Chapter 11: Christmas

6 0 0
                                    

ZAIN'S POINT OF VIEW

"MERRY CHRISTMAS! " Sabi ni kuya Zey sakin, pagkababa ko.

Yeah, Christmas! Happy Birthday to Jesus! Thank You for all the  blessings I received, and still receiving.

" Kain na bunso, at pupunta pa tayo sa church para magsimba. " sabi ni Kuya Zey.

So ayun kumain na kami, at nag punta na sa simbahan. Nakita ko din dun sila Kait, Kella, Tiff, at Icey, kasama syempre pamilya nila. Umupo kami malapit sa kanila. At dahil nasa simbahan kami, hindi kami nagusap usap, kasi pag nag kausap usap kami siguradong sabog ang simbahan sa ingay namin.

" Hey, Zain. Merry Christmas. " Napatingin ako sa likod ko, may nang bati sakin eh.

May nagsabi kasi samin noon na kapag binati ka batiin mo rin para fair. :)

" Merry Christmas Tri! " Andito din yung mga boys. Ayos ah, sabay sabay kami magsisimba.

After the mass, napag desisyonan nilang magusap usap at kumain m" na din ng lunch sa iisang lugar lang.

So we decided to go to Icey's family restaurant.

Since friends kami ni Icey at Christmas naman daw, free na lahat ng iorder namin.

Iba talaga pag may pera, kaso kahit nakakaluwag sila, may mga problema pa din, tulad ni Icey mayaman nga sila pero hindi naman mabibili ng kayamanan ang tatay niya at ang kaayusan ulit ng pamilya nila. Bigla tuloy akong naawa kay Icey, kahit nakangiti siya kitang kita parin yung lungkot niya.

" You know, naalala ko yung pumunta kayo sa bahay namin, ngayon lang ba kayo naging magkakaibigan? Ngayon lang kasi namin kayo nakita. " Sabi nung Mommy ni Zain.

"Yes po, this school year lang din po. " Sagot ni Tri.

" So how's my daughter Kait at school? Is she doing great? " Tanong nung Mommy ni Kait.

" Ah, sa studies, okay lang po, may pagkamaingay din po siya minsan, nambabara pero mabait po siya. "

Nagtawanan ang parents namin sa sinabi ni Max tungkol kay Kait.

Nagusap usap sila habang kumakain, samantalang kami hindi makapagsalita, kasi nasa gitna kami ng parents namin.

"By the way bukas nalang namin ibibigay yung gifts niyo ah, asa bahay kasi, hindi naman namin alam na magkikita tayo ngayon kaya iniwan na muna namin. Bukas pupunta kami sa inyo at ibibigay yung gifts ha. " Sabi ni Tri sakin.

Aww, nakakatouch naman may gifts din pala siya para samin. >---<

Excited na din naman akong ibigay yung gift ko sa kanya eh.

***** 

TIFF'S POINT OF VIEW 

After that lunch nagsiuwian na din kaming lahat, kanya kanyang lakad ngayong Christmas. Pagkauwi namin nakita ko ang poging pagmumukha ng Kuya Ted ko, kaya agad agad akong yumakap sa kanya. 

"Sorry I'm late, hindi tuloy ako nakasama sa mass, mamaya mag mamass din ako. " 

"Antagal mo kasi Kuya eh. But it's good you're here again. I miss you kuya! " Sabay yakap ko ulit sakanya. 

Suppose to be pupunta kami sa province namin ngayon kasi kararating lang din ni Kuya Ted galing States at gusto na din nilang magcelebrate ng sama sama na since minsan lang naman umuwi si Kuya Ted at yun kasi yung province ng Dad ko, kaso ewan ko kung bakit hindi na tuloy, kaya andito lang ako sa bahay at nanonood ng TV.

" What will we do? I don't think Tiff can help, she's too young. " Rinig kong sabi ng Mommy ko, ano kaya yun. Ayoko mang makinig, nakinig parin ako, nako wag niyo kong gagayahin, nacurious kasi ako narinig ko yung pangalan ko eh, kapamilya din naman nila ako so baka okay lang naman na makinig ako, kahit alam kong hindi naman talaga tama yun.

Walang gagaya sakin ah, bad  tong ginagawa ko.

May wall na naghaharang sa kitchen at sala tapos may pintuan din, dun lang syempre ako sa labas tumayo. 

" I know, but what will happen to our business? Pinaghirapan natin yun, we can't let that ruin. " Sabi naman ni Dad. 

" Dad, it's ruin now. Mommy, I know I don't have the rights to choose the right man for Tiff, but it's the only way I can see now. To regain our financial loss. " Sabi naman ni Kuya Ted. Don't tell me na  ipapakasal nila ako sa iba. May ganun pa ba ngayon? Like, new generation na to ah. 

Gusto ko man tulungan sila, parang ayaw ko na ngayon kasi kapalit nun yung future love life ko. Ay malandiii.

Ansama mo Tiffany, inuuna landi bago pamilya.

Nang may marinig akong footstep palabas ng kitchen agad akong tumakbo at humilata ulit sa sofa, para hindi nila mapansin na nakikinig ako sa kanila. 

Lumbas si Kuya at, " Uhm, Tiff... may boyfriend ka ba ngayon? " 


Gusto kong sumagot na meron kahit wala naman talaga, kasi ayaw kong iaarrange nila ako, kaso wala naman akong maipapakilala sa kanila na boyfriend ko, kaya napilitan nalang din akong umamin. 

" Wala. Kuya bakit mo natanong? " Kunwari pa akong hindi ko alam. 

" Ah.. wala lang syempre kapatid mo ako gusto kong malaman kung may boyfriend ka na o wala di ba? Hahaha! " Tsaka siya tumawa ng pagkalakas lakas. Kunwari pa din siyang yun ang dahilan niya. 


" Wala daw. " Bulong ko sa sarili ko, pero narinig niya ata. 

" Bunso, okay lang ba kung sumama ka muna sa States kahit ilang araw lang? May ipapakilala lang ako sayo, friend ko lang. Okay lang? " 

Boom. Ayan na nga. 

Anong sasabihin ko?

Pano ba tumanggi?


" Christmas gift mo na para sakin.. please? " 

Hala naman eh. Anong gagawin ko? 

" Tiffany, sasama din kami to meet his friend, kaya mahirap na kung ikaw lang mag isa dito, kaya sumama ka na. " Sabi ni Dad. 



Ay bakit pa ako tinanong? 



Bakit pa nila ako tinanong kung sila rin pala ang magdedesisyon? -_- So, ayun nga wala na akong nagawa, kaya tumango nalang ako. Tumakbo naman papunta sakin si Kuya at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. 




" Thank You Tiffyy, I love you bunso! " Sabi niya habang ako, hindi ko siya mayakap pabalik, kasi kinakabahan ako sa mga pedeng mangyari dun.






Pano ko sasabihin kila Icey to? Nakakahiya naman baka pag tawanan ako nung mga yun. 

Tsaka pano kung hindi pala mabait yung ipapakilala nila sakin? Pano kung kunwari bait baitan lang? 



Good bye free life~ 

5Pairs of hearts in loveWhere stories live. Discover now