Chapter Ten:
Comeback Of Signs.A BENTE Y KWATRO NG NOBYEMBRE, palihim akong humahagulgol sa aking kwarto. Ayaw kong malaman ni Kuya na umiiyak ako. Ayaw kong malaman niyang nagpakatanga lang ako. Takot akong malaman niyang umaasa na lang ako kay Jack.
Nagtungo ako sa aking damitan, kung saan ko ikinubli ang papel na naglalaman ng mga senyales ng katangahan. Ganun pala talaga 'yon. Kahit itinago mo na, wala kang magagawa. Ang nasimulan mo ay tiyak na matatapos, anu't ano pa man ang iyong gawin.
Habang lumuluha, isa-isa kong nilagyan ng tsek ang tabi ng bawat senyales.
Sign no. 5: Kapag humugot ka pero wala siyang pake.
Sign no. 6: Kapag magkaiba kayo ng paboritong flavor ng pagkain.
Sign no. 7: Kapag nanghingi ka ng number pero hindi niya ibinigay.
Sign no. 8: Kapag magkaiba kayo ng gustong genre ng kanta.
Sign no. 9: Kapag close na kayo pero wala pa ring sefie together.
Sign no. 10: Kapag mas kinakausap niya ang ibang babae kesa sa 'yo.
Sign no. 11: Kapag special ang trato mo sa kaniya, pero parang friends lang ang feelings niya sa 'yo.
Sign no. 12: Kapag umiiyak ka nang dahil sa kaniya.
Sign no. 13: Kapag hinahanap mo na siya araw-araw at gabi-gabi pero siya hindi ganun sa 'yo.
Kahit ano pang gawin mo. . . kahit itago mo pa ang papel, kahit hirapan mo ang mga senyales, kahit dalian mo man ito, o kahit gawin mang mga imposible, mangyayari at mangyayari ang mga bagay na nakatakda. Na-realize ko sa sarili ko na sobra na ang pagpapakatanga ko. Masyado akong nagpadala sa mga kaganapan, masyado akong umasang may pag-asa ako dahil lang sa mga nangyari nitong nagdaang araw.
Pero alam mo kung ano 'yung mas masakit kapag umaasa ka? 'Yon 'yung patuloy ka pa ring umaasa at aasang darating 'yung araw na mare-realize ni kupido na maling hindi kayo ang pinana niya ng arrow.
Kahit alam mong game over ka na sa laro ng pag-ibig, hindi ka susuko dahil para sa 'yo, kahit ayaw na niya sa 'yo, gusto mo pa rin siya at walang magbabago roon. Kahit one-sided lang, wala kang pake.
Bumalik na ako sa pagkakahiga, niyakap ang unan, binasa ang sariling mukha gamit ang tuloy-tuloy na umaagos na luha. Pakiramdam ko hindi ko na maramdaman pa ang sarili ko. Sana pala, noong una pa lang umatras na ako. Na sana huminto na ako sa pagbabakasakaling may pag-asa ako.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa basang-basa nang unan. "Aasa ka pa bukas para sa dalawang senyales," ani ko't natulog nang humahagulgol ang puso.
A BENTE Y SINGKO NG NOBYEMBRE, araw ng Miyerkules, mag-isa akong nagtungo sa palaruan— kung saan, makikipagkita. . . mali, susuportahan ko si Jack para maamin niya ang kaniyang pag-ibig sa matalik kong kaibigan na si Maria. Sa lahat talaga ng babae, sa bestfriend ko pa e 'no? Punyemas.
Sabi ni Maria, hahabol siya dahil may gagawin siya ngayong araw na hindi naman niya sinabi. Sabi ko naman, dalian niya dahil ayokong pinaghihintay si Jack. Inasar pa niya ako na idadamay ko pa raw siya sa date namin ni Jack. Susmaryosep, sana nga ganun. E kaso siya ang tipo ni Jack.
Sa halip na mabagot kahihintay, inilibot ko na lamang ang aking paningin sa buong paligid— sa padulasan, sa swing, sa see-saw, sa bench, at sa ice-cream vendor. Bawat elemento at bagay na napapasadahan ko ng tingin, pinapaalala nito sa akin si Jack. 'Yung masasaya naming alaala rito.
BINABASA MO ANG
15 Signs na Umaasa Ka
RomanceSi Ashley "Ash" Mendoza ay ang klase ng babaeng patay kung patay sa pagkakaroon ng crush sa isang lalaki. Mula noong unang pasukan pa lang talaga ay tumibok na ang puso niya para kay Jackson "Jack" Collins. Subali't nangangalahati na ang school yea...