Ano kayang isusuot ko sa birthday party bukas ni Katelyn???
Kanina pa ko wala sa sariling naglalakad palabas ng campus namin.
Iniisip ko kasi kung ano ang susuotin ko sa party ni Katelyn,wala naman akong pera pambili ng dress.Isa pa yun mga damit ko sa bahay puro pang-alis lang.Hindi pang-party.
Uwian na at hindi nakapasok si Katelyn sa last class namin dahil abala na sya sa pag-oorganize ng party nya para bukas.Kaya wala tuloy akong kasama pauwi.
cellphone vibrate...
bigla naman nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng paldang suot ko.Kaya mabilis ko itong kinuha.
"Sino kayang nagtext sakin?" sabi ko sa sarili ko habang chine-check ko kung sino ang nagtext.
To:093647*****
Meet me at the rooftop may ibibigay ako sayo.
-CobyANO???Totoo bang si Coby ang nagtext sakin.Baka naman hindi sya to at nantitrip lang.
Pupunta ba ko?
o
Hindi
nagvibrate ulit ang phone ko.
Huwag mo kong paghintayin dito.
And Yes I'm Coby.
-EndSo sya nga ito.
May lahi ba syang manghuhula?
Nahulaan nya kasi yun nasa isip ko.Bakit kaya nya ko pinapapunta dun?
Pati ano kaya ang ibibigay nya sakin?
Isa pa...
Paano nya nalaman yun number ko.
nagvibrate ulit ang phone ko.
Pagtingin ko sya ulit.
Remember,nun dinala kita sa ospital
Pinakialaman ko yun phone mo.
So I got your number.
Kaya pwede ba pumunta kana dito.
-EndShemay!mindreader ba sya?!
Kaya dali-dali akong pumunta sa rooftop ng 4th year building para puntahan sya.
At pagbukas ko ng pintuan ng rooftop.
"Bakit ang tagal mo?!!" iritang sabi nya sakin.
"Sorry ah.Hindi naman kasi ako si Flash para makarating kagad dito."sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Psh!here." tapos may inaabot sya sakin na paperbag.
"Ano toh?" at kinuha ko naman.
"Wear that on Katelyn's party." sabi nya na kinagulat ko.
"Huh?" naguguluhan kong sabi sa kanya.Bakit nya naman kasi ako bibigyan nito.Anong dahilan?
"Huwag ka nang maraming tanong dyan.Basta suotin mo na lang yan sa party."
"P-paano mo nalaman na wala akong masusuot sa party ni Katelyn?" takhang tanong ko sa kanya.Hanggang ngayon naguguluhan parin ako.
"Because I'm your guardian angel.right?"sabay kindat nya sakin.
"P-pupunta ka din ba bukas?"tanong ko naman sa kanya.
"Obviously yes,It's a grand birthday party for the heir of Torres Hotels and Restaurants .Meaning to say bigatin ang mga guest dun.At lahat ng kilalang business tycoons ay nandun sa party." sabi nya sakin.
"Ano?so ibig sabihin bongga talaga ang party ni Katelyn.Parang ayoko nang pumunta dun,hindi ata ako bagay sa party nya."naisip ko kasi na hindi ako bagay sa party ni Katelyn dahil silang lahat mayayaman samantalang ako isang dukha lang.
"Tsk!kaya nga binigyan kita ng susuotin mo para magmukha kang disente.And besides,birthday party yun ng bestfriend mo.Isa ka sa mga inaasahan nyang pumunta dun bukas."At nagsimula na syang maglakad papunta sa pintuan ng rooftop.
"Mauna na ko sayo." paalam nya sakin.
"S-salamat dito Coby." tinignan nya ko at nginitian.
"See you tomorrow Bea." at pumasok na sya sa loob para bumaba ng 4th year building.
Bea?
Bago yun ah.
Ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko.
Kadalasan kasi "PANGIT" ang tawag nya sakin.
Para naman biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Kailangan ko na talagang magpa-check up.
Baka may sakit na ko sa puso,hindi ko pa alam.
----------------------
I dedicate this chapter to @naejiram02 .
She celebrate her birthday this day 🎊🎉🎈HAPPY BIRTHDAY BABY GIRL!
from your Unni Kim 😘Dated: June 2,2016
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..