Now playing: You and Me by Nadine Lustre
🎵🎶Well I haven't seen you in a while
But I'm still held captive by your smile 🎶🎵"Ma'am nandito na po tayo." sabi sakin ni Manong driver ng taxi.
"Ito po ang bayad ko.Thank you po sa paghatid sakin." nakangiti kong sabi sa kanya sabay abot ko ng bayad.
Pagbaba ko palang ng taxi.
Na-amaze kagad ako sa view na nakikita ko.
Bumungad sakin ang giant fountain sa labas ng hotel, nagiiba-iba ito ng kulay na animo'y nagsasayaw kahit walang music.Sa tapat naman nito makikita mo naman ang entrance papasok ng hotel na pagmamay-ari nila Katelyn.
Napapalibutan naman ito ng naggagandahang mga bulaklak.
Ang perfect lang!Ang yaman talaga ng bff ko.
Madami nadin ang mga bisita.At tama nga si Coby halos lahat ng invited dito ay puro mga business tycoons.Ang gagara pati ng mga kasuotan nila.Halata mong mga highclass na tao sila.
Why she is invited here?
Ang ganda ng dress niya pero hindi bagay sa kanya.
Maganda sana sya kung hindi sya nerd at mukhang bruha
Yan lang naman ang mga naririnig ko sa mga taong nandito.Habang paakyat ako sa hagdanan ng entrance.
Imbis na lingunin ko pa sila ay nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad.
Hindi naman sila ang pinunta ko dito bakit ako magpapaapekto diba!
Mamatay sila sa kapangitan ko..bwahahahaha!
Bigla naman akong napatigil sa tapat ng entrance door.
Teka!bakit walang doorknob o hawakan manlang itong glass door sa grand entrance.
Paano ako makakapasok nito?
Alam ko na!
Baka may sinasabing magic word para bumukas ito.
Tama!tama!
mahilig naman sa mahika si Katelyn kaya hindi na ko magtataka kung pati ang entrance nitong hotel ay gawa sa magic.
Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ito.
"Anong ginagawa mo?"
"C-coby?" nauutal kong sabi sa kanya.So ibig sabihin gawa ito sa sensored hindi sa magic.Nakakahiya ka talaga Bea!
"Sabi ko anong ginagawa mo pa dito sa labas?sa loob ang party hindi dito."
"Ah eh nag eenjoy kasi ako dito sa labas ang ganda kasi ng view.Tara na pasok na tayo!" pagdadahilan ko sa kanya.
Papasok na sana ako nang...
Biglang hawiin ni Coby ang isang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko at inilagay niya sa kaliwang tainga ko.
"You're beautiful.Thanks for wearing that dress." bulong nya sakin.Kikiligin na sana ako nang bigla naman nya kong hatakin papasok sa loob.
Pagpasok palang namin sa loob ng hotel
"Wow as in wow!" nasabi ko nalang.
Paano ba naman kasi napapalibutan ang buong hotel ng iba't ibang klase ng mga bulaklak.Baby pink with the touch of blue ang theme ng party.
BINABASA MO ANG
Paasa Problems
RomanceCover made by: @ovilious Yung hanggang "ASA" ka nalang sa mga bagay na hindi mapapasayo! hanggang kailan ka aasa? Basahin mo malay mo yun PAASA mo maging PAG-ASA..