"ANO???!!!" malakas na sabi ni Katelyn na halos mapatid na ang ugat nya sa leeg.Sabay pabagsak na lapag ng kanyang kamay sa table dito sa park ng school namin.
Nawindang naman ako sa naging reaksyon nya kaya nalukos ko ang papel na pinagsusulatan ko ng reviewer namin.Dala ng gulat.Kinukwento ko kasi sa kanya ang nanyari sa cellphone ko kahapon.
"Pwede bang magrelax ka lang Katelyn,pinagtitinginan na tayo eh." mahina kong sabi sa kanya.
"Ano ngayon kung tumingin sila dito.Bakit artista ba tayo para pagtinginan nila?Hindi naman diba!" sabay tingin nya sa mga estudyanteng kanina pa nakatingin samin.
"Anong tini-tingin tingin niyo dyan?!May problema ba tayo?" malditang sabi nya sa mga nakatingin samin.At mukhang natauhan naman sila.At pinagpatuloy ang kanya-kanya nilang ginagawa.
"Katelyn naman."saway ko sa kanya.
"Katelyn ka dyan.Alam mo Bea kailan ka ba matututo na lumaban sa kanila.Matalino ka pero hindi mo naman ginagamit.Dapat iyan talino mo ang maging alas mo sa buhay.Wag kang pumayag na magpaapi sa kanila.Hindi sila ang magmumukhang kawawa,IKAW BEA!"
"Anong magagawa ko eh Pangit naman talaga ako."
"Ilan milyon beses ko bang uulit-ulitin sayo na hindi ka pangit.Teka nga!" sabay kuha nya ng reading glass ko.
"T-teka anong ginagawa mo?" apela ko sa kanya pero tinago nya lang sa bag nya yun salamin ko.
"Yan ba ang sinasabi nilang PANGIT.ayusan ka nga lang ng konti.Isa kanang ganap na DYOSA."
"Akin na nga yun salamin ko wala kong makita eh." sabay balik nya ng salamin ko.
"Alam mo Bea nun umulan siguro ng self-confidence tulog na tulog ka." asar sakin ni Katelyn.
"Dapat sayo inuuntog sa pader ng magising ka sa katotohanan na MAGANDA KA AT HINDI PANGIT.PSH!Akin na nga yun chips nagugutom lang ako sayo." sabi pa nya.Sabay agaw ng chips sakin.
"Ikaw kasi kahit anong pagpapa-pangit mo maganda ka padin.Samantalang ako baka pagkamalan na talaga kong mangkukulam."
"Gusto mo imake over kita?" aya sakin ni Katelyn.
"Make over?"
"Oo!make over pati ba naman yun hindi mo na alam?first honor ka hindi mo alam ang salitang yun.Nasan na ba yun talino mo napunta nasa talampakan mo."sabay tampal nya sa noo.
"Syempre alam ko yun.Pero bakit mo naman ako imamake over?"
"Ito slow.Malamang para malaman mo na maganda ka at hindi pangit."
"Salamat nalang sa offer Katelyn pero kontento na ko sa itsura kong to."
"At kontento kanang inaasar ka nila na PANGIT." dagdag pa nya.
"Ah basta."at tsaka itinuon ko na lang ang aking sarili sa pagsusulat ng reviewer namin.
"Bahala ka nga.Kung iyan ang gusto mo maging FOREVER PANGET.edi!fine." saglit na tinignan ko sya habang nagpatuloy na lang sya sa pagkain ng chips.Napailing na lamang ako sa mga sinabi nya.
***
"Ano ba yan!!!bakit ngayon pa kasi umulan kung kailan pauwi na ko." kaya mabilis na sumilong ako sa isang waiting shades na malapit sa kinatatayuan ko.Nataon pa kasi na hindi ako nakapagdala ng payong.Iyan tuloy bukod sa basang-basa na ko,basa narin pati bag ko.
Pagkasilong ko napansin ko na ako lang ang taong nandito.Lahat kasi ng mga dumadaan may dalang mga payong.Ako lang ata ang wala.
Bigla naman tumugtog ang malaking speaker na katabi ko.Na saglit na kinagulat ko.
Pero hindi nagtagal natuwa ako sa kanta kasi ito yun theme song na paborito kong pinapanuod na koreanovela.Yun Hi-School Love On.
Inlove na inlove ako sa lovestory nila Macy at Mikey plus the fact na bagay na bagay sila.Nakakakilig!
Napansin kong hindi padin tumitila ang ulan at lalo pa itong lumalakas.
Isinahod ko ang kaliwang kamay ko sa tumutulong tubig na nagmumula sa bubong ng shades na ito.
Bakit kaya ganun,nakakainis kapag umuulan?
Bigla naman akong nagulat sa tumabi sakin.May payong naman sya pero sumilong pa sya dito.Baka nagustuhan nya din yun kanta.
Pagtingin ko sa katabi ko.
Hala!
"C-coby?"nauutal kong sabi.Bigla naman syang napatingin sakin.
"Bakit alam mo ang pangalan ko?Are you stalking me?" nakangiting sabi nya sakin sabay iling.
"Huh?ako stalker mo?ASA!"
"Eh bakit mo alam ang pangalan ko?"
paano nga ba?
"Sa bestfriend ko."
"So stalker ko nga ikaw?"
"HINDI NO!Nabanggit lang ng bestfriend ko yun name mo tapos stalker kagad."
"Here.Take this." sabay abot nya ng payong nya."
"Ano yan?" naramdaman kong pipilosopohin na naman nya ko kaya inunahan ko na sya.
"Alam kong payong iyan pero anong gagawin ko dyan?" sabi ko pa sa kanya.Na naging dahilan ng pagtawa nya.
"Alam mo naman pala eh.Syempre ano pa bang ginagawa sa payong edi para hindi ka mabasa." adik ata itong lalaking to!ang lakas mag-alaskador sakin.
"P-paano ka?"
"I have my jacket."
"Tingin mo hindi ka mababasa kapag yan lang ang ginamit mo.Anong tingin mo sa sarili mo "GABI" hindi nababasa."
"Tsk!ang daldal mo.I said use this ng makauwi kana."
"P-pero." kinuha nya ang kamay ko at tsaka ipinahawak sakin yun payong.
Itinalukbong naman nya ang hood nya sa ulo nya at tsaka umalis.
"S-salamat." habol kong sabi sa kanya.
Bakit pagkailangan ko ng tulong nandyan sya.
Ang gulo!
Pero salamat dito sa payong nya.Makakauwi na ko.Baka paghinintay ko pang tumila ang ulan kinabukasan pa ko makauwi sa mansyon.
Baka mapalayas pa ko ng wala sa oras ni Tita Gilyn.
Kaya binuksan ko na ang payong na pinahiram sa akin ni Coby.At tsaka nagsimulang nang maglakad pauwi.
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..