Chapter Eight

77 14 6
                                    

Chapter Eight:
The Day After.

ARAW ngayon ng Lunes. Araw kung kailan muli ko na namang masisilayan ang nakaka-inlove na hitsura ni Jack. Isa pa, dahil sa nangyaring biglaang paglabas namin noong Sabado— na itinuring kong munting date. Hihi— hindi pwedeng magdaan ang isang oras na hindi pumapasok sa kukote ko kung magbabago ba ang pagtingin sa akin ni Jack. Kung mas lalo ba kaming magiging close, o mas lalong lalayo siya. Pero, syempre, sure ako roon sa unang choice.

"Kuya aalis na ako." Humalik ako sa pisngi ni Kuya at nagpasiya nang umalis nang bahay.

Medyo hindi pa rin ako pinapansin ni Kuya gawa nang gabi na nga ako nakauwi noong Sabado. Kung tutuusin hindi pa naman talaga late ang alas-otso, ewan ko ba kay Kuya kung bakit napaka-strikto. Naiintindihan mo namang maganda kasi ako kaya ganun, pero ano ba naman 'yung konting konsiderasyon 'di ba? GGSS 'no? E 'yon 'yung totoo e. Maganda na, matalino pa.

PAGKAPASOK ko sa klase, kaniya-kaniyang kumpol ang mga kaklase ko. Iba't ibang kanta din ang kanilang ineensayo.

Dalawang tao ang lubos na pumukaw sa atensyon ko: Una, si Jack na nag-iisa't nakatanaw sa bintana. Pangalawa, si Maria na nasa grupo nila Amy, bumubuka ang bibig pero hindi ko sigurado kong kumakanta ba talaga o eme eme lang para magkagrado.

Dahil sa unang row naman nakaupo si Jack, pabebe akong dumaan sa harap niya. 'Yung lakad na tiyak kong makakapukaw ng atensyon niya. Kaso hindi e. Tulala siya sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. Nakiramdam ako at dahan-dahan lamang ang paghakbang. Hinihiling ko sa Panginoon na sana tawagin ako ni Jack at nginitian, kaso kahit yata ilang beses akong magdasal e hindi ako mapapansin ni Jack. Tapos naalala ko hindi nga pala ako makaDiyos kaya paano ako ipa-priority ni Lord? Isa pa, sobrang lalim yata talaga ng iniisip ni Jack kaya naman nagpasiya na lamang akong dumiretso na sa upuan ko.

NAGSIMULA na ang pinakahihintay ng lahat, ang pagtatanghal ng anim na grupo.

Bukod sa amin ni Jack, marami ring walang project, as in sobrang dami! Sa sobrang dami hindi ko maisa-isa ang pangalan ni CJ. See, dami naming tatlo 'no?

"Kayong tatlo, anong balak n'yo sa buhay? Uupo na lang diyan at hindi gagawa ng project?" Matapos ang lahat ng pagtatanghal, lumabas na ang sungay ng aming guro at sinermunan kaming tatlong hindi nag-perform. "Sumunod kayo sa akin sa labas!"

Kaagad naman kaming sumunod sa labas. Medyo kinakabahan ako nang mga oras na 'yon pero sabi ko sa sarili ko 'wala nang mas nakakakaba pang gawain maliban sa makasama mo si Jack.'

"Mr. Cruz, gusto mo ba ng special project? Kung oo, maghanda ka dahil pahihirapan kita at kung hindi naman, pumasok ka na sa klase!" nanggagalaiting sigaw ni Ma'am, subali't 'di sapat upang matinag si CJ.

"Ayaw ko po Ma'am." Umiling nang marahas si CJ at bumalik na sa klase. Atapang atao, ayaw sa grado. Palibhasa anak ng teacher kaya matapang.

"O kayo? Tatanggap ba kayo ng special project?" anang Ma'am at bahagyang umangat ang kaliwang kilay.

"Opo Ma'am," mabilis at nakangiting sagot ni Jack. Tumango na rin ako bilang tugon.

"Kumanta kayo sa harapan bukas. Gusto kong mag-duet kayo, 'yung love song ha? Kung pwede sana, OPM. May sparks pa naman kayo." Sabay hagikgik ni Ma'am na siyang nagpatawa sa amin. "Tip para magustuhan ko ang performance ninyo: Una, Yengster ako. Pangalawa, gusto ko pasabog." Humagikgik muli si Ma'am bago kami sinenyasan na pumasok na sa klase.

Ang weirdo ni Ma'am, terror tapos ganoon umarte. Pero in fairness, nakakatuwa siya bumungisngis, parang si Maria. And speaking of Maria, kaagad ko siyang binato ng sandamakmak na tanong.

15 Signs na Umaasa KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon