Chapter One:
Ang Mahiwagang 'Hello.'HATINGGABI na subali't hindi pa rin ako makatulog. Pakiramdam ko may bumabagabag sa kalooban ko pero hindi ko masabi kung ano. O baka naman kinakabahan lang ako sa pagpasok sa eskwelahan bukas? A basta, anu't ano pa man ang dahilan, isa lang naman talaga ang nasa isip ko: ang mga signs.
Kagaya ng nakakairita't maingay na katahimikan, rinig na rinig ko rin ang malakas na kabog ng aking dibdib. Natatakot akong baka lahat ng signs ay matupad o mangyari. Na baka magkatotoo ang lahat. Na baka malaman kong umaasa lang talaga ako kay Jack.
Gusto kong bumangon mula sa pagkakahiga at baguhin ang mga sinulat kong signs. Gusto kong gawing mga imposible ang lahat ng signs para malayo sa posibilidad na mangyari, pero parang napaka-unfair ko naman nun. Kung ilalagay ko roon na 'Sign no. 1: Magugunaw ang mundo at mawawasak ang kalawakan,' aba baka magkatotoo, at madamay pa ang buong sangkatauhan at sangkalawakan sa kalandian ko.
Masyadong madadali 'yung nilagay kong mga senyales, pero kung para talaga siya sa akin, hindi mangyayari 'yon. Lahat ng signs mababali kung totoong kami ang nakatadhana at para sa isa't isa. Kahit 13 out of 15 ang chance at dami ng mga senyales na maaaring magkatotoo, lalaban pa rin ako para sa 13.33 percent na tiyansa at dalawang natitirang senyales. Isusugal ko na ang lahat ng swerte ko para lang dito. Kailangang handa ako sa kahit ano pa mang posibilidad.
PAGKAGISING na pagkagising ko, nalanghap ko kaagad ang amoy ng nilulutong almusal ni Kuya. Dali-dali akong napabalikwas sa kama at bumaba na ng aking kwarto.
"Good morning, Kuya." Nagkukuskos pa ako ng mga mata nang batiin ko siya.
"Umupo ka na diyan. Malapit nang maluto 'tong paborito mong almusal." Ni hindi niya akong nagawang lingunin dahil sa sobrang pagka-busy sa pagluluto. Mula noong nangibang-bansa ang mga magulang ko, si kuya ang nag-aasikaso sa akin. Magaling siyang magluto na hindi naman kataka-taka dahil noong bata raw siya, sabi ni Papa mahilig itong manood ng cooking show at magbasa ng mga recipe book gaya ng Mga Lutong Bahay ni Lola.
Nang inihain na ni Kuya ang fried rice at cheese omelet, nilanghap ko muna ang aroma nito. Mabango at nakagugutom, gaya ng parati.
Simple lang ang luto ni Kuya, pero 'di tulad sa ibang mga luto, sobrang paborito ko ito. Tipong kahit mayamaya itong nakahain, e, hindi ako titigil sa paglamon. Isusugal mo ang diet at sexiness mo, ika nga.
"Good luck Ash," saad ni Kuya matapos naming kumain at tinapik pa ako sa balikat.
Maswerte ako kasi siya ang naging Kuya ko. Kahit na nasa magkaibang mga bansa ang aming mga magulang, inaalagaan pa rin niya ako nang maayos. 'Yung iba kasi, por que panganay at wala naman ang mga magulang, aba, go na go sa mga night clubs at morning lakwatsa. Si Kuya, iba.
Graduate na si Kuya sa kursong BEED pero pinili niyang bantayan na lang ako at asikasuhin kesa magturo sa elementarya. Isa pa, siya 'yung klase ng kapatid na go na go magka-boyfriend ang kaniyang kapatid. Ika nga niya, "buhay mo 'yan. Kapag nasaktan ka, ikaw lang ang makararanas. Pero kapag sinaktan ka ng pisikal, ibang usapan na 'yon."
MATAPOS kong maligo at makapagbihis ng uniporme, tinext ko na kaagad si Maria— isa sa mga classmate ko na sinasabi ni Kuya na bestfriend ko— na kung wala pa naman siya sa eskwelahan, baka maaari ka ko na daanan niya ako sa bahay. Tutal, kinse minutos lang naman ang lakaran mula sa kanila hanggang dito sa amin.
Nag-beep ang phone ko, sign na may nagpadala ng mensahe. And speaking of signs, binalikan ko sa kwarto ko ang papel na itinago ko kagabi sa ilalim ng aking unan.
BINABASA MO ANG
15 Signs na Umaasa Ka
RomanceSi Ashley "Ash" Mendoza ay ang klase ng babaeng patay kung patay sa pagkakaroon ng crush sa isang lalaki. Mula noong unang pasukan pa lang talaga ay tumibok na ang puso niya para kay Jackson "Jack" Collins. Subali't nangangalahati na ang school yea...