"Talaga???!!!Hindi kaya sya na ang The One mo.Tapos Guardian Angel mo pa.Malay mo destiny talaga kayo para sa isa't-isa.Kilig ako!" sabi ni Katelyn habang naglalakad kami papunta sa room namin.
Kanina pa nya ko inaasar kay Coby.Sana pala hindi na lang ako nagkwento sa kanya tungkol sa nanyari sakin kahapon nang hindi nagpapantasya tong katabi ko na kanina pa kinikilig.
"Psh!tumigil ka nga dyan.Hindi nga kami friends eh .Isa pa wala nga kaming formal na pagpapakilala sa isa't-isa."
"Ano ka ba?!hindi na uso yun sa panahon ngayon."
"Kailangan parin nun noh.Tara na nga bago ka pa matuluyan mabaliw dyan."
"Ay!panira naman to." inis na sabi nya.
Hihilahin ko na sana sya nang biglang sumulpot sa harapan namin ang 3 K Girls.Na binubuo syempre ng tatlong tao.Alangan naman apat edi F4 na yun.
Bakit sila tinawag na "K Girls"?
Simple lang dahil lahat ng first letter ng first name nila nag-uumpisa lahat sa letter "K".
👸Khiara Selena Gonzales-ang leader
ng K Girls.Sya lang naman ang binansagan na QUEEN BEE sa school namin.At kung hindi mo sya kilala.Aakalain mo na mala-anghel ang pag-uugali nya.But once na nagsalita na sya baka sabihin mo na lang, sana hindi ka na lang nakipag-usap pa sa kanya.Only child lang sya ng parents nya kaya lahat ng gusto nya nakukuha nya.In short BRATINELLA din sya.Sya din ang susunod na tagapagmana ng GONZALES GROUP OF COMPANY isa sa mga sikat na business firm dito sa Pilipinas.👸Kesya Shae Perez-sya naman ang THE FAMOUS BITCH dahil sa angkin nitong ganda na marami ang nahuhumaling na mga lalaki sa kanya.Kung si Khiara bitchy bitch,sya naman medyo mild lang.Minsan mabait pero kadalasan maldita.At kung nakamamatay lang ang pag-irap siguro matagal na kong sumakabilang buhay.Dahil tuwing kakausapin mo sya hindi mawawala ang pag-irap nya sayo.Hindi ko nga alam kung nahipan ba sya ng masamang hangin kaya irap sya ng irap.Resorts and Casino naman ang business ng family nila.Kaya kagaya ni Khiara nakukuha nya din lahat ng gugustuhin nya.
👸Kristen Yani Lovato-THE SILENT BITCH.Sobrang tahimik lang nya.Titignan ka lamang nya pagkatapos mag-iiwas ng tingin pag napansin nyang tumingin ka sa kanya.Sa kanya lang ako walang info.Ang totoo nyan dati si Khiara at Kesya lang ang members ng "K Girls" pero bigla na lang dumating si Kristen.At BOOM!sya na ang newest member nila.
"Gawin mo to!" utos ni Khiara sakin sabay pakita ng notebook nya.
"Ano yan?" takhang sabi ko naman sa kanya.
"Engot ka ba!gawin mo itong assignment ko Mangkukulam."
"Hoy!hoy!at isa pang HOY! Sino ka para utusan ang Bestfriend ko?"sabat naman samin ni Katelyn.
"Psh!At nakahanap ka pa pala ng kakampi.San kangkungan mo naman ito nahanap?" malditang sabi nya sakin.
"Aba't sumusobra ka nang babae ka.Grrrrr!" sasabunutan na sana ni Katelyn si Khiara buti na lang naawat ko sya.
"Katelyn tama na yan."awat na sabi ko sa kanya.
"So?anong gagawin ko magpapaapi ako sa letse plan na yan.Nanggigigil na ko dyan sa babaeng iyan.Sumusobra na sya."pigil na inis ni Katelyn.
"Hayaan na lang natin sya."sabi ko naman sa kanya.
"Ayun naman pala,hindi mo ba narinig Katelyn.Hayaan mo na lang daw sya na gawin ang assignment ko."asar naman ni Khiara kay Katelyn.
"Akala ko ba matalino ka?" sa tingin ko mukhang hindi papatalo itong si Katelyn.
"O-oo matalino ko.Bakit?may problema ka!huh!" mataray na sabi nya.
"Kung matalino ka,bakit nagpapagawa ka ng assignment.Psh!"
"E sa tinatamad ako.Anong magagawa mo?"
"Sows!tinatamad daw.Bakit hindi mo pagawa dyan sa mga alipores mo?" sabay turo nya kila Kesya at Kristen.Kahit kailan talaga itong si Katelyn ayaw nadadaigan.
"S-sa tinatamad din sila.Ano bang PAKE MO!"
"Tinatamad o wala lang talaga kayong masagot?Lumang tugtugin na iyan Khiara.Minsan baba ka ng bundok para updated ka." ang lakas talagang mang-alaska nitong si Katelyn.Gusto ko nang tumawa pero pinipigil ko lang.
"Che!kung ayaw mong gawin.EDI WAG!dyan na nga kayo.GIRLS!" tawag nya kila Kesya at Kristen.Sabay walkout nya at sumunod naman sila Kesya at Kristen sa kanya.
"Hahahahahahaha." tawa ko nang makalayo sila samin.
"Hala sya!nabaliw kana ba Bea?At kung makatawa ka dyan parang huling araw mo na sa mundo."
"Natatawa lang kasi ako,lagi mo na lang kasing pinagtitripan yun tatlong classmates natin na yun."
"Psh!bagay lang naman sa kanila yun.Ang sasama ng ugali nila.At ikaw naman kailan ka pa matututo na lumaban sa kanila.Kailan?kapag end of the world na."sarkastiko nyang sabi sakin.
"Hindi lang kasi ako katulad mo na palaban."
"Asus!ang sabihin mo lang ayaw mo lang matanggal yun scholarship mo kaya nagpapaka-santasantita ka sa mga yun."
"Alam mo naman pala eh.Tsaka ayoko pati ng gulo."
"Alam mo balang araw mauuntog ka din sa katotohanan na hindi sa lahat ng oras magpapa-api tayo.Minsan kailangan din natin lumaban.Dahil ayun ang tama."at nagsimula na syang maglakad.
"Uyy saan ka pupunta?" tawag ko naman sa kanya.
"Papasok.Bakit gusto mo bang takbuhin ang buong field?Pwes!ako ayoko,kaya habang hindi pa time bibilisan ko na ang pagpunta sa room natin."
"Wait mo ko!Katelyn!" at hinabol ko naman sya.Ang bilis nya kasing maglakad.
Para sakin,ang swerte ko dahil nakakilala ako ng isang bestfriend na tulad ni Katelyn na palaging nandyan at hindi nang-iiwan.Sapat na sakin na may isang kaibigan ako na tapat at totoo.
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
Lãng mạnCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..