si Kella.


" Bakit ako magsosorry? Eh siya nga itong makulit?"


" Eh bakit ka ba niya kinulit? Di ba dahil hindi ka nasagot sa mga tanong niya. Makulit ka rin eh. " Sabi ni Max.


" Bro, alam mo minsan dapat maging friendly ka din. Kinakausap ka lang nung tao eh. " Sabi naman ni Ace.


" Oo na, oo na, kasalanan ko na kasi masyadong mainit dugo ko sa kaniya, kasi napakatamad niya tapos ang ingay pa. Ano mapapala niya sa ganung buhay? Ayokong makipag kaibigan sa mga ganun tao. " Sabi ko, kasi totoo naman, harsh na kung harsh magsalita. Pero totoo naman kasi, anong mapapala niya sa ganung klase ng buhay? Hindi porket mayaman siya okay na ang lahat, kailangan pa rin niyang mag aral kahit na marami silang ari arian, gagamitin pa rin naman niya kasi ang utak niya pag tanda niya.


" Ah, ayaw mong makipag kaibigan sa mga ganung tao? " Sabi ni Max.


" Eh bakit mo kami kaibigan? Di ba hindi rin naman kami nag aaral, kung titignan mo nga lang mas mababa pa kami sa kanila. Pero kaibigan mo kami, di ba? " Sabi naman ni Tri.


" Iba kayo, syempre. " Sabi ko.


" Ang sabihin mo nahiiya ka lang, mag sorry kasi alam mong mali ka. " Sabi ni Ace. Luh siya, ako mahihiya? Hindi no. Nasigawan lang big deal ba yun.


"Mag sorry ka na, bago pa lumaki away niyo. " Sabi ni Kent.


" Ayoko. "


" Kalalaki mong tao ang arte mo! Dali na. " Sabi ni Tri saka ako hinila palabas.


Nag lalakad kami papuntang..?


Sa cafe? Yung cafe kung san kaming huling nagkita bago lumabas ng bansa.



" Andito na tayo, wag kang tatakbo. Mag sorry ka na. " Tapos tinulak nila ako dun sa may pintuan. Ewan ko kung bakit ako pumasok, pero pag pasok ko, siya lang yung nakita ko sa dami ng tao nandito. Inirapan lang niya ako at tumingin sa ibang side pagkakitang pagkakita niya sakin. Pumunta ako sa kanya at nakiupo.


" Bakit ka andito?" Mataray na tanong niya sakin.


Bakit nga ba ako nandito?

Syempre para humingi ng sorry.


" Ah, tinulak ako nung mga kaibigan ko dito. Hindi ko din alam kung bakit ako nandito eh."

Ay mali, dapat mag sosorry ako eh. Bakit yan lumabas sa bibig ko? Ano ba yan.

" Lumipat ka ng table. "

" Ha? Bakit?"

Bakit niya ako pinapalipat? Eh pumunta nga ako para humingi ng sorry sa kaniya.

5Pairs of hearts in loveWhere stories live. Discover now