Kanina ko pa tinititigan ang cocktail dress na nakahanger sa gilid ng kama ko na ibinigay sakin ni Coby kahapon.
Iniisip ko padin kung ano bang trip niya at binigyan niya ko nito.At may katerno pa itong sapatos na hindi naman katangkaran ang takong.Sakto lang para sakin.
Mamayang gabi nadin ang birthday party ni Katelyn at ang malaking problema ko ay kung papayagan ba ko ni Tita Gilyn na umattend dito.
Kasi naman 99.9% ang tyansa na hindi ako payagan nya at tanging .1% lang ang may pag-asang papayagan niya ko.
Pero inaasahan ako ni Katelyn na pupunta ako sa party nya.
Ano ba kasing dapat kong gawin?bigyan nyo naman po ako ng sign .Please!
Para naman akong ewan!umaasa sa sign.Kamalayan ba ng sign na iyan kung papayagan ako o hindi.Baka matakot pa yun sign kay Tita Gilyn.
Kaya napabuntong hininga na lang ako.
Hayy!
"Anong ini-emote emote mo dyan,Pangit?" bigla naman akong nagtaas ng tingin at laking gulat ko nang sya ang makita ko.
"T-tita G-gilyn?" nauutal kong sabi sa kanya.
"Oh!bakit parang nakakita ka naman dyan ng multo?" masungit nyang sabi sakin.
"Nagulat lang po ako na nandito po kayo sa kwarto ko.Paano po kayo nakapasok dito?"
Hindi ko kasi namalayan na bumukas yun pinto."Tanga ka ba?malamang sa pintuan ng kwarto mo.Alangan naman sa bintana edi napagkamalan mo pa kong magnanakaw.Isip nga Beatrix,nasa talampakan na naman ba yan!" masungit nyang sabi sakin.
"Sorry po."sabi ko naman sa kanya.
"Ano iyan hawak mo?"tanong nya sa skyblue na envelope na hawak ko.Ito yun birthday invitation para sa party mamaya.
"A-ah eh..." sasabihin ko na ba?
Paano pag di nya ako pinayagan?
Think positive lang Bea..
"Akin na nga yan!." sabay hablot nya ng invitation at binasa nya ito.
"18th Birthday..Miss Katelyn Gail Torres...July 2 at Torres Hotel." basa nya sa invitation letter.
"M-magpapaalam po s-sana ako sa i-inyo ...na kung p-pwede po...payagan nyo po akong m-makaattend sa p-party ng b-bestfriend ko po."pautal-utal kong sabi sa kanya.Kinakabahan kasi ako .Kapag kasi nagpapaalam ako kay Tita madalas hindi nya ako pinapayagan.
"Edi pumunta ka." sabi nya habang nakatingin parin sa invitation letter.
"Po?"
"Bingi ka ba?o sadyang hindi ka lang naglilinis ng tainga mo.Ang sabi ko pumunta ka." tinapunan nya ko ng tingin at ibinalik nya sakin ulit yun invitation letter na hawak nya.
"Talaga po?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.
sa halip na sumagot ay inilabas nya ang wallet nya.
"Oh ito pamasahe mo hindi ka mahahatid ng Tito Daniel mo dahil nasa trabaho pa sya.Mag-taxi ka nalang." sabay abot nya sakin ng 2k.
Si Tita Gilyn ba toh?
o
"may sapi po ba kayo?" nagulat naman ako sa nasabi ko sa kanya.
"Anong sabi mo?" buti nalang hindi nya ko narinig kundi baka itali na lang nya ko dito at hindi na papuntahin sa party.
"Sabi ko po salamat po dito Tita Gilyn." tinanguan nya lang ako.At nang makita ko sya na akmang bubuksan na ang pinto.Pumunta ako sa harap nya at niyakap ko sya.
"S-salamat po Tita alam ko naman po na mabait po talaga kayo."sabi ko habang nakayakap parin ako sa kanya.
"T-teka nga!Ang drama,pwede bang umalis ka sa harapan ko." sabi nya sabay alis nya ng kamay ko sa bewang nya.
"May payakap-yakap ka pang nalalaman.Makaalis na nga!" sabi nya at sabay bukas nya ng pinto ng kwarto ko.
Muli syang tumigil at humarap sakin.
"Nakalimutan ko pala." parang kinabahan naman ako sa susunod nyang sasabihin.
"Huwag ka nang mag-ayos.Kasi kahit na mag-ayos ka pa wala kanang igaganda.Pangit ka padin." at sabay sarado nya ng pintuan.
Ako naman naiwan natigilan sa mga sinabi nya.
Kahit kailan talaga si Tita Gilyn lang ang may kayang magmaldita sakin ng ganito.
Pero hayaan na nga lang atleast ngayon alam ko na ...
Na makakapunta talaga ako sa birthday party ni Katelyn.
At dali-dali kong kinuha yun cocktail dress na nakasabit sa gilid ng cabinet ko.
At pumasok sa loob ng banyo.This is it na!
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..