"Ano bang problema mo Gilyn?" bubuksan ko palang ang pinto ng mansyon para makapasok ako sa loob ay ito na kagad ang narinig ko.
Mukhang nagtatalo na naman sila Tito Daniel at Tita Gilyn.
"IKAW!IKAW ANG PROBLEMA KO KASI KAHIT KAILAN HINDI AKO NAGING MASAYA KASAMA MO!!!" sanay na kong marinig si Tita Gilyn na ito ang laging sinasabi kay Tito Daniel.Samantalang si Tito manhid na sa masasakit na salitang lumalabas sa bibig ni Tita.
Eh,walang magagawa mahal nya daw kaya hangga't kaya nyang magtiis.Pagtitiisan nya si Tita Gilyn.
Alam naman namin lahat na kaya ganito si Tita Gilyn kay Tito Daniel ay dahil wala silang anak.Palagi na lang nyang pinamumukha kay Tito na sya ang may kasalanan ng lahat kung bakit hindi sila mabiyayaan ng anak.Kung sana naiisip din ni Tita na masakit para sa isang lalaki na hindi nya mabigyan ng anak ang kanyang asawa.
Naawa ako para kay Tito Daniel.Pero naaawa din ako kay Tita Gilyn dahil gustong-gusto na nyang magkaanak pero hindi pwede.
Pagpasok ko ng mansyon.
"Dumating kana pala Beatrix." salubong sakin ni Inay Eya.
"Maaga po kasing natapos ang klase namin.Nagtatalo na naman po ba sila Tita at Tito?"
"Kanina pa sila ganyan.Sinumpong na naman ang magaling mong Tiyahin kaya pinag iinitan ang Tito mo.Mabuti pa pumasok kana sa kwarto mo at magpalit baka mamaya ikaw naman ang mapag initan nun." utos sakin ni Inay Eya kaya sinunod ko naman sya at pumasok sa aking kwarto para makapagpalit na din ng damit.
***
Paglabas ko ng kwarto ko.Wala nang ingay.Siguro natapos nang magtalo sila Tita Gilyn.Bigla ko naman narinig ang paggalabog ng maindoor ng mansyon.
"S-si Tito Daniel po ba ang lumabas?" tanong ko kay Inay Eya nang makarating ako sa kusina.
"Oo sya nga yun lumabas.Magpapahangin lang daw sya saglit.Ayaw nya kasing sabayan ang init ng ulo ng Tita Gilyn mo." sabi sakin ni Inay Eya.
Tumingin ako sa orasan.
8pm na.
"Kumain na po ba si Tita Gilyn?"tanong ko kay Inay Eya.
"Hindi pa.Nasa kwarto lang sya buong maghapon."so?ibig sabihin hindi pa sya kumakain.
Kaya ang ginawa ko kumuha ako ng tray,at kumuha ng pagkain para kay Tita Gilyn.
"Anong ginagawa mo Beatrix?" takhang tanong sakin ni Inay Eya.
"Dadalhan ko po ng pagkain sa kanyang kwarto si Tita Gilyn.Baka po kasi gutom na po sya."
"Naku wag na!baka ikaw pa ang mapag-initan nun."
"Hindi naman po siguro."
"Sige kung ayaw mo talagang papigil dalhan mo na."
nginitian ko naman si Inay Eya.
"Salamat po." at nagtuloy na ko sa kwarto nila Tita Gilyn.
Kumatok ako ng tatlong beses.At tsaka binuksan ang pinto ng kwarto nila ni Tito Daniel.
Mapapansin mo kagad na magulo ang kwarto nila.
"A-anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Tita Gilyn.Bakas sa kanyang mukha na umiyak sya.
"Dinalhan ko po kayo ng pagkain." sabi ko naman sa kanya.Sabay pakita ko ng tray sa kanya.
"Hindi ko kailangan iyan."
"P-pero hindi pa po kayo kumakain."
"Hindi ko nga sabi kailangan iyan diba?!Hindi ka ba nakakaintindi?"
"P-pero kasi po baka nagugutom na po kayo."
"Ilan beses ko bang kailangan sabihin sayo NA HINDI KO KAILANGAN IYAN.AT MAS LALONG HINDI AKO GUTOM!!!" sabay tulak nya sakin na naging dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig at pati ang dala kong tray na naglalaman ng pagkain ay natapon din.
"Aray!" naramdaman ko na lang na humapdi bigla ang kanang kamay ko.At nakita ko na umaagos na ang dugo sa kamay ko.Nabubugbog na pala ako dahil sa nagkalat na basag na pinggan at baso.
"Diba sabi ko sayo hindi ko kailangan iyan.Tignan mo ang nanyari sayo.KASALANAN MO DIN NAMAN IYAN.TANGA KA KASI!" galit na sabi nya sakin.
Pinulot ko naman ang basag na pinggan at baso sa sahig.
"Anong ginagawa mo?"takhang tanong nya.
"Pinupulot ko po yun mga nabasag baka po kasi mabubog po kayo."
"Psh!ang kitid talaga ng utak mo.Matalino ka ba talaga?nasugatan ka na nga pinupulot mo pa yan!"
hindi ko na lang sya inimik sa halip ay tinuloy ko parin ang pagpulot.
"Ang hina mo din makaintindi noh?sinabi nang itigil mo iyan.At umalis kana dito sa kwarto.Hangga't nakakapagtimpi pa ko sayo.Pahirap kayo sa buhay ko,S-SANA...SANA NAMATAY NALANG AKO KAYSA MAKASAMA KAYO DITO."
tinignan ko sya.
"Nasasabi nyo lang po iyan ngayon pero kapag dumating ang araw na yon.Siguro po pagsisisihan nyo din po na nasabi nyo po iyan.Mas masarap pong mabuhay.Problema?problema lang po iyan.Nasosolusyunan din.Nasa sa inyo din pong mga kamay kung gugustuhin nyong mabuhay na puno ng problema o ie-enjoy ang buhay na meron kayo ngayon.Madami po dyan ginugustong mabuhay pa sila pero hindi sila binibigyan ng pagkakataon.Mapalad po kayo na hanggang ngayon buhay parin po kayo.Sige po aalis na po ako." sabay sarado ng pinto ng kwarto nila Tita Gilyn.
--------------------
[a/n: hi readers :) kung mapapansin nyo may cover photo ang chapter na ito.
Sya si Gilyn Ledezma-Ortega ang Tita ni Bea 😨]Happy reading!
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..