Prologue
Madalas kong makita ang aking sarili sa harap ng computer habang ini-stalk ang mga social media accounts ng taong lihim kong minamahal. Ng taong 'di ko alam kung mapapansin ba ako. Ng taong pilit kong isinusulat ang pangalan sa tabi ng tadhana, subali't sadyang kapalaran na ang nagsasabing hindi siya 'yung taong para sa akin. Hindi pangalan niya ang nakadikit sa tadhanang inihanda ng pag-ibig para sa akin.
NAKAPALUMBABA akong nakatulala sa harap ng computer. Mayamaya, naramdaman kong dahan-dahang namuo at pumatak ang mga taksil na likido mula sa mga mata ko.
"Kainis ka! Bakit kailangan mong gawin sa 'kin 'to, Jack?!" sigaw ko habang gumagaralgal ang boses. "Bakit kailangang i-unfriend mo pa ako, e, hindi pa naman full ang friendlist mo? Kainis ka!"
"Ash, sinong kausap mo diyan?" Mula sa nakasaradong pinto ng aking kwarto, narinig ko ang nag-aalalang tanong ng aking nakatatandang kapatid na lalaki. "Sino si Jack?"
"A, e. . . w-wala po." Napakagat ako sa kuko ng aking mga daliri habang pilit na nag-iisip ng magandang palusot. "‘Yung sa movie na Jack, Pak na Pak." Namilog ang mga mata ko at napangiti. Iba talaga si Ash, maganda na, matalino pa! "A, oo! Bida si Jack dun. Oo, siya 'yung kausap ko. Wala 'to. Naiinis lang kasi ako sa nangyari sa movie," pagpapalusot ko habang pinupunasan ang mukha na basang-basa na ng pinagsamang pawis at luha nang mga oras na 'yon.
"E bakit kailangan mong iyakan?" tanong pa niya ulit.
"E kasi, naaawa lang ako sa babaeng pinapaasa niya sa movie. 'Yung makikita mong umaasa lang 'yung babae sa kaniya, masakit kaya 'yon. Syempre bilang babae, na-attach lang ako sa bidang babae. 'Di ba, sino'ng 'di magagalit kay Jack?" ani ko. Naghihintay ng tugon mula kay Kuya. Muli na namang gumulong ang mga taksil na likido sa aking pisngi padausdos sa ilalim ng baba. Naalala ko na namang bigla 'yung panga-unfriend sa akin ni Jack kanina. "Kuya, nandiyan ka pa ba?" Walang tumugon. "Ay, para ka ring si Jack, e 'no? Paasa. Akala ko may kausap pa ako. Akala ko nandiyan ka pa. 'Yon pala wala na."
"O, e 'di lumabas din ang totoo. Ikaw ang umaasa. Walang movie na Jack, Pak na Pak. Sinong niloko mo? See? Nandito pa ako. Alam mo kung may mali man sa sitwasyon ninyo, ikaw 'yon," sabi ni Kuya na naging dahilan kaya napatahimik ako. "Hindi naman kasi kita pinapaasa, pero ikaw itong umaasa. Sa madaling salita, wala sa intensyon naming mga lalaki na paasahin kayong mga babae. Sobra lang kayo kung mag-expect at mag-assume. Buksan mo nga 'tong pinto!" Magkagayo'y tumayo ako nang wala sa sarili at ibinukas ang pinto.
"Tara nga rito, Ash." Ibinukas niya ang kaniyang mga bisig at nagbigay ng espasyo para sa maliit kong katawan. Kaagad akong sumalampak sa kaniyang dibdib at doon naglabas ng sama ng loob.
"Kuya, hindi ko na alam ang gagawin. Lagi na lang bang ganito? Bakit ba ang ilap-ilap ng true love para sa akin? Bakit lagi na lang akong pinapaiyak? Bakit ba ang sama-sama ng kapalaran sa akin?" sunod-sunod kong tanong na tinugunan lang ni Kuya ng mas mahigpit na yakap.
"Ash, walang rason para iyakan mo siya. Pero may dahilan para maging masaya ka. Alam mo, hindi totoo na mailap sa 'yo ang true love. Alam mo, wala sa mga lalaking iniyakan mo ang sagot para maging masaya ka." Si Kuya talaga, kahit madalas na nakakainis, may mga pagkakataon namang ayos siyang pagsabihan ng problema. Siya 'yung nag-iisang lalaki na nakaiintindi sa sitwasyon ko at sa lahat ng problema ko bilang teenager.
"Sino?!Sino ang magpapasaya sa akin? Ikaw? Si Mama? Si Papa? Kayo?" Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko kay Kuya, pero siya na mismo ang nagtanggal sa aking mga kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang.
Sinapo niya ang mukha ko at nagtama ang mga mata namin.
"Oo, kami. Kaming mga taong mula umpisa hanggang wakas, e makakasama mo. Kaming mga taong hindi magsasawa na unawain at mahalin ka." Ngumiti siya nang bahagya. "Ash, kusang dadating sa 'yo 'yung taong hinihintay mo. Hindi tamang umasa ka nang maaga. Maghintay ka muna."
BINABASA MO ANG
15 Signs na Umaasa Ka
Storie d'amoreSi Ashley "Ash" Mendoza ay ang klase ng babaeng patay kung patay sa pagkakaroon ng crush sa isang lalaki. Mula noong unang pasukan pa lang talaga ay tumibok na ang puso niya para kay Jackson "Jack" Collins. Subali't nangangalahati na ang school yea...