Hi! I'm Beatrix Demi Ledesma,17 yrs. old.The certified ASSUMERA.
Yes!tama kayo ng nabasa isa lang naman ako sa milyon-milyong tao na mahilig mag-assume,umasa sa isang bagay na wala naman kasiguraduhan.Akala ko kasi lahat ng nanyayari sa tunay na buhay katulad din sa mga napapanood ko sa telebisyon.Na kahit PANGIT KA makakatagpo ka padin ng THE ONE.
Pero...
AKALA KO LANG PALA YUN...
Dahil sa totoong buhay paasahin ka lang pala nila
Paglalaruan at paiikutin sa mga kamay nila.4th year high school na ko sa Allison Academy.
Isa sa pinakamalaki at highstandard school dito sa Pilipinas.Iba't-ibang lahi ang nag-aaral dito.Lahat sila mayayaman at may sinasabi sa lipunan.
Swerte ko na nga lang at kinupkop ako ng mayaman kong Tita Gilyn na ubod naman ng sungit.Wala kasi silang naging anak ng Tito Daniel ko kaya nang maulila ako nun 7 yrs. old dahil sa pagkamatay sa plane crashed ng magulang ko.Nagdecide si Tito Daniel na kupkupin nalang ako.Nun una ayaw pa kong tanggapin ni Tita Gilyn dahil gusto nya kung magkakaroon sya ng anak,galing sa sarili nyang sinapupunan,at hindi galing sa iba.Hindi kasi sila pwedeng magkaroon ng anak ni Tito Daniel dahil sa baog ito at hindi sya kayang bigyan ng anak.
Pero sa bandang huli naawa din naman sya sakin dahil kapatid naman daw niya ang Daddy ko.Sa kondisyon na "Tita" at "Tito lang ang itatawag ko sa kanila.
Noong una maganda pa ang trato sakin ni Tita Gilyn pero habang tumatagal lumalabas na ang tunay na ugali nya .Hanggang sa isang araw sinabi nya sakin na kung gusto ko pang manatili sa bahay nila ay maging KATULONG nila ko.Kahit labag sa loob ni Tito Daniel ang gagawin pang-aalila sakin sinunod naman nya ang gustong manyari ni Tita Gilyn.Dahil hanggang ngayon sa kanya parin sinisisi ni Tita kung bakit hindi sila magkakaanak.Mabuti na nga lang at mabait si Tito kaya hindi niya iniiwanan si Tita kahit parang anak sya ni Santanas sa sama ng ugali.Kung ako siguro si Tito Daniel ,matagal ko nang iniwanan si Tita Gilyn mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa makasama naman ang tulad ni Tita.Kaya lang wala daw syang magagawa dahil mahal na mahal nya si Tita.Kahit gaano pa kademonita ito.
Sa araw-araw na kasama ko sa bahay si Tita Gilyn nasanay na din ako sa ugali nya.Sa sigaw nya at sa masasakit na salitang lumalabas sa bibig nya.
Ang tawag pa nga nya sakin ay "PANGIT".Kasi daw yun ang bagay na pangalan ko.Dahil sa makapal kong suot na reading glass,sa maputla kong labi,sa dry skin ko at sa buhaghag kong buhok na para daw sa mangkukulam.
Kung sa bahay tawag sakin ay "PANGIT" sa school naman ang tawag sakin ay "MANGKUKULAM"
Bakit ito ang tinawag sakin????
Ganito kasi yun...
Once upon a time...
Ay mali pala!
Hindi dapat mala-fairytale ang pagkwe-kwento ko sa inyo dahil hindi naman happy ending ang nanyari.
Dapat ganito ang umpisa ko...
Sa hindi inaasahang pagkakataon nakakilala ako ng isang PAASA na lalaki!
Tandang-tanda ko pa noon...
flashback...
Naglalakad ako sa may hallway ng school namin.
2nd year high school na ko at kasalukuyan first honor kaya palaging may hawak akong libro.Ayoko kasing mawala ang scholar ko.Kundi mayayari ako sa Tita Gilyn ko.Baka hindi na ko pag-aralin nun kapag ibinagsak ko pa ang scholarship ko.
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..