"Bakit parang malungkot ka yata Beatrix?" alalang tanong sakin ni Tito Daniel nang makalapit sya sakin.
Nandito kasi ako ngayon sa may beranda ng mansyon nila.Nagpapahangin dahil sa nanyari sakin kanina.
"Umiiyak ka ba?" tanong niya ulit sakin.
"Wala po ito Tito Daniel." sabay pahid ng luha sa pisngi ko.
"Kung sa iba maloloko mo na wala lang iyan pag-iyak mo.Sakin hindi uubra iyan."
"K-kasi po Tito Daniel."sabay pakita ko sa kanya ng phone ko na nasira gawa ng Lucas na iyon.
"Fuck!SINONG MAY GAWA NITO?" galit na sabi nya.
"Yun classmate sob* sob* ko po sob* sob*." umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Bakit naman nya ginawa iyan sa phone mo?May nagawa ka ba sa kanya?"
"Wala po."
"Wala naman pala eh.Bakit nya ginawa iyan?"
"Sabi po nya sakin,iyan daw po yun nababagay sakin kasi pangit daw po ako."
"Tsk!tsk!Hindi ka naman pangit.Hindi ka lang talaga marunong mag-ayos ng sarili mo.Pero kapag naayusan ka mas maganda ka pa sa mga kaklase mo."kahit kailan talaga si Tito Daniel parehong-pareho sila ni Inay Eya na pinapataas ang self-esteem ko sa sarili.
"Nambola pa po kayo.Tanggap ko naman po Tito na ganito ang itsura ko.Kaya hinahayaan ko na lang po sila."
"Beatrix matuto ka din lumaban not in a physical way but try to depend yourself to them.Matalino ka ayun ang lamang mo sa kanila."
"Kaya lang po ang inaalala ko po yun.."
"Scholarship mo?"tumango ako bilang sagot sa kanya.
"Beatrix wag mong alalahanin yun scholarship mo sa school na yun.Kung inaalala mong mawawala ang scholar mo dahil dinepensahan mo lang yun sarili mo laban sa mga salbahe mong mga classmates.Nagkakamali ka.Dahil maiintindihan ng namumuno sa school nyo kung bakit mo yun nagawa."
"Paano po si Tita Gilyn,tiyak magagalit po sakin yun kapag nalaman na nakipagsagutan po ako sa mga kaklase ko po."
"Wag mong intindihin si Tita Gilyn mo.Maiintindihan ka din nun.'
"Sana nga po Tito Daniel."
"Here." sabay abot nya sakin ng samsung J1 na phone.
"Ano po iyan Tito?"
"Phone." tipid na sabi nya.Parang may kilala akong ganito din kung makasagot sakin.
"Alam ko pong phone iyan Tito,pero bakit nyo po binibigay sakin iyan?"
"Kasi nasira diba ang phone mo.Kaya paano ka namin macocontact incase na magka-emergency."
"Pero Tito,hindi po ba kalabisan na ito.Pinatuloy nyo na nga po ako sa mansyon nyo ni Tita Gilyn,pinag-aral tapos ngayon po bibigyan nyo pa po ako ng bagong phone."
"Beatrix wag mong kwentahin lahat ng mga binibigay ko sayo.Kasi ginusto ko ito isa pa para ko na din ikaw "Anak".Tanggapin mo na." ang swerte ko talaga na kahit may Tita Gilyn ako na masama ang trato sakin.May Tito Daniel naman ako na sobrang bait sakin,parang kaugali pa nga sya ni Daddy.
"S-salamat po Tito Daniel." sabay kuha ko sa kanya ng phone.
"Wala yun Beatrix.Basta kapag kinuha iyan sayo,ihampas mo kagad yun bag mo sa mukha nila sabay sigaw ng "MAGNANAKAW!"." at sabay kaming nagtawanan ni Tito Daniel.
"Aba't parang nagkakasiyahan ang mag-Tito ah.Pwede ba kong sumali?" biglang sulpot ni Inay Eya.
"Opo naman po Inay Eya ikaw pa po ba.hehe" natatawa kong sabi sa kanya.
Kahit papaano naiibsan ang kalungkutan ko kapag nakakasama ko sila Tito Daniel at Inay Eya.
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..