Chapter 14: Girl talk

5 0 0
                                    

* KAIT'S POINT OF VIEW * 

" Kwento na. " Sabi ko kay Icey, mukha namang nahihiya siya kaya hindi na niya tinuloy yung kwento niya kanina. Pero hindi pedeng hindi niya ikukwento samin yung mga napagusapan nila ni Ace.

Hindi pedeng hindi namin siya asarin.

Hindi siya makakaligtas samin. 


" Kasi nung isang araw dumating ulit si Dad sa bahay, kaya syempre nagka world war nanaman, yun yung day na pumunta ata tayo sa mall, kakauwi lang natin nun, kaya kesa pumasok pa ako sa loob dumiretso nalang ako sa playground, para tahimik. Tapos nagdrama ako hindi ko na malayan na umiiyak ako, tapos biglang dumating si Ace sakto nga eh, bumalik siya kasi nakalimutan daw niyang ibigay sakin yung panyo ko na nahulog ko daw, tapos tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Syempre hindi ko muna sinabi nagiisip pa ako kasi nga sainyo hindi pa ako nakakapagdrama sa kaniya pa kaya. Pero nafeel kong sincere naman siya, kaya sinabi ko yung problem ng family namin. Tapos hinug din niya ako kinomfort ng bongang bonga, kaya ayun naging close kami ng super dahil dun. Pero promise best friend lang talaga. And I'm sorry kasi hindi ako nag open sa inyo nung mga time na yun at hindi ko kinuwento sa inyo. Sorry sana hindi kayo magalit. Nahihiya lang kasi ako. " 


Nahihiya lang pala siya kaya hindi siya makapag salita samin. Dapat mas naging open pa kami sa kaniya, kasi kapag may kailangan kami siya yung laging tumutulong samin kahit nung mga bata pa kami, kaso kapag problema na niya yung kalaban niya hindi na siya makalaban. Tumatahimik nalang siya at hinahayaan. 


Sana makatulong kami sa mga problema niya, tulad ng pag tulong niya sa mga problema namin. 


" Hindi kami galit Icey, at wag kang mag sorry. Dapat kami ang nagsosorry. Sorry Icey kasi hindi  ka namin natutulungan sa problema mo, sorry kasi kahit ang pag comfort sayo hindi namin nagawa. " Sabi ni Zain.

Tama si Zain, kahit yung makisabay lang sa lungkot ni Icey hindi namin nagawang tignan.

Ang selfish naman namin.

" Sorry kasi hindi namin alam kung ano ang mga sasabihin tuwing kailangan mo kami. " Sabi naman ni Tiff tapos niyakap si Icey.

" Icey, sorry hindi ka namin nacomfort hindi namin alam na ganyan na pala nafefeel mo. Sorry sa ibang tao ka pa nakareceive ng comfort at hindi samin. Wag kang magtatampo ah. Sa susunod hindi na kami magpapaka selfish. " Sabi ko.

Nakakainis kasi, hindi ko manlang siya matulungan kahit lagi niya akong tinutulungan.

" Icey, sa susunod sabihin mo din yung problems mo samin, and gagawin namin lahat ng pede naming matulong sayo. Sa susunod magsalita ka ah. Wag kang mahihiya. " Sabi naman ni Kella.

" 17 years na tayong magkakilala, kaya dapat lahat ng problems dapat shineshare natin sa bawat isa ah! " Sabi ko naman.

" Ano ba kayo! Wala yun. Okay lang, ako nga dapat magsorry kasi nahihiya pa ako sa inyo kahit antagal tagal na nating magkakilala eh. " Sabi naman ni Icey.

Nagtawanan kami tapos nag group hug kami, tapos sabay sabay kaming lumubog sa tubig. 


Wooo~ ang lamig. This is life.

Ang saya mabuhay sa mundo na alam mong may nagiintay sayo na kaibigan.

Yung kahit anong problema yung dumating hindi ka iiwan.

Maraming tao ang mangiiwan sayo sa daan. Pero kapag nahanap mo yung para sayo talaga, kahit anong klaseng obstacles ang dumating, nandyan pa rin siya at tutulungan ka.

5Pairs of hearts in loveWhere stories live. Discover now