Paasa #3

41 3 0
                                    

Maingat na binuksan ko ang malaking pinto ng mansyon nila Tita Gilyn dahil kapag nalaman niya na ginabi ako ng uwi.Tiyak na magbubunganga na naman iyon sa akin.

Nang mabuksan ko na ito ay dahan-dahan pumasok ako sa loob ng mansyon.At maingat ko rin isinarado ang pinto.

Pagharap ko...

"Ay multo!" bumulaga lang naman sakin ang mukha ni Tita Gilyn na naka-facial mask.Siguro ay nagpapahinga na ito kaya ganito na naman ang itsura nya.

"Sino ang multo BEATRIX?!" masungit nyang sabi.At pinandilatan ako ng mata.

"A-ah w-wala p-po yun.hehehe." kabado kong sagot sa kanya.

"Alam mo ba kung anong oras na?"
sabay tingin ko sa wristwatch ko.

"8pm na po."

"Aba't sumasagot-sagot kanang PANGIT KA!" nagtanong kasi sya kaya natural sasagutin ko sya.Tapos ako pa ang mali.

"Aray!aray po Tita Gilyn." paano ba naman kasi piningot nya ko sa kaliwang tenga ko na naging dahilan ng pag-aray ko.

"Nagiging pilosopo kana ah.Iyan ba ang natutunan mo sa labas.Mali talaga na pag-aralin ka namin ng Tito Daniel mo.Tignan mo yun pag-uugali mo KASING PANGIT MO NA!" bulyaw sakin ni Tita Gilyn.

Sa totoo lang nasasaktan na ko sa mga sinasabi nya sakin pero hindi naman ako pwedeng umalis dito sa mansyon nila dahil kahit papaano ay malaki ang utang na loob ko sa kanilang mag-asawa.

"S-sorry po Tita Gilyn sob* sob* sob*" paghihingi ko ng tawad sa kanya kahit wala naman akong nagawang mali sa kanya.

"AY!mahabagin Dios!anong nanyari dito Gilyn."

"Inay Eya sob* sob* sob* "tawag ko sa kanya ng makalapit sya sa pwesto ko at kaagad na niyakap nya ako.

"Ano ba kasi ang nanyari dito Gilyn?" alalang tanong ulit ni Inay Eya.Hindi niya tinatawag  na "Mam o Madam" si Tita Gilyn dahil simula baby pa si Tita ay sya na ang nag-alaga dito.

"Pagsabihan niyo iyan pilosopo nyong anak-anakan wala nang ginawang tama dito sa pamamahay ko.Kaya minamalas ang bahay na ito dahil sa PANGIT NA YAN!" sabay duro niya sakin.

"Gilyn!kung makapagsalita ka parang hindi mo ito anak."

"Anak?huh!sinasabi nyo po bang anak ko ang Pangit na yan.Eh hindi nga iyan nanggaling sakin.Pati kung sya ang magiging anak ko baka itakwil ko pa yan." sarkastikong sagot ni Tita Gilyn.Ang sakit nya talagang magsalita lalo na pagdating sa akin.

"Bakit ganyan ka ba magsalita sa bata?porket hindi ka lang mabigyan ng anak ng asawa mo pati sarili mong pamangkin tinatakwil mo na.Kaya siguro hindi ka binigyan ng anak kasi ayaw ng Dios na maging isang INA KA!dahil sa sama ng ugali mo.Tara na nga Beatrix." sabay akay sakin ni Inay Eya papuntang kwarto ko.

Habang si Tita naiwan nakatayo at natigilan sa mga nasabi sa kanya ni Inay Eya.

***

"Ano ba ang nanyari Beatrix at ganun na lang ang galit sayo ng Tita Gilyn mo ngayon?" tanong sakin ni Inay Eya habang hinahaplos-haplos nya ang buhok ko.At nakaupo sa gilid ng kama katabi ko.

Natigil na din ako sa pag-iyak.

"Ano po kasi nalate lang po ako ng uwi galing school.Natraffic po kasi ako kaya ganitong oras na po ako nakauwi." nakatungo kong sagot sa kanya.

"Natraffic ka lang naman pala.Pero kung makapag-react sya parang isang taon kang hindi nakauwi dito."

"Ganyan po ba talaga si Tita Gilyn?" tanong ko kay Inay Eya.

"Ewan ko ba Beatrix.Nun bata pa ang Tita Gilyn mo hindi ganyan ang ugali nya.Sobrang bait at sobrang mapagbigay ng Tita mo.Ngayon na lang sya nagbago.Siguro dahil hindi sya napagkaloooban ng anak kaya naging ganyan ang ugali nya.Basta Beatrix pagpasensyahan mo na ang Tita Gilyn mo kung napagtataasan ka nya ng boses." mahabang sabi sakin ni Inay Eya.

"Pinagpapasensyahan ko naman po sya lagi Inay Eya.Kaya lang madalas nasasaktan na ko sa mga sinasabi nya."

"Halika nga dito Beatrix." sabay yakap sakin ni Inay Eya.

"Babait din ang Tita Gilyn mo sayo.Maghintay ka lang." at kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.

"Sige na anak matulog ka na maaga pa ang pasok mo bukas." at pinatay na nya ang ilaw ng kwarto ko.At tsaka lumabas.

Nahiga na din ako sa kama ko.At tinignan ang family picture namin nila Mom and Dad na nakalagay sa side table ko.

Kung nabubuhay sana sila siguro hindi ko dadanasin ang ganitong buhay.Masaya sana kami.

Sa totoo lang tulad nila Tita Gilyn mayaman din kami kaya lang ng mamatay sila Mom and Dad napunta naman kila Tita Gilyn ang lahat ng mana na dapat ay sa akin.

Hinayaan ko na lang ito.Katwiran ko aanhin ko pa ang kayamanan na mamamana ko kung ako na lang ang mag-isa.Wala na sila Mom and Dad.

Unti-unti kong pinikit ang mata ko at sabay patak ng aking luha.Sana dumating ang araw na maging masaya din ako.Tulad ng nararanasan ng mga teenager na kagaya ko.

Paasa ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon