"Ano ba yan!bakit ba kasi sobrang laki nitong school namin?!Tapos ang layo-layo pa ng building ng 4th year.Malalate na ko !" sabi ko sa sarili ko habang patakbong binabagtas ang daan papuntanng building namin.
Nang bigla na lang akong matalisod na naging sanhi ng pagkadapa ko at pagkahulog ng lahat ng hawak kong mga libro.
"Ano ba yan PANGIT NA NGA! LAMPA PA!" hindi ko pinansin ang lalaking nagsalita.Ni hindi ko din pinag-aksayahan pang lingunin sya.Sanay na ko na tampulan ako ng tukso dito sa school ko kaya hindi na din ito iba sakin.Sa halip na makipagsagutan pa sa kanya pinulot ko na lang ang mga libro na nahulog ko.
"Hindi ka makapagsalita kasi totoo.Tapos ano iiyak-iyak ka na lang dyan hindi ka man lang sasagot sakin." Oo!halos maluha-luha na nga ako sa mga sinasabi nya.Kahit naman immune na ko sa pambubully nila hindi ko padin maiwasan na masaktan.Bakit kasi kailangan pa nilang ipamukha sakin na PANGIT AKO?!Alam ko naman sa sarili ko na ganito ang itsura ko.Sana wag na lang nilang ulit-ulitin pa sakin.
Hinarap ko ang lalaking kanina pa ko binubwisit...
At shemay ang gwapo nya pala kaya lang napaka-DEMONITO ng ugali."OO!PANGIT AKO.TANGGAP KO NAMAN YUN EH.HINDI MO NA KAILANGAN PANG IPAMUKHA SAKIN.KASI KAHIT PANGIT AKO,NASASAKTAN DIN NAMAN AKO!"pabulyaw kong sabi sa kanya at tsaka umiyak na parang bata.
Tinignan ko ulit sya na para bang natigilan sa mga sinabi ko.At bigla na lang akong nagulat sa sumunod niyang ginawa.
"Here." sabay abot nya ng panyo sakin.
"Ano yan?"takhang tanong ko.
"Handkerchief." tipid na sagot nya.
"Alam kong handkerchief iyan.Oo!Pangit ako pero hindi naman ako TANGA para hindi malaman na panyo iyan hawak mo." bigla naman syang napatawa.Adik ata tong lalaking toh!
"Alam mo naman pala eh.Pero alam mo bang ginagamit ito para pampunas dyan sa mga luha mo."
"Huh?"
"Take this.Bilis!.Nangangalay na ko." napaka-demanding naman nito.Siya na nga itong nagpaiyak sakin sya pa ang may ganang mag-utos na kunin ko yun panyo nya.
Kaya kinuha ko na lang at ipinahid sa pisngi ko na may luha.Nakita kong napangiti sya at sabay alis.Problema nun?!
Habol tingin ko naman syang tinignan.Hindi ko alam pero parang nababaitan pa ko sa kanya.
"Bea!what happened?" alalang tanong sakin ni Katelyn ang certified bff ko nang makalapit sakin.Tinulungan niya kong magpulot ng mga nahulog kong libro.
"Ah wala toh."
"Wala ka dyan.Tell me,binully ka na naman ba?"mataray niyang sabi sakin.
At muli ko ulit tinignan ang lalaking nakasagutan ko kanina.Na ngayon ay nasa malayo na.
"Sya ba?" taas kilay na sabi sakin ni Katelyn.
"Huh?"
"Sabi ko sya ba ang nagpaiyak sayo?"
"O-oo." tipid kong sabi sa kanya.
"Sabi na eh!isa pang salot sa lipunan iyan si Coby!"sabay tampal sa noo nya.Ang cute-cute nya talagang magreact para syang korean doll.
"Coby?"
"Oo!sya si Coby Benj Madrigal.Ang Unico iho ng isa sa mga kilalang business tycoon dito sa Pilipinas at ang susunod na tigapagmana ng MADRIGAL CLAN.Hindi mo ba sya kilala?" sa dami ba naman ng mayayamang estudyante dito sa Allison Academy mapapansin ko pa ba siya.
"Hindi."
"Seryoso?kilalang kilala kaya sya dito sa school natin.Batchmates din natin sya.Super pogi na at super hottie guy pa..Plus the fact na sobrang talino pa nya."kwento sakin ni Katelyn na halata mo naman kinikilig habang nagkwe-kwento.
"Kung matalino talaga sya bakit ako parin ang nangunguna sa batch natin?"
"Sa dami nya kasing absences kaya inilagay na lang sya sa section 2.Isa pa marami ang ilap sa kanya dito kasi nga napakamisteryoso nyang lalaki.Minsan lang sya makipag-usap.Ang swerte mo nga nagkaroon ka pa ng chance na makausap siya."
"Swerte pa sa tingin mo yun ginawa nya sakin.Eh halos mangiyak-ngiyak na nga ko sa mga sinabi niya kanina sakin." kahit kailan talaga itong si Katelyn basta gwapo approved sa kanya lahat ng ginagawa nila kahit pa mali na.
"Sorry na Bea.Pati 2nd honor kaya natin sya.Dont tell me hindi mo din alam yun?"
"Hindi din."
"Bea naman oh,minsan nga bumaba ka ng bundok para updated ka.Palibhasa kasi ang lagi mo lang tinitignan sa honorlist ay kung sino ang nag no.1."
magsasalita pa sana ko ng mapansin ko ang wristwatch ko.
"Gosh!malalate na tayo Katelyn."nakita ko kasing 3 mins. na lang bago magsimula ang aming klase.
"Ang daldal mo kasi Bea iyan tuloy magmamarathon na naman tayo." sabi nya sabay kaladkad sakin patakbo sa building namin.
"Anong ako?ikaw nga tong naunang magsalita.Tapos ako pa ang sisisihin mo.Tsk!." apela ko naman sa kanya.Habang tumatakbo kami.Payatot na nga ako mas lalo pa kong papayat sa ginagawa namin.
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..