Paasa #7

37 4 0
                                    

"Jusko pong bata ka.Basang-basa ka Beatrix." alalang sabi sakin ni Inay Eya ng makita nya ko sa sala.

"Pumunta kana sa kwarto mo at magpalit kana.Baka mamaya nyan magkasakit ka pa.Sige na." sinunod ko naman ang utos ni Inay Eya.Habang papunta sa aking kwarto bigla naman akong napatingin sa may hagdan para kasing may nakatingin sakin.

At hindi nga ko nagkamali.Si Tita Gilyn?pero parang iba yun tingin nya sakin.Parang naaawa.Pero baka mali lang ako ng iniisip.Nag iwas sya ng tingin sakin at tsaka pumanik na paitaas.

Pagdating ko sa kwarto ko ay mabilis na naglinis ako ng aking sarili sa banyo at nagpalit din ng damit.

Paglabas ko ng banyo.Umupo muna ko sa aking kama.Ngunit parang nakaramdam ako ng matinding pagod kaya sa halip na lumabas ng kwarto para kumain ay natulog na lamang ako.

***

"Aaaaaching!" bahing ko habang naglalakad papunta ng school.

Kanina kasi paggising ko sobrang sama na ng pakiramdam ko kaya lang kailangan kong pumasok dahil may exam kami sa Statistic.Terror pa naman ang teacher namin dito.

Habang naglalakad ako .

Parang nakaramdam ako ng pagkahilo.Parang umiikot yun paningin ko.

Hanggang sa naging blurred na lang lahat ng nakikita ko sa paligid.

"B-bea wake up." mahinang tapik sakin sa may pisngi ng lalaking nagsalita.Pero hindi ko sya maaninag.

Hanggang sa tuluyan na lang akong nawalan ng malay.

***

Bakit parang puti lahat ng nakikita ko sa paligid???

Nasa langit na ba ako???

Ang alam ko kasi nahimatay lang ako.

Wala naman nanyaring aksidente sakin.

Hindi kaya...

Killer yun lalaking tumulong sakin kanina.Dahil sa PANGIT ako kaya pinatay na lang nya ako.

Kung ganun,ang sama naman nya.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

Shemay!

lahat ng nakikita kong naglalakad mga nakaputi ang suot.

Nasa langit na talaga ako.

Paano na lang ang mga pangarap ko sa buhay.

Hindi ko pa nga nahahanap yun ka-forever ko kinuha nyo na po  kagad ako.

Iyan tuloy namatay ako na "ASSUMERA PARIN".

"Hey!gising kana pala?" t-teka may nagsalita.

Bigla naman akong napatingin sa may gilid ko.

OMYGOD!

"N-nasa langit na ba ako?" ang pogi kasi nun lalaking nasa harapan ko ngayon.Pero parang familiar yun mukha nya.

Parang nagkita na kami sa lupa.

Di bale na nga lang!

Kung sya din lang ang makakasama ko dito sa langit.Why not???.Papayag na po akong manatili na lang dito.

Napangiti naman sya.

"Hindi ka pwede dun.Pangit ka kasi at walang pangit na anghel sa langit." sabi nya sakin habang iiling iling.

Teka!

Parang si...

"C-coby?"

"Bakit ba iyan ang tawag mo sakin?" Sigurado akong si Coby nga ito.Sino pa ba ang malakas mang-alaska sakin.Sya lang naman diba?!

Paasa ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon