Paasa #4

29 4 0
                                    

tot* tot* tot*

tunog ng nokia 3310 kong cellphone.
Kung sa iba basura na ang tingin dito.Dahil sa modern technology na at madami nang lumalabas na bagong style ng phones .At halos lahat ay nakatouch screen na ang gamit na phones.Ibahin nyo ko kasi kahit ganito ang phone ko nagagamit ko parin itong pantext.

Kung dati nga halos paghirapan pa ng mga taong bilhin to dahil sa mahal ang presyo nito sa market.Ngayon kapag may gumagamit nito sa public places halos itago na nila ito sa bag nila sa hiya nila sa mga tao.Bakit sila mahihiya?buti nga may phone pa silang nagagamit.Yun iba nga dyan as in WALA silang magamit pantext.

Hi Bea 😢 hindi ako makakapasok ngayon.
Kailangan kasi ni Daddy ng katulong sa company namin.Ingat ka dyan ah.Sabihan mo kagad ako kapag may umaway sayo ah.Byiee 😘
-Katelyn

Kahit kailan talaga itong si Katelyn ako ang laging inaalala.Kaya ko naman ang sarili ko.Kaya ko ba talaga?Medyo lang.

At her age marunong nang magpatakbo ng business si Katelyn.Unlike sa iba na typical teenager na ang alam lang nila ay magshopping at waldasin ang perang pinagpaguran ng parents nila.Ibahin nyo si Katelyn dahil napakakuripot nya pagdating sa pera.Katwiran nya hindi habang buhay madami kayong pera.Nauubos din ito kaya dapat gamitin sa TAMA.

Nagsimula na kong maglakad.Habang hawak-hawak ko parin ang phone ko nang biglang may umagaw nito.

"Yuck!nokia 3310.Such an old-style.Ganito pala ang gamit ng mga MANGKUKULAM.hahahaha." sabi ni Lucas isa sa mga kaklase ko na mahilig mang-asar sakin.

"Akin na iyan!" agaw ko sa kanya pero tinaas nya lang ito para mas lalong hindi ko na maabot.

"Kung ayoko." asar nya sakin.

"Ano ba kasing problema mo?!"

"Ikaw!ikaw ang problema ko!"

"Ako?"

"Oo!kasi bakit ka pa nagpupumilit na makapasok dito sa school .Hindi ka naman bagay dito.ANG PANGIT!PANGIT MO!"nakakapikon na to ah.Ang sarap sapakin kung pwede lang talaga.Kaya lang iniingatan ko ang scholarship ko baka mamaya mawala pa sakin.

Isa ito sa dahilan kung bakit hinahayaan ko silang bullyhin ako kasi anuman oras pwedeng mawala sakin ito dahil sa maimpluwensya ang mga estudyante na nag-aaral dito.At wala akong laban sa kanila.

"Ano ngayon kung pangit ako.Problema ko na yun.Akin na nga sabi iyan!." hindi ko sinasadya na maitulak si Lucas na naging dahilan ng pagkadapa nya.

"S-sorry Lucas hindi ko sinasadya."

"Sorry your face.Ito ba ang iniingat-ingatan mo." sabay pakita ng phone ko na hawak parin nya.

"Ito dapat ang ginagawa dito sinisira.Letse!" tinapak-tapakan nya ang phone ko hanggang sa mabasag ito.

"Sige umiyak ka lang MANGKUKULAM.IYAN ANG BAGAY SAYO!" sabay alis habang ako nakaluhod at umiiyak habang pinupulot ko ang nagkapira-pirasong cellphone ko.Bigay pa naman sakin ito ni Inay Eya tapos nasira pa.

Nang mapulot ko na ito ay tumakbo agad ako sa may rooftop kung saan walang nagpupuntang mga estudyante.

"ANG SASAMA NYO!BAKIT SINO BA KAYO???AKALA NYO PORKET MAYAMAN KAYO KAYA NYO NA ANG LAHAT!!!NAKAKAINIS KAYO!"sigaw ko.At nang matapos ako sa pagsigaw ay hingal na hingal ako.

"What's that noise?" iritang sabi nun boses na narinig ko.

Kaya mabilis na nagpahid ako ng luha.

Paglingon ko sa likod ko.

"Ikaw?" sabi ko.

Yun lalaking nang-asar sakin kahapon.Nandito sya at mukhang naistorbo ko pa ata sya sa pagtulog nya dito.

"Oh Pangit!bakit nag-iingay ka na naman?" inis nyang sabi sakin.

"Naistorbo ba kita?Sorry." sabi ko naman sa kanya.

"Obvious ba?"

"Sorry na nga diba."

"Bakit ka na naman umiiyak?" sabay ayos nya ng pwesto nya sa may bench.

Hindi ako umimik.Sa halip ay nag-iba ako ng direksyon ng tingin.

"Alam mo kung lagi kang ganyan.Mabuti pa wag ka na lang pumasok dito sa school na ito.Dahil kung mahina ang loob mo dito mas binibigyan mo sila ng pagkakataon para apihin ka nila." bigla akong napatingin sa kanya.Hindi ko kasi inaasahan na masasabi nya ito sakin.

"Hindi ko naman sila inaano."

"Wala ka ngang ginagawa pero nakikita naman nila na mahina ka." sagot pa nya.

"Anong gagawin ko?"

"Edi lumaban ka."

"Paano?palibhasa kasi ikaw anak mayaman ka kahit saan pwede kang makapasok.Ako scholar lang dito sa school na ito at kapag nilabanan ko sila maaaring mawala ang scholar ko."

"Hindi ko naman sinabi na literal na makipagbasag ulo ka.Ang sabi ko matuto kang lumaban in a way na depensahan mo ang sarili mo.Akala ko pa naman matalino ka.Psh!"

Bigla kong naalala ang panyo na pinahiram nya sakin kahapon.

"Ito oh."

"Ano iyan?"

"Panyo."

"Pinipilosopo mo ba ko?"

"Hindi.Tinanong mo kasi sakin kung ano ito kaya sinagot kita."

"Ang ibig kong sabihin aanhin ko iyan panyo na iyan?"

"Diba pinahiram mo ito sakin kahapon.Kaya sinasauli ko na ito sayo.Wag kang mag-alala nilabhan ko na iyan."

"Sayo na lang iyan."

"Huh?"

"Bingi ka ba?sabi ko sayo na lang iyan."

"Pero.."

"Gamitin mo na iyan.Palagi ka kasing umiiyak.Hindi mo ba alam mas nagiging PANGIT KA kung palagi kang umiiyak."
sabay tayo nya sa inuupuan nya.

"San ka pupunta?"tanong ko naman sa kanya.

"Maghahanap ng bagong matutulugan.Ang ingay mo kasi." at tsaka sya umalis.

Simpleng napangiti naman ako.
Kahit ganun ang ugali nya.May tinatago din pala syang bait.

"Coby Benj Madrigal" bigkas ko sa pangalan nya nang maisarado na nya ang pinto ng rooftop.

At naiwan ako dito mag-isa habang hawak-hawak ang panyo nya.

Paasa ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon