ICEY'S POINT OF VIEW
Nasalabas na kami at hinihintay nanaman si Zain, late nanaman siya.
" Don't tell me everyday ka nang ganyan?" - Sabi agad ni Kait pagkalabas na pagkalabas ni Zain.
Nginitian lang siya ni Zain, at inaya na kaming mag lakad.
" Mamaya dun tayo sa may cafe nila Icey ah? I miss going there. " - Excited na sabi ni Kella.
" Okay punta tayo dun, and magpalamig hahaha, ang init at boring naman kasi if nasa house lang tayo." - Sabi ni Zain.
Sumangayon naman kaming lahat sa idea nila.
Nas school na rin kami, and ang una namin nakita is yung mga boys kahapon, yung nakipag talo ng kaunti kay Kait.
"Uy, hi there!" Sigaw nung isang guy na kasama nila. I forget his name eh. Pero imbis na mag-hi din sila direderetso lang sila, kaya sumunod nalang din ako. Kaso kawawa naman siya hindi namin pinansin.
" Kapag bumati sainyo ang isang tao dapat batiin niyo din para fair. " - Sabi nung Tri. Sabay hawak sa braso ko. Nasa dulo kasi ako kaya ako yung nahawakan nila, ano ba yan.
" Uhmm, sorry kas --" Hindi ko na natapos ang paghingi ko ng sorry sa kanila dahil nagsalita na si Kait.
" Well, kasi baka hindi naman KAMI yung sinasabihan niyo ng HI, kaya hindi namin kayo pinansin. Since HINDI naman namin kayo kilala. Malay ba namin kung sino kayo? " At oo, malakas at madiin yung pagkakasabi niya sa mga words na, kami,hi,at hindi.
Tinanggal din ni Kait yung hawak sakin nung lalaki. Nakakatakot naman yung lalaking yun gangster ba yun? Kung makahawak wagas.
After that, naglakad nalang ulit kami papuntang room.
Tapos pagkaupong pagkaupo namin, bumukas ang pinto at pumasok nanaman sila. Ofcourse, papasok sila dito sa classroom na to kasi classroom din nila to.
Akala namin tapos na usapan pero hindi pa pala. Umupo sila sa likod namin.
Hindi sila nagsalita, umupo lang. Very good naman din pala minsan sila. Marunong tumahimik.
Maypinapakopya lang samin yung Teacher namin, kumopya lang din kami.
Maya maya lang, may naramdaman akong tumapik sa likod ko. Kaya napatingin ako sa likod, pero lahat sila nag susulat lang. Pero pakiramdam ko nagsisimula nang mang inis tong mga nasa likod namin eh.
Hindi ko nalang ito pinansin at sumulat nalang ulit, kaso ilang segundo palang ang nakakraan at may kumalabit nanaman sakin, hindi ko ito pinansin pero habang pataggal ng pataggal palakas ng palakas ang pagkalabit sakin, palo na nga ata yun eh! Masakit ha!
" What are you doing? Why are you poking my friend's shoulders?" - Taas kilay na sabi ni Zain, kaso mukhang napalakas ata pag sabi niya kaya ayun narinig ng Teacher.
"Is there a problem Miss Nam?"
" I think there is Ma'am, this boys. This boys are nasty. They distracting my friend." -Sabi ni Zain. Buti pa siya kayang sabihin yun sa Teacher, hindi ba siya natatakot? Kasi ako natatakot, kahit hindi ko alam ang dahilan.
YOU ARE READING
5Pairs of hearts in love
Teen Fiction5Girls and 5 Boys Life is full of obstacles and surprises, those things came from nowhere it just strikes you out, then will make you suffer a little, but after that those obstacles it will make you feel matured enough and will make you confident in...