Chapter Six

78 14 14
                                    

Chapter Six:
The Real Jack.

ALAS-DOSE kwarenta y otso.

Dalawa na kaming naghihintay rito ni Amy— isa sa kagrupo ko— sa harap ng eskwelahan.

Walang umiimik sa amin. Sabagay, 'di naman namin close ang isa't isa. At hindi rin naman ako interesadong magkaroon ng kaibigang mahilig magsuot ng akala mo tinagpi-tagpi na at ti-tirang tela nalang ang short. At ang damit, parang kinapos sa sinulid, hanggang pusod lang. Hindi ko naman siya hinuhusgahan, pero alam ko kasing maldita siya at playgirl.

"Anong oras na bhie?" Kinalabit niya ako at itinuro ang suot kong relo gamit ang kaniyang mala-tukang nguso.

"12: 55," tanging tugon ko.

"Tagal nila 'no?" aniya.

"Oo." Hindi naman siguro halatang ayaw kong makipag-usap sa kaniya, 'di ba? Buti nga sinasagot ko pa siya. Kapag kasi hindi ako interesado sa isang tao, kadalasan na sinasalampakan ko ng ear phone ang tainga ko at nagpapatugtog ng heavy rock music. Basag kung basag ng tainga, basta huwag lang masayang ang oras ko sa isang walang-kwentang tao. Isa pa, ewan ko ba kung bakit pero sobrang sarap na sarap ako sa pakikinig ng ganitong klase ng mga kanta. Parang habang nakikinig ka, naisisigaw mo rin lahat ng galit at tampo mo sa mundo.

Eksaktong one o'clock, nakumpleto na rin kami.

"Sasakay ba tayo o maglalakad na lang para mas enjoy?" tanong ni Jack sa amin.

"Paano mo masasabing enjoy kung mapapagod ka lang din? Sumakay na lang tayo para less hassle," ani ko at nagtawanan lang sila. E bakit naman sila tumawa? Weird nila ha.

NAPAGDESISYUNAN naming sumakay na lamang sa isang tricycle. Dahil lima kami, nakasabit 'yung isa sa likod ng tricycle, which is si Bill. Kami ni Amy magkatabi sa loob ng tricycle. Si Jack at Ron-ron naman doon sa likod ng drayber.

Bumaba kami sa mismong tapat ng bahay nila Jack.

"Ito ba 'yung bahay n'yo?" Ikinumpas ni Amy ang kaniyang hintuturo sa isang medyo may kaliitang bahay. "Akala ko naman may second floor bahay ninyo. Maliit lang pala. Pero pwede na rin, although makaluma ang style ha. Somehow, parang haunted din." Sa sinabing iyon ni Amy, awtomatiko akong napatingin kay Jack. Nakayuko siya at mukhang dismayado't nahihiya.

"Amy, huwag ka kasing mag-expect. Magpa-practice lang naman tayo, hindi magpa-party, gets mo?" ani ko.

"Whatever." Pinaikot niya sa kaniyang daliri ang isang de-keypad na cell phone. Feeling mayaman, yikes! Wala namang masama sa pagiging mahirap o may kaya. Ewan ko ba sa kaniya. May pambili ng lipstik pero walang pansipilyo. Ang dumi ng lumalabas sa bibig e. Kung hindi panlalait, kabastusan.

Nagtataka siguro kayo kung paanong nasa pribadong paaralan itong si Amy? Bali-balita na may kasintahan siyang propesor sa eskwelahan at iyon ang nagpasok sa kaniya sa scholarship kahit hindi naman siya ganoon katalino o katalentado gaya ni Jack.

"Sige na, tuloy na kayo." Ngumiti pa si Jack. . . na halata namang pilit.

Gusto kong bigyan ng suporta si Jack, gusto ko siyang yakapin kaso hindi pwede.

"Dude, saan tayo magpa-praktis?" agad na tanong ni Ron-ron at inilibot ang paningin sa bawat sulok ng bahay nina Jack.

"Jack, sure ka bang dito tayo magpa-praktis? Parang mas okay 'ata kung sa amin na lang? What do you think?" suhestiyon ni Bill.

"Kayo ba? Naisip ko lang kasi, tahimik dito sa bahay dahil nasa trabaho naman ang Papa ko. Kaming dalawa lang dito ng kapatid ko kaya makakapagpraktis tayo nang maayos," anang Jack.

15 Signs na Umaasa KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon