Paasa #10

24 3 0
                                    

"OhMyGod!What happen to your right hand Bea?" alalang tanong sakin ni Katelyn.

"Wala to.Malayo naman ito sa buto." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Tell me,dahil sa Tita mo kaya ka nagkasugat?Hindi ka naman magkakasugat kung walang gumawa sayo niyan."taas kilay na sabi nya sakin.

"Hindi."tipid kong sagot sa kanya.

"EH SINO?!!!Anu iyan magic? bigla ka nalang nagkaroon ng sugat."

"Yun plato kasi tsaka baso..."

"ANO?!!!So sinasabi mo sakin,kagagawan iyan ng plato at baso.Kailan pa sila nagkabuhay?Ginagawa mo ba kong Tanga Bea?"

"Hindi naman."

"ANONG HINDI NAMAN?!!!SO ANONG GUSTO MONG SABIHIN SAKIN NA NASA FANTASY WORLD TAYO NA LAHAT NG BAGAY GUMAGALAW!" mukhang napalakas ata ang pagkakasabi ni Katelyn nito, dahilan upang mapatingin samin lahat ng dumadaan dito sa park ng school namin.

"Tignan mo pinagtinginan tuloy tayo.Hinaan mo kasi yun volume ng boses mo."sabi ko sa kanya.

"Wala silang pake!bakit binili ba nila ang boses ko?hindi naman diba.ANONG TINI-TINGIN TINGIN NYO DYAN?!MAY ARTISTA BA DITO?" sabi nya sa mga nakatingin samin.Kahit kailan talaga si Katelyn nakakatakot pag nagagalit.

Nagpatuloy na ulit sa paglalakad yun kanina'y mga nakatingin samin.

At humarap muli sakin si Katelyn.

"So ano ngang dahilan bukod sa plato at baso?" naiirita nyang sagot sakin.

Kaya nagsimula na kong ikwento sa kanya yun mga nanyari kagabi sa pagitan namin ni Tita Gilyn.

"Ayun naman pala kasalanan talaga ng plato at baso." natatawa ako sa way ng pagsabi nya nito parang pabiro na may pagkaseryoso.

"Kaya hindi kasalanan ni Tita Gilyn kung bakit ako nagsugatan."

"Pero kung hindi ka nya tinulak hindi ka masusugatan."

"Ako din naman ang may kasalanan kasi mapilit ako."

"Alam mo Bea,nun umulan ata ng kabaitan sa mundo nasalo mong lahat.Nagmagandang loob kana nga sa kanya tapos sya pa ang may ganang magalit sayo."

"Hayaan na nga natin yun.Tapos na eh wala na tayong magagawa."

"Bahala ka nga.I forgot!wait!" at may kinuha sya sa bag nya na isang invitation.

"Here." at ibinigay nya sakin ito.

"Para san ito Katelyn?"takhang tanong ko sa kanya.

"For my 18th Birthday." oo nga pala!sa saturday na ang birthday nya.

"Ganun ba."

"Yup.Kaya pumunta ka ah."

"Katelyn,baka hindi ako makapunta,isa pa hindi ako bagay dyan."

"Ano bang isip ang meron ka Bea?pumunta ka hihintayin kita dun.You're my bestfriend right?so it means special guest kita dun.So don't disappoint me."

"Pero wala akong maireregalo sayo."sabi ko pa sa kanya.

"Your presence is enough to be my gift."

"S-salamat Katelyn ah."

"For what?" naguguluhan nyang sabi sakin.

"Kasi naging kaibigan kita."

"Psh!ako nga dapat magsabi nyan sayo.Halika nga dito kailangan ko ng yakap ng bestfriend ko." at niyakap nya ko.Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

"Tama na nga ang drama natin mag-bestfriend.Tara na at may klase pa tayo."sabi nya sakin ng makakalas na sya sa pagkakayakap sakin.

At nagsimula na kaming maglakad para pumasok sa next class namin.

Paasa ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon