Chapter Seven:
Playground Moments.ALAS-TRES, eksaktong nakatapat ang maliit na kamay ng orasan sa numerong tres samantalang ang malaki naman nitong kamay ay nakatutok sa dose.
Kaagad na nagtungo si Sarah sa padulasan. Kung tutuusin, simpleng palaruan lang naman 'to, pero parang naging espesyal nang makasama ko sila.
"Ashley, ano nang sagot mo?" tanong ni Jack nang makaupo kami sa isang pangtatluhang-taong bench.
"Ah e." Naalala ko 'yung tinanong niya kanina. Tinatanong niya kung pwede raw bang sumabay ako sa hapunan nila mamayang gabi. Para naman daw hindi malungkot si Sarah dahil hindi makakauwi nang maaga ang kanilang Papa mamaya gawa nang kinailangan nitong mag-overtime sa trabaho. Kaso naisip ko, baka mag-aalala si Kuya sa akin. Syempre, kahit magpaalam ako o magbigay-abiso, mag-alala 'yon dahil babae ako. Maganda na, matalino pa. Sinong 'di magbabalak mang-trip sa akin? Isa pa, kapag pumayag ako, para ko na ring sinabing mas mahalaga sila kesa kay Kuya na kadugo ko.
"Oo naman," sagot ko. Pasensiya na, Kuya. Babawi nalang ako.
"Talaga?!" Niyakap ako ni Jack. "Salamat, Ash."
Bukod sa pagkakayakap niya, nagulat din ako dahil tinawag niya akong Ash. . . sa unang pagkakataon. Ibig sabihin ba nito, close na kami?
"Walang anuman." Ngumiti ako at ibinaling ang atensyon kay Sarah. "Ang saya-saya ng kapatid mo oh!"
"Oo nga e. Nakakatuwa. Alam mo, madalas kami rito noon. Noong nabubuhay pa ang Mama namin. Halos tuwing linggo nandito kami, nagba-bonding," pagkikuwento ni Jack pero hindi na ako kumibo. Nagi-guilty lang kasi ako. Ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa mga magulang.
Noong bata pa kasi ako at nandito pa sa Pinas sila Mama at Papa, lagi akong nagkukulong sa kwarto at hindi pumapayag sa mga family outing. Alam ko naman kasing labag sa kanilang kalooban 'yon.
ISANG UMAGA noong nasa elementarya pa lang ako at musmos, narinig ko si Kuya Rex at si Papa na nag-uusap sa sala.
"Papa, baka pwede tayong mag-mall ngayon? Tutal nandito kayo ni Mama. Buong linggo, lagi kayong nasa trabaho. Malamang miss na miss na kayo ni Ashley at mukhang nagtatampo na," sabi ni Kuya Rex kay Papa na abala sa pagtitipa sa kaniyang laptop.
"Rex, nag-day off kami para magpahinga," tugon ni Papa.
"Pero bakit po nagtatrabaho pa rin kayo?" tanong naman ni Kuya na tinutukoy ang pagtitipa ni Papa ng mga papers para sa opisina.
Hindi na ito kumibo.
Kahit noong tanghalian, pinipilit pa rin ni Kuya na makapag-mall kami.
"Mama, pwede ba tayong mag-mall ngayon? May sale raw kasi, 70 percent. Dali na, Mama," pamimilit ni Kuya Rex habang kumakain.
"Sige, pero saglit lang dahil makikipagkita ako sa kliyente," malamig na tugon ni Mama at sumubo ng pagkain.
"Pero day-off n'yo naman po ngayon 'di ba?" usisa ni Kuya.
Inilapag ni Mama ang kutsara't tinidor niya at matalim na tinignan si Kuya. "You won't understand. Ngayong araw lang bakante ang schedule ng client kong iyon. Kailangan kong isakripisyo ang pahinga ko para hindi ako mag-suffer."
"Pero Ma—"
"Maliligo na ako. Pagkatapos n'yong kumain, mag-asikaso na rin kayo ni Ash para madala ko kayo sa mall," pamumutol ni Mama sa balak sabihin ni Kuya. Tumayo na siya at lumakad papunta sa hagdan.
BINABASA MO ANG
15 Signs na Umaasa Ka
Storie d'amoreSi Ashley "Ash" Mendoza ay ang klase ng babaeng patay kung patay sa pagkakaroon ng crush sa isang lalaki. Mula noong unang pasukan pa lang talaga ay tumibok na ang puso niya para kay Jackson "Jack" Collins. Subali't nangangalahati na ang school yea...